Chapter 8: The Crystal Bearer

3.9K 179 11
                                    

Chapter 8: The Crystal Bearer

Freya's Point of View

Pinilit kong maging consistent ang ekspresyon ko para 'di niya mapansin ang kaba ko. Diretso ko siyang tinignan sa mata at hinintay ang sasabihin niya.

"Imposibleng masira lang nang basta-basta ang wards. Ito nga ang kinatatakutan ng Professor, maaring nagsisimula na siya sa pagkilos," rumehistro ang pagtataka sa aking mukha.

"Sinong siya?" hindi ko napigilang itanong. Marahan lamang siyang ngumiti. At bumalik nalang sa paglalakad. Siguro'y wala pa ako sa lugar para malaman iyon. At isa pa, hindi pa ako ganap na estudyante sa paaralang 'to.

"Nasira ang wards, at maibabalik lang iyon kapag pinagsama ang kapangyarihan naming anim, kaming anim na mga Stone Bearers," tumango ako sa kanya.

"Kaya kailangan mo silang sunduin at ipaalam sa kanila 'to?" I concluded. She gave me a 'yes' for an answer. Then we continued walking, trying to make our way against the current of the crowd.

Pumasok kami sa malaking building at umakyat sa third floor. A typical high school building where students roam around. Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan namin ang isang room.

May mga drawings ang white board gamit ang isang temporary black marker. May parang barrier sa right side ng board at mga kakaibang drawings naman ng daggers sa left side.

"Mahirap pag-aralan ang infusion lalo na kung hindi ka sanay sa parerealese ng kapangyarihan mo," seryoso lang na nakikinig ang mga estudyante sa lalaking teacher nila. Mga nasa mid-twenties na ang teacher na 'to.

"At tanging ang mga may elemental abilities lang kayang gawin ang tinatawag nating infusion," nagpalakad-lakad ang kanilang teacher. "Now, tumungo naman tayo sa shockwaves. Ibibigay ko sa inyo ngayon ang mga factors kung gaano kalakas ang epekto ni---"

"Freya, anong tinitignan mo?" napatingin ako kay Sab na patingin-tingin sa loob ng room.

"Wala," sinabi ko nalang at tumabi na sa kanya sa paglalakad. Huminto kami sa tapat ng pintuan ng ikatlong classroom. Kasalukuyang nagdidiscuss ang teacher nang sumingit si Sab.

"Excuse me ma'am," tumigil ang teacher sa kanyang lecture at tinignan kaming dalawa ni Sab. Napatingin din ang karamihan ng estudyante sa amin. "Si Mina po, pinapatawag po kasi siya ni Professor Fross."

Akala ko ba si Tara ang susunduin namin? Inilibot ng teacher ang kanyang tingin, "Mina Harper, pwede ka nang lumabas. Pinapatawag ka ni Professor Fross."

Agarang tumayo ang babaeng nerd na nakaupo sa bandang likuran. Kinuha niya ang kanyang sling bag at sinabit ito sa kanang balikat. She gathered her things and made her way outside the classroom, pass  the eyes of the many. May narinig pa akong bulong-bulungan ng mga estudyante sa loob.

Inilibot ni Sab ang kanyang mata, na tila may hinahanap pang estudyante. "Ma'am, wala po ba si Tara?"

Nagreflect ang ilaw ng umaga sa suot na glasses ng babaeng teacher. "Tara Abadon? Hindi siya pumasok, kilala mo naman ang babaeng 'yon." Tumango na lamang si Sabine.

Tuluyan nang nakalapit sa amin ang nerd. Noong una ay akala ko, pareho sila ni Ada. Nerd na palaging nabubully at ayaw ng lahat. Pero iba itong si Mina. "Hi. Ako si Mina Harper." Nakangiti niyang inilahad sa akin ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko ito at nagpakilala rin.

Kakaiba siyang nerd. She talk with confidence and intelligence. Isang nerd na hindi nabubully.

"Mina? Nakita mo ba si Tara?" singit na tanong ni Sab habang naglalakad kami. Nakalabas na kami ng building at walang ideya kung saan ang sunod na pupuntahan.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon