Ang init. Sobrang init. Parang nalulusaw ang balat ko. Pero hindi, nalapnos na. Ngunit, isang pagbiyak sa lupa ang nagligtas sa akin o sa amin.
3 Months Ago
The Rafferty Mansion Incident. The Survival.
(Third Person Point of View)
Sa pagsabog ng bomba, alam na nila wala na silang takas pero sa isang banda...
Kinuha ni Jerome ang isang granada na nakasabit sa bangkay ng isang miyembro ng kalaban. Inipon niya ang mga bangkay ng iba pa at pinagpatong-patong habang nagkakaroon ng komosyon. Dumating si Jessa at sinaksak ang lider na si Negan sa leeg. Kinuha ni Rinel ang baril. At binaril sa lapag pero kunti palang ang butas.
Hinila ni Jerome ang trigger sa granada at tinapat sa lapag at hinarang ang mga bangkay para mawarak ang bukasan sa tagong lagusan papunta sa kweba.
Sa pagsabog ng granada ay sumabay ang pagsabog ng buong mansyon. Hanggang umabot sa kanila. Nawarak ang lapag at doon na nagsimula ang tatlong buwan sa lugar na iyon.
Unti-unti silang nalaglag sa kweba at bumagsak sa malamig na tubig.
"B-buhay tayo?" tanong ni Paulo. Kasama sa pagbagsak ang iba't-ibang nadurog na parte ng katawan ng mga kalaban. At ang natitirang ulo ni Negan.
"Shit! Shit! Shit! Everyone get out of the water! Pumunta kayo sa loob ng kweba! Babagsak sa atin ang mga malalaking tipak ng bato at kahoy!" sigaw ni Luke sa lahat. Nagsitayuan mula sa tubig ang lahat at tumakbo papasok sa kweba.
Hinatak ni Dannica ang damit ni Aila. "Aila tulungan mo ko. Nabalian yata ako."
Tinignan lang ni Aila si Dannica. "You're a killer," ang tanging nasabi ni Aila. At tumakbo papalayo.
"NO! DANNICA!" sigaw ni Ryan at pinipilit na kumalas sa mga mahihigpit na hawak nina Chris, Carlos at Romeo.
Kitang-kita ni Ryan ang pagbagsak ng malalaking tipak ng bato at kahoy kay Dannica.
"Fuck you! All of you! I'll kill all--" Hinampas ni Xandre si Ryan sa batok ng malakas para makatulog.
"She deserved it," seryosong sabi ni Xandre, tila umuusok pa rin ang galit dahil sa pagkamatay ni Reyes.
Pumunta ang lahat sa kailaliman pa ng kweba para lang makahanap ng lagusan palabas.
"Let's just rest here," utos ni Carlos.
"That is a GOOD idea," sabi ni Aila at umupo sa tabi.
Lumipas ang ilang oras. May mga inatake ng tulog sa sobrang pagod at tila tinatanong ang sarili kung bakit buhay pa sila. Alam na nila kung ano ang sagot sa mga nangyayari sa kanila kaya wala na silang oras magreklamo."Now what?" tanong ni Paulo.
"Ano na gagawin natin dito? Mamamatay sa gutom?" iritang tanong ni Michelle.
"Mas mabuti pa yatang pinatay nalang tayo ng killer," sabi ni Aaron.
"Guys. Let us not lose hope. Meron tayong mahahanap na lagusan," sabi ni Kim habang naghahanap ng kaunting espasyo sa mga bato.

BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystery / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...