Stanza 3

187 8 0
                                    

Stanza 3

Napalingon ako kay Jethro nang itanong niya yun. Hindi ako makasagot. Hindi ko kasi talaga alam ang isasagot sa tanong na iyan. Naitanong ko na yan sa sarili ko.

"Edi wow." Yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Naku, Steph. Huwag na! May Kristoffe ka na, mas bagay kayo!" Sabi ni Mariell. I'm guessing she's almost drunk.

"Wala akong plano kay Kristoffe. Masasaktan lang naman siya sa akin." Sabi ko naman.

"Are you saying na mahal mo pa si Ariel?" Tanong ni Mariell. Napakagat ako ng labi. I don't know.

"Silence means yes." Sabi ni Jet.

"Silence could also mean that there's nothing to talk about." Sabi ko. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. Hindi ganun kabusy ang kalsada. "Magpapahangin lang ako."

Hindi naman sila umangal. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Sumakay ako sa elevator at pumunta sa rooftop. Paglabas ko ng elevator, naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin. Lumapit ako sa dulo at pinanood ang syudad. Naalala ko yung pagkikita namin kanina. Huminga ako ng malalim.

Buong akala ko, nakamove-on na ako. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala; na nasanay lang pala ako sa katotohanang may iba na siya. Moving on is different from getting used to the pain. Nakaramdam ako ng antok kaya naisip kong bumalik na sa kwarto ko. Pagharap ko sa elevator, saktong bumukas ito at nagtama ang mga tingin namin. Drei. I froze. Lumabas siya ng elevator pero hanggang doon lang siya. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakatingin  sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Tumalikod ako at hinarap muli ang syudad.

"Welcome home, Steph." Mahinang sabi niya. Sakto lang para marinig naming dalawa.

"Thanks." Sagot ko. Narinig ko ang footsteps niya. Nakita ko sa peripheral view na nakasandal rin siya sa munting pader sa dulo ng rooftop at nakatingin sa syudad di kalayuan sa akin. Pagkakataon ko naman 'tong pumunta sa elevator at bumalik na sa kwarto ko.

"Steph." Napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Wala na tayo sa trabaho, pwede ba kitang makausap?" Hinarap ko siya.

"Sure. You have a few minutes before I faint out of being drunk." Sabi ko. Damn, did I just say that? Iba pala talaga epekto ng alcohol sa pag-iisip ng tao. Nakita kong napangisi siya. Naglakad siya palapit sa akin.

"Glad to see you after 6 years, Steph." Sabi niya. Ngumisi ako.

"6 years is too short." Sabi ko naman. Napansin ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya.

"Mukhang naging masaya ka naman sa loob ng anim na taon." Sabi niya. Oh tapos? Anong gusto niya ipahiwatig? Nakakabitter. Tumango tango ako bago nagsalita.

"Yeah and you seemed to be happier, too." Bakit ba kasi ako nage-english? Lasing na yata ako. Ngumiti siya.

"Somehow, yes." Sabi niya. Napahawak ako sa noo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. "Okay ka lang ba?" Inalalayan niya ako. Tinanguan ko lang siya at kumawala sa pagkakahawak niya.

"Ariel, babalik na ako ha." Sabi ko at pinindot ang call button ng elevator. Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.

"Last time I checked, Drei pa yung tawag mo sa akin." Sabi niya. Bumukas ang elevator door at pumasok ako dito. Ngumisi ako nang makaharap ako sa kanya. Tapos biglang lumabo ang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. 

Another Song For You[ASFY2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon