Chapter 31

4.2K 96 3
                                    

On maternity leave pa si Avery kaya naman hindi pa siya pumapasok sa opisina. Tutok na tutok lamang siya sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Naipaalam na rin niya sa kanyang mga magulang ang napag-usapan nila ni Zyrelle. Avery even reintroduced the man to her parents as her boyfriend at tatay ng kanyang ama.

Madalas naroon si Zyrelle sa bahay nila dahil na rin gusto nitong laging kasama sina Avrielle. Minsan nga ay doon na natutulog ang binata sa sofa nila dahil naaabutan ito ng kalalaliman ng gabi sa pag-aalaga sa kanilang anak. Hands-on din ito kapag naroon.

"Siyanga pala, mommy.", untag sa kanya ni Zyrelle. Pinapatulog nito si Avrielle habang nagtitiklop naman ng damit si Avery.

And yes, may endearment na sila ngayon. 'Mommy' at 'daddy'.

"My parents want to meet Avrielle.", sabi pa ng lalaki. "Can we have dinner with them bukas?"

Natigilan si Avery sa ginagawa. Oo nga at tanggap siya ni Zyrelle but what about his parents? Ngayon lang yata pumasok sa isip niya iyon.

Mukhang napansin naman iyon ni Zyrelle. Ibinaba muna niya si Avrielle bago lumapit kay Avery at umupo sa tabi ng dalaga.

"What's wrong?"

"Matatanggap ba kami ng parents mo?"? May pag-aalinlangang tanong ni Avery kay Zyrelle.

"Of course they would!", sagot ng lalaki. He cupped her face while smiling widely. "They are dying to meet their grandchild. They also want to meet my mystery girl."

"Okay, sige.", kahit hindi sigurado ay wala na rin namang magagawa si Avery. Hindi niya pwedeng ipagkait sa mga magulang ng binata ang apo ng mga ito. "Bukas ng gabi."

Kinabukasan ay maagang naghanda si Avery. Using pink na bestida at flat shoes ang sinuot niya. Hinihintay na lamang niya na sunduin sila ni Zyrelle.

"You look lovely.", komplimento ni Zyrelle sa kanyang suot.

"Thank you.", namumula ganti niya. "You look good too."

Naka black long sleeve polo ito at jeans with matching rubber shoes. Kahit ganoong casual lang ang suot nito, hindi maikakaila na gwapo ang lalaki.

Agad nitong kinuha ang bag na may lamang gamit ni baby. Si Avery naman ang may karga kay Avrielle. Habang nakahawak sa likod ni Avery, inalalayan niya ang kanyang mag-ina palabas ng bahay. Pinagbuksan niya rin ang mga ito ng pinto ng kotse bago inilagay sa backseat ang bag at umikot papuntang driver's seat.

Nang maobserbahan ni Avery iyon, napangiti siya. Simula noong magkakilala sila ni Zyrelle, he never failed to show her his gentlemanly side. Parang innate na talaga dito ang pagiging gentleman at isa iyon sa mga nagustuhan niya sa binata. Some guys nowadays only open doors to women to impress them at kapag hindi na sila nagpapa-impress ay nawawala na rin ang pagiging gentleman ng mga ito.

The drive toward the Fuentebella mansion was filled with questions and answers, well mostly mga tanong mula sa kanya. She wants to make sure na hindi siya makakagawa ng ano mang makakapagpa-badshot sa mga parents ng lalaki.

Nang makarating sila sa Forbes ay mas lumakas ang tambol ng dibdib ni Avery. She's here na talaga! Wala na siyang kawala.

Iginala muna ni Avery ang tingin sa paligid. Just like whe  she was in Vegas with Zyrelle, puro karangyaan lang ang nakikita niya. The Fuentebella mansion is bigger than she expected, the architecture impressive.

Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malapot. Her fast heartbeat calmed down a bit when Zyrelle held her hand in reassurance.

"Don't worry, magugustuhan ka nila.", nakangiting sabi ni Zyrelle. "Besides, I got your back."

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon