Chapter 31 - Zyrelle's Side
Kinakabahan man ay sumama si Zyrelle kay Avery. May ideya na siya kung ano ang pag-uusapan nila ng dalaga. It may be about his paternity.
Tahimik muna nilang inubos ni Avery ang banana cue bago binuksan ng huli ang usapan.
"Uhm... ano..", panimula ni Avery. "Tungkol kasi sana kay baby Avrielle ang pag-uusapan natin."
Expected na iyon ni Zyrelle kaya tumango lang siya. Seryoso siyang tumingin kay Avery para maramdaman nito na he's taking this seriously.
"Ano kasi...", huminga muna ito ng malalim bago nag-salita. "Ikaw yung ama."
Halos pabulong lang ang pagkakasabi nito pero hindi siya nakahuma agad. Hindi naman kasi niya alam na straight forqars talagang sasabihin sa kanya ni Avery ang tungkol doon. Wala man lang paligoy-ligoy.
Dahil inulit pa nito ang sinabi, napangiti at napatango na lang si Zyrelle.
"I know.", sagot pa niya.
"Y-you what?"
"Sabi ko, alam ko.", ulit naman niya. "O bakit parang hindi ka makapaniwala diyan?"
"Kasi, I was expecting you to deny it or to probe more.", nakita niya na parang nalilito ang dalaga. "Your reaction is unexpected."
"When I saw you again after Las Vegas, you were very pregnant.", seryosong sabi niya. "May hinala na ako by then na baka akin yung bata. You went into labor right in my arms. I just did the math, counting the months, and everything fell into place. Hindi nakapagtataka na akin yung bata."
"Wala man lang bang wild reactions?", paninigurado pa ni Avery. "Tanggap mo talaga ng buong-buo si baby Avrielle?"
Napatawa si Zyrelle. Of course, tanggap niya! Ikaw ba naman ang biyayaan ng napakagwapong anak at sa babaeng mahal mo pa! Kung pupwede nga lang ay idiretso niya na sa bahay niya ang kanyang mag-ina ay ginawa na niya.
"Of course, kahit ikaw, tanggap ko ng buong-buo.", sabi niya habang titig na titig sa dalaga. Gusto niyang maramdaman nito na seryoso siyang panindigan ang pagiging ama kay Avrielle.
Nakita naman niyang namula si Avery. Lihim niyang ikinatuwa iyon dahil ibig sabihin ay may epekto siya sa dalaga.
"Okay lang naman kung hindi mo ako panagutan, Zyrelle.", sabi ni Avery. "Yung nandiyan ka lang para kay baby, okay na sa akin iyon."
Matiim siyang tumitig sa dalaga. Medyo kumurot ang kanyang puso sa narinig. Hindi ba nito gustong matali sa kanya?
"I actually planned to give Avrielle a complete family - you and me together with him.", seryosong saad ni Zyrelle. Kanina ay balak niya sanang ayain magpakasal agad si Avery pero mukhang hindi iyon tatanggapin ng dalaga.
"Pero hindi natin mahal ang isa't isa.", sa mahinang boses ay sabi ni Avery. "Marriage should be between two people who love each other."
May kirot siyang naramdaman sa kanyang puso ng marinig iyon. True, mahal niya ang dalaga pero hindi nga naman siya mahal nito. Kailangan pa nga pala niyang paghirapan na makuha ang puso ni Avery.
"Maybe you don't love me right now but can you consider giving this - us - a chance?", iyon na lamang ang nasabi niya.
"We can't deny na may attraction sa pagitan nating dalawa.", patuloy niya sa pagpapaliwanag. Kailangan niyang makumbinse ang dalaga. "In my part, at least that's true. Mangyayari ba naman ang nangyari sa atin sa Vegas kung wala tayong nararamdamang atraksyon sa isa't isa. So why don't we nurture the attraction and see where it goes?"
"Guto kong makasal tayo pero hindi kita pipiliting magpakasal agad-agad. I also believe that we should only get married to the person we love and want to spend the rest of our life together. Kaya naman maghihintay ako hanggang sa marealize mo na ako yung tao na yun para sa iyo."
Hindi umimik ang dalaga sa kanyang sinabi. Kinabahan siya. If he can only peek through the girl's head ay ginawa na niya para lamang malaman kung ano ang iniisip niyo. Being this nervous waiting for another person's approval has never been this nerve-wracking for him. Even with his big business deals, hindi siya ganito ka kabado. He thought he's a confident man pero wasak din pala ang confidence niya pagdating kay Avery.
"W-we can start as boyfriend and girlfriend?"
He mentally chastised himself dahil sa pagkakabulol niya. Also, really? Boyfriend girlfriend?! Sana engagement na lang ang in-offer niya! Hindi siya nakapag-iisip ng maayos!
"Okay, pumapayag na ako."
Lihim siyang nagbunyi at para siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ng dalaga. Pero agad din naman iyong nawala dahil sa sumunod na sinabi nito.
"But what if hindi tayo mag-work?", alanganing tanong nito sa kanya.
Truth be told, hindi pumasok sa isip niya na baka hindi mag-work out ang set up nila. He wanted it to work kaya iyon lang ang inisip niya.
"I'll let you decide.", sagot niya. Doon din naman iyon patutungo. If ayaw talaga ng dalaga, wala siyang magagawa. Pero bago ito tuluyang tumanggi, gagawin niya muna ang lahat para mahulog ang loob nito sa kanya hanggang sa pumayag itong magpakasal.
"Bakit parang lahat ng sinabi mo sobrang pabor naman sa akin?", natatawang biro sa kanya ni Avery.
Sumilay ang napakatamis na ngiti sa labi ni Zyrelle.
"You are my queen, after all." , maagap na sagot nito. Inamin niya sa sarili that he's whipped. He's willing to wait on her hands and feet.
'Your wish is my command.'
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...