Rafe POV
"Hon!!!, Syden!!!, Zeke!!!, where are you????"
"Asan na kayo???"
"Duke!!!!, Son!!!" Paghihinagpis niya.Habang patuloy parin sa pakikihamok sa bawat alon ng dagat.
Walang tigil ang pagtawag niya sa kanyang pamilya.
Mga pira-pirasong kahoy ang nasa paligid niya.
Tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa madilim niyang paligid.Patuloy parin siya sa pagtawag sa pangalan ng minamahal.
Sigawan, mga umiiyak...
Mga humihingi ng saklolo.
Yan ang tanging naririnig niya.Breaking News>>>>
Isang pribadong pagpupulong ang nauwi sa malagim na aksidente.Isang Luxury Ship na pagmamay-ari ng mga Dorschner ang namataang lumubog sa kailaliman ng dagat.
Isang malakas na pagsabog ang naging sanhi ng pagkasira ng tuluyan ng mamahaling sasakyan.Ngunit hindi parin malaman ng ating kapulisan ang tunay na sanhi ng karumaldumal na aksidente.
Flash Report>>>>
Kumpirmadong pagaari ng pamilya Dorschner ang isang Luxury Ship na nilamon ng dagat.Napagalaman na sakay nito ang ilang mga kilalang tao na patuloy paring pinaghahanap.
Kabilang sa mga nawawalang pasahero ang mismong Misis ng kilalang Rafe Dorschner si Syden Briones Dorschner. At ang nakababata nilang anak si Duke Dorschner.
Hanggang ngayon ay wala paring tigil ang rescue operation na ginagawa para mahanap ang mga nawawala.
Marami ang nakisimpatya sa Pamilya Dorschner sa isang mala bangungot na nangyari sa kanilang pamilya.
Bagamat nailigtas ang kilalang Royalty at ang panganay nitong anak.
Bigo naman ang mga ito na makita pa ang katawan ng asawa nitong si Syden Dorschner at ang bunsong anak na si Zeke Dorshner.After 15 years...
Chapter 1
"Young Master!!!"
Boses ng katulong ang umagaw sa kanyang pagmumuni-muni.
Nilingon niya ito.
"Handa na po ang lahat, kayo na lamang po ang hinihintay!!!"
"Sige susunod na ako!!!"
Ilang minuto pa niyang pinagmasdan ang isang portrait sa harapan niya.
Nakasabit iyon sa malapad na dingding ng kanilang bahay.
Larawan iyon ng isang masaya at kompletong pamilya.
Portrait iyon ng kanilang pamilya.Walang araw na hindi niya iyon pinagmamasdan.
Dahil tanging sa larawan na iyon na lamang buo ang pamilyang meron siya.
Ang dating masayang pamilya na meron siya.He is Zeke Dorschner, 26 years old. Mula sa mayamang angkan.
Ang susunod na taga pagmana ng mga Dorschner.
Siya ang panganay na anak nina Rafe Dorschner at Syden Briones.
Maamo ang kanyang mukha, pero sa kabila niyon ang lungkot at pighati na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.Nakasuot siya ng Semi- fit na white polo at jeans na maong.
Napaka casual ng kanyang kasuotan para sa isang prinsipe.Bumaba na siya ng hagdan,
Mga matang nakatingin sa kanya ang kanyang mga nakikita.
Maraming tao ang naghihintay sa kanya sa ibaba.
Lahat ng ito ang nakasuot ng puti.
Mga taong naging parte na ng kanyang buhay simula pagkabata.Walang imik na sumakay siya sa sasakyan.
Walang ano mang emosyon na makikita sa mukha niya.
Walang ano mang ingay na maririnig sa loob ng sasakyan.
Lahat ay tikom bibig.
Marahil ayaw niya ng maingay.
Marahil tahimik siyang tao.****
Nagtungo sila sa isang dalampasigan.
Isang baybaying dagat.
Isang dagat, malinis, mga pinong puting buhangin.
Malalakas na hampas ng alon.
Napakaganda ng lugar na iyon.
Pero sa kabila nun.
Sa kabila ng pagiging maganda ng dagat na iyon.
May mga natatagong masasakit na nakaraan.Halos lahat ng mga kilalang tao ay nandun ngayon.
Lahat sila ay puti ang pananamit.
May ilang tao na masayang nakikipagusap.
Meron namang pumipilit na ngumiti.
Meron din, hanggang ngayon ay hindi pa makalimot."In the Name of the Father, And the Son, And the Holy Spirit!. AMEN!!!" panimula ng pari sa kanilang lahat.
"Mga Kapatid, nandito tayo ngayon at nagkakatipon tipon, para alalahanin ang isang gabing naging pagsubok sa ating buhay.
Isang gabing, nagiwan ng kurot sa ating pagkatao.
Isang gabing masasabi natin na isang bangungot.
At isang gabing kumuha sa buhay ng ating mga mahal sa buhay!!!"Tahimik ang lahat, matamang nakikinig sa mga sinasabi ng pari.
Maging ang binatang si Zeke ay tahimik na nakikinig din.
Hawak ang dalawang pirasong puting bulaklak.
Bawat salitang binibitawan ng pari, lahat yun tumutusok sa kanyang puso.
Parang tinik na hindi maalis kahit nilipasan na ng panahon.15 years na ang nakararaan.
Pero tandang tanda parin niya sa kanyang isipan ang lahat ng nanyari ng gabing iyon.
Malinaw parin sa kanyang ala-ala ang lahat ng naganap.Isang malakas na pagsabog.
Kasunod nun ay nagising na laman siya sa ibabaw ng isang malapad na kahoy na naging dahilan upang siya ay lumutang.
Wala na ang sinasakyan nilang yate.
Mga taong nakalutang sa tubig ang nasa paligid niya.
Mga taong wala nang mga buhay.
Tanging liwanag lamang mula sa bilog na buwan ang tumatanglaw sa kanya.
May mga humihingi ng tulong.
May mga umiiyak.
May mga taong unti unting nalalagutan ng hininga.
Labin-dalawang taon na siya ngunit noon lang siya nakaranas ng ganung pangyayari.Kaagad na pumasok sa kanyang isip ang kanyang mga magulang, ang kanyang kapatid.
"Mommy!!!!, Daddy!!!!" Walang tigil na pagsigaw niya.
Habang umiiyak siya, dahil sa takot.
Dahil sa takot na noon lamang niya naramdaman.Halo halo ang kanyang nararamdaman, pero namamayani parin ang takot niya.l
Sumisigaw siya,
Sumisigaw lang siya ng sumisigaw.
Hanggang sa huling sandali.
Hanggang sa wala na siyang makita.
Hanggang sa malakas at mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang tangi niyang naririnig.
Hanggang sa mawalan ulit siya ng malay.Pagmulat ng kanyang mga mata.
Mukha ng kanyang ama ang kaagad niyang nakita.
Nasa kandungan siya nito.
Sakay sila ng bangka kasama ang ilan pa.
Muli niyang ipinikit ang mga mata ng mapagtanto na ligtas na siya.Kahit ilang taon pa ang lumipas.
Hinding hindi mabubura ang pangyayaring iyon sa isip niya.
Hinding hindi niya malilimutan ang bangungot na iyon.
Ang bangungot na kumuha sa buhay ng kanyang ina at nakababatang kapatid.Kaagad niya sinuot ang sunglass na nakasabit sa kanyang dibdib.
Nagbabadya na naman kasi ang pagtulo ng luha sa kanyang mata.
Ayaw niyang makita ng ibang tao na umiiyak siya.
Ayaw niyang malaman ng ibang tao na hindi parin niya tanggap ang nangyari.
Dahil kahit ilang taon pa ang lumipas, hinding hindi niya matatanggap ang nangyari sa pamilya nila.
Ang pagkawala ng mahal niya sa buhay._______________________________________
Pls. Do vote po.
And comment na din kayo para ganahan pa ako gumawa.
Salamat po.
💜💜💜
BINABASA MO ANG
Rise Of The Royalty
Ficción GeneralBook 2 of The Royale Inheritor Ikalawang yugto sa buhay ng mga Dorchner. Si Zeke, ang taga pagmana ng mga Dorschner. Namuhay ng sagana, pero sa kabila noon ang lungkot at pangungulila niya sa kanyang mahal sa buhay. Pilit na tinatakasan ang nakaraan...