Chapter 42
Kylie's POV
Hindi siya pumasok ngayon. Nag text ako sakanya pero ni isang reply man lang wala. Tinanong ko din siya sa mga kaibigan niya pero wala din silang alam at hindi pa daw nila nakakausap si Kieran.
Maaga uwian namin ngayon kaya dumiretso muna ako sa WC, nagbabakasakaling andun siya. Pero sabi ni Lays hindi din daw pumasok si Kieran ngayon.
Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na umuwi. Palabas na ako ng WC nang bigla akong binunggo ng nakasalubong ko.
"Sor– Kylie?" hindi ko inaasahan na makikita ko yung taong iniiwasan ko.
Si Darrel.
Nagkatinginan kami pero agad akong umiwas. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla nyang hinawakan ang braso ko.
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong niya.
Makikipagusap ba ako? Ewan ko, pero kasi natatakot na ako sakanya. At bilin ni Kieran na wag na akong makikipagusap sakanya.
"Marami pa akong gagawin."
"Please? Kahit limang minuto lang.."
Pumayag na din ako. Dito niya ako dinala sa Korean Restaurant. Na-miss ko 'to. Naalala ko tuloy yung unang araw na nagkakilala kami ni Darrel.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
"Hindi ako gutom."
"Sige, ako nalang." sabi niya at tinawag na yung waiter at sinabi ang order niya.
"Ano ba yung paguusapan natin?"
"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko, sa mga kagaguhang ginawa ko. Nagawa ko lang naman yun dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo."
"Kalimutan nalang natin yung mga nangyari. At tsaka sino banaman ako para hindi mag patawad di ba? Hindi lang naman ako ang babae sa mundo. Balang araw makakahanap ka din ng taong magmamahal sa'yo ng lubos." sabi ko at nginitian siya.
"Darrel, mahal kita pero bilang kaibigan." Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sakanya. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling at sabihin na mahal ko din siya kahit hindi naman.
"Oo, kaibigan.. siguro yun nga lang. Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa." sabi niya at ngumiti rin pero hindi umabot sa mga mata niya.
"Ayokong paasahin ka, dahil ayokong saktan ka." sabi ko at tumango lang siya ng seryoso. Sandaling katahimikan ang namuo sa pagitan naming dalawa.
Maya-maya naman ay nag tanong siya na ikinagulat ko.
"Mahal mo ba ang kapatid ko?" seryoso nyang tanong sa'kin. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.
"Siguro.."
"Siguro? Asus! Halata naman sa mga mata mo na gusto mo ang kapatid ko. Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong oo, gusto ko ang kapatid mo." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Sure ka?"
"Oo nga!"
"Oo, gusto ko ang kapatid mo."
Pagkatapos ng paguusap na yun ay hinatid niya ako sa apartment. Ang saya lang, kasi ayos na ulit kaming dalawa. Pagdating ko wala pang tao. OT nanaman siguro si Lays.
Agad akong sumalampak sa kama. Chineck ko yung phone ko at laking gulat ko na nag reply na siya sa text ko kanina.
Mr. One Call Away (1)
Napangiti naman daw ako. Siya nag pangalan nyan ah hindi ako! Remember nung hiniram niya yung phone ko? Yung sinave daw niya yung number niya.
Sorry for late reply. I just got home. Sinamahan ko kasi yung Lola ko na mamili. I'm with Hailey at bumisita kami dito sa farm ni Lolo. Bukas pa uwi namin. Sa friday nalang ako papasok.
I'm with Hailey...
Bakit sila magkasama? Wala na sila di ba? O baka naman nagkabalikan ulit sila? Ewan. Akala ko ba naka move-on na siya, pero bakit ganun?
Kieran's POV
Last day nanamin ni Hailey. Kaya naman pumayag na akong kumapit siya sa braso ko habang naglalakad kami dito sa hallway. Ang dami nanamang mga bubuyog sa paligid.
Bahala sila.
Wala naman akong pake sakanila eh.
"Kieran, mauna ka na. I'll just go to the restroom." sabi niya at tumango lang ako.
Dumiretso muna ako sa tambayan namin. Huminga ako ng malalim habang umupo ako sa bench. Tumingala ako at pinagmasdan ang langit. Napaisip ako.
Kailan ko kaya masasabi sakanya 'tong nararamdaman ko? Kapag nakuha na siya ng iba? Bakit kasi sakanya pa ako nahulog?
Hindi siya katulad ni Hailey na mayaman. Pero hindi na mahalaga sa'kin kung ano ang estado niya sa buhay. Tanggap ko siya. At masasabi ko na mayaman siya sa pamilya.
"Hi." bati ni Cha at naupo sa tabi ko. Nilingon ko siya at sambakol ang mukha niya.
"Oh, anong nangyari sa'yo?" tanong ko.
"Si Drake kasi eh.."
"Bakit? Anong ginawa niya sa'yo?"
"Nagpapatulong siya sa'kin.."
"Sa assignment?"
"Tungek! Magpalakad! Ilakad ko daw siya kay Kylie. Desidido na ang kupal na ligawan si beshie. Tulungan mo naman ako oh?"
"Ikaw na lang."
"Kieran naman eh! Kaibigan mo na yung tao. Tsaka minsan lang magmahal yung kupal na yun. Kaya sige na, tulungan mo na ako! Pleasee?" Hindi ako makasagot.
Hindi nga siya ibang tao. Pero paano ko naman gagawin yun kung yung taong gusto nyang ilakad sakanya, eh yung taong gusto ko din? Kingina! Ang hirap.
"Cha.. ayoko.."
"Ilalakad lang naman natin siya eh! Ano bang mahirap sa gagawin natin?"
"HINDI MO KASI AKO MAINTINDIHAN CHA!"
"EDI IPAINTINDI MO SA'KIN!"
"CHA! MAHIRAP! SOBRANG HIRAP NG PINAPAGGAWA MO SA'KIN! HINDI KO KAYANG TULUNGAN SI DRAKE DAHIL MAHAL KO SI KYLIE!"
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Novela JuvenilYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤