First Encounter

2.2K 11 2
                                    

A crush is when you admire a person. You admire his or her being, their popularity, their attitude, the way they smile and just everything about them. All of us has crushes, we have that feeling every time when your crush pass by you, your cheeks goes red, your body is sweating, your hands are starting to get cold and most especially you are going crazy. Lalo na pag nag-uusap kayong dalawa, hindi ka makatingin ng matagal sa kanya. Bakit kaya ganito ang ating nararamdaman?

Masarap siguro ang feeling kapag naging malapit kayo sa isa't-isa ng crush mo and most of all naging magkaibigan pa at habang tumatagal may nararamdaman na kayo sa isa't-isa. Paano nga kung naging magkaibigan na kayo? magpapaligoy-ligoy ka pa ba? o sasabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman? Lahat sa atin yun ang gustong mangyari, maging malapit sa crush mo. Suwerte talaga kung ang tadhana ang gumagawa ng paraan para mapag-lapit kayo.

Gabi nang nakauwi si Rosalie sa kanilang bahay galing ito sa mall kasama ang mga kaibigan nito. Hindi naman siya pinapabawalan ng mama niya basta magpapaalam lamang siya. Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto bumihis agad siya ng damit pambahay at pumunta na sa dining area para mag-hapunan. Tapos ng kumain ang kanyang ina at ang kasambahay nila. Tatlo lamang sila sa bahay, walang mga kapatid si Rosalie at noong limang taong gulang ito namatay ang kanyang ama dahil may malubhang sakit ito laking pasasalamat ni Rosalie na andiyan palagi ang kanyang ina na ginagabayan siya, sigurado siyang binabantayan rin sila ng kanyang ama. Mabait na dalaga si Rosalie, masayahin, palatawa at minsan makulit. Sa buong buhay niya hindi niya pinapagalit ang mama niya ayaw niyang magalit ito dahil ang ina na lamang niya ang naiwan sa kanya. Nasa ikalawang-taon ng kolehiyo na si Rosalie sa kursong Business Administration, gusto niyang magkaroon ng sariling business pagkagraduate niya. Pero syempre, dapat magsisimula muna siya sa baba hanggang sa maabot niya ang pinapangarap.
Pagkatapos niyang kumain dinala nito ang pinggan sa kusina, nakaupo si Aling Nemang doon at nagbabasa ng diyaryo, ito ang kasambahay nila.

Aling Nemang- anak, ilagay mo lang diyan at ako na ang maghuhugas.

Rosalie- sige po yani. Liligpitin ko lang yong lamesa.

"Yani" ang tawag ni Rosalie dito, magkasing-edad lang ito at ang kanyang mama. Parang pangalawang ina na niya si Aling Nemang walang mga anak ang matanda, simula noong maliit pa siya ito na ang nag-aalaga sa kanya tuwing wala ang ina.

Aling Nemang- wag na anak ako na. O sige mag-aral ka na doon. Ako na ang bahala dito, okay?

Tumango lang siya dito at dumiretsyo sa kuwarto niya at nag-basa ng libro. Kasunod na araw maagang gumising ang dalaga.

Rosalie- morning mama, morning yani....

Mrs. Duffton- morning din sa'yo anak halikan'at mag-almusal tayo.

Aling Nemang- o eto, kumain na kayong dalawa.

Mrs. Duffton- Nemang sabayan mo na kami.

Aling Nemang- mauna na muna kayo Emily mamaya lang ako.

Rosalie- sabayin mo na kami yani.....sige na....

Nagmamakaawang sabi ng dalaga, kumuha na rin ng pinggan at baso si Aling Nemang at sumabay nang kumain sa dalawa. Pagkatapos nun sabay na ring umalis ang mag-ina. Mga tatlumpong minuto lang ang biyahe mula bahay nina Rosalie patungo sa University nito ang ina naman niya ay ikalawang beses na sasakay sa jeepney. Isa itong sekretarya sa isang malaking kompanya.
Pagdating ng dalaga sa University dali-dali itong pumunta sa silid-aralan, habang nagmamadali sa paglakad may nabanggaan siyang lalake at nalaglag ang mga librong binibit-bit niya. Agad niyang kinuha ito at tinulongan naman siya ng nabanggaan niya.

Rosalie- sorry....nagmamadali kasi ako.

Noong matuwid na siyang tumayo ay nagulat siya ng makita ang lalakeng nakabangga niya. Tila tumigil ang mundo habang nakatingin siya dito.

You and Me are Meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon