Chapter 26: Saan ako titira?

34 2 0
                                    

**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**

Kylee's POV

Nag-usap lang kami ng nag-usap ni Daryl. Namiss ko talaga sya ng sobra.

"Teka nga. Pano kayo naging close ni Hadley?? Nakita ko kasi kayo sa school mukhang ang saya nyo," sabi ko sabay yuko. Nakakaingget kasi. May kahati na ako sa bestfriend slash pinsan ko. Huhu.

"Ahhh. Si Angel ba?? Nakilala ko lang sya last year. Sa Peru yun. Signing kasi ng magazine ko dun sa mall na isa din sa pinatayo ng daddy mo. Napansin ko sya nang magreklamo sya sa mga fans ko dahil sa ingay. Sumigaw pa nga sya nun, eh. Namangha kasi ako sa kanya kaya nakipagkaibigan ako sa kanya. Hindi naman pala sya ganun ka amazona, mabait din pala sya," sagot nya.

Bakit mo pa kasi tinanong Kylee??

"Ahhh. Ganun ba?? Mukhang magbestfriends na rin kayo, eh," sabi ko sabay pout.

"Ikaw talaga, Kylee," sabi nya sabay gulo ulit sa buhok ko. "Syempre, hindi nuh! Ikaw lang kaya ang bestfriend ko," sabi nya sabay kurot sa pisnge ko. Oo, kurot!!

Napangiti naman ako kahit papano nung sinabi nya yun. Kahit nasaktan ako sa kurot nya sa pisnge ko. Okay na sana yung pisil, eh. Pero kurot yun! Kurot!!

Naalala ko yung magazine na binigay sakin ni Hadley kanina. Kaya naisipan kong kunin yun.

"Wait ka lang dyan, ah!! " paalam ko sa kanya. At sinimulan ko na ngang maglakad papunta dun sa kinalalagyan ng bag ko.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kinauupuan namin ni Daryl nang makuha ko yung magazine.

Tinabi ko sa mukha nya yung magazine. Hmmm.

"Ahh. Kylee?? Anong ginagawa mo?? " nagtatakang tanong nito dahil sa ginagawa ko.

"Sssshhh. Wag ka na lang gumalaw," sabi ko.

Tinignan ko talaga ng maigi yung mukha ni Daryl at yung mukha dito sa magazine. Hmmm. Sya nga ba talaga to??

"Ano ba yang hawak hawak mo?? Akin na nga! " sabi nya sabay kuha dun sa magazine na hawak hawak ko.

Kakainis! Tinitignan ko pa nga, eh.

"Hay naku, Kylee. Di mo naman pala sinabi sakin na meron kang ganito. Marami ka bang collection nito, patingin nga! " sabi ni Daryl.

"Ahh. Ehh. Daryl, ikaw ba talaga yan?? " di ko na napigilan at tinanong ko sya.


"Di ka ba makapaniwala Kylee?? Ang gwapo kasi ng bestfriend mo, eh," sabi nya sabay pogi pose pa.


Luh! Hahah!! Ang hangin ng bespar ko. Pero I find it cute. Hahah!!

Kinurot ko yung pisngi nya gaya ng ginawa nya sa pisnge ko kanina.

"Ang sakit nun, Kylee, ah," reklamo nya sabay himas sa pisnge nya.

"Ganti lang. Atsaka, oo naman Daryl. Ang gwapo kaya ng bestfriend ko. Kanino pa ba magmamana?? Sakin lang naman. "

"Oo na lang Kylee," walang gana nitong saad.

"Iihhh. Daryl naman, eh!! "


Sabay kaming nagtawanan dahil dun.

Tumigil kami sa pagtawa nang dumating si mommy.

"Hi Kids! Ready na ang dinner!! " masayang sambit ni mommy galing sa dining area.

"Good evening Sweetie!! " napalingon naman ako kung saan galing ang boses na yun. Kyyyaaahhhh!! Daddy!!

"I miss you Daddy!! " sabi ko sabay yakap sa kanya.

Namiss ko talaga si daddy. Oo, umuuwi si daddy tuwing gabi. Pero minsan hindi ko na sya nahihintay pa tuwing gabi dahil minsan madaling araw na ito nauwi dahil sa busy sa trabaho. Hindi ko rin naman sya naaabutan tuwing umaga dahil maaga itong napasok.

"I miss you too princess. "

"Hello po Tito," bati naman ni Daryl.

"Sino naman tong bisita mo Kylee?? " tanong sakin ni daddy.

"Ikaw talaga, daddy! Si Daryl yan!! "

"Daryl?? Ikaw pala yan, Marco! Di na kita nakilala dahil gumwapo ka lalo," puri sa kanya ni daddy.

O-ow. Lalaki na naman yang ulo ni Daryl. Haha!!

Kaloka si Daddy. Pamangkin nya, di nya kilala. Hays.

"Ahehe. Thank you po, Tito," at ayan. Pumalakpak na naman yung tenga ni Daryl. Hahah!!

"Nakauwi ka na pala, Baby," bati ni mommy kay daddy.

"Syempre namiss ko kayo, eh," sagot naman ni daddy. At ayan!! Naglalambingan na naman po ang magulang ko. Haha!!

"Oh! Rachelle, Marco. Kain na tayo," aya ni mommy kaya pumunta na kami sa dining area.

**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**

Panay tanong si mommy at daddy tungkol sa buhay ni Daryl. Kaya ako, panay lamon lang ng lamon. Haha!!

Si Daryl lang pala ang mag-isa dito sa Pilipinas. Hindi naman daw kasi pwedeng iwan ni Tita Hope at Tito Eman yung business nila sa Peru. At saka inaalagaan din ni Tita Hope yung three year old na kapatid ni Daryl dun. Si Sara.

"Baby, nasabi mo na ba kay Kylee?? " tumigil ako sa paglamon nang marinig kong sinabi ni mommy yung pangalan ko.

Anong sasabihin?? Ohnose! Kinakabahan ako. Huhu. Pero hindi ako nagpahalatang narinig ko yung sinabi ni mommy kaya lumamon ako ulit.

"Sweetie," tawag sakin ni daddy. Tinignan ko naman si daddy at hinintay yung sasabihin nya. "Pupunta kami ng Peru ng mommy mo," lumaki yung ngiti ko nang sabihin ni daddy yun.

"Peru. Kyaaahhhh!! Kasama ako di?? " tanong ko na may pagka-excite.

"Pasensya na sweetie. Pero hindi ka makakasama. Gustuhin man namin pero hindi talaga pwede. At saka, may pasok ka pa," napayuko naman ako dahil dun.

"Eh, kailan po yung flight nyo?? " tanong ko.

"Bukas na ng gabi yun, Rachelle," sagot ni mommy.

"Eh, kailan po yung balik nyo?? " tanong ko.

"Next week pa, sweetie," sagot naman ni Daddy.

Next week pa?? Antagal naman nun. Huhu.

"Wag ka nang malungkot sweetie, " sabi ni daddy.

"Okay lang po mommy, daddy. Basta po may pasalubong, ah!! " sabi ko sabay pakita sa kanila ng malaki kong pekeng ngiti.

Syempre, gusto kong ipakita kina mommy at daddy na masaya ako, kahit na malungkot ako. Gusto ko umalis sila mommy, ng walang pag-aalinlangan at walang pag-aalala. Minsan na lang ulit magkikita sina mommy at daddy kasama yung tropa nila. Alam kong busy sila kaya wala na silang time para makipagkita kasama yung friends nila, lalo na ngayong nagkawatak-watak na sila.

"Thank you Rachelle," sabi ni mommy.

"Wala po yun, mommy. Kasama ko naman po si yaya Nicole dito sa bahay, eh," sabi ko sabay lamon ulit.

"Ahh. Eh. About dun sweetie, hindi ka dito sa bahay magse-stay. Pagbabakasyunin ko kasi yung maids at drivers natin dito, eh," sabi ni daddy.

Hu-huwattt????!!!! Balak ba akong patulugin nila mommy sa kalsada???!!

Saan ako titira??

**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**

Vote. Comment. Share
Thanks!

Accidentally In Love With My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon