"Iniimbestigahan parin ang sanhi ng di umano'y aksidenteng naganap kamakailan lang sa kotseng nahulog sa isang bangin malapit sa isang exclusive village sa Quezon City".
Napatigil si Carissa sa kaniyang ginagawa't pinanuod ang kabuuan ng balitang nasa tv.
"Ayon sa mga naka-saksi ay mabilis na nakaladkad ng isang rumaragasang truck ang sasakyan kaya nahulog ito sa bangin. Hanggang ngayo'y sinusubukan parin ng mga pulis na hingin ang panig ng pamilya ng mga biktima-..."
Tiim-bagang na pinatay niya ang telebisyon at kinuyom ang kaniyang mga palad.
Kung sana'y nalaman na lang nila ang totoo. Hindi na sana nangyari pa ang mga ganitong bagay. bulong ng kaniyang isip. Kung sana'y 'di rin ako natakot at naduwag sa mga maaring kahinatnan ng ayon sa tadhana.
Napabuntong-hininga siya't tahimik na ipinagpatuloy na lamang ang pag iimpakeng ginagawa kanina pa. Desidido na siyang ilayo ang anak sa lahat ng gulong narito sa Maynila. Magbabagong-buhay na sila't babalik sa kanilang probinsiya sa Cebu, malayo sa mga taong maaring manakit at makapagpahiwalay pa sa kanila. Dahil alam ni Carissa na may mangyayari pang higit sa mga gulong pinasukan niya ng nag daang mga araw. Alam niyang kun'di pa sila aalis ni Catherine ay mas malaking gulo ang mangyayari. Bagamat alam niyang mali ngunit kailangan na niya itong panindigan, dahil kun'di niya 'yon gagawin ay dalawa lang naman ang posible niyang kahantungan, impyerno o kulungan.
At ayaw man niyang aminin sa kaniyang sarili, ngunit sa pakiramdam niya'y kaya din naman siguro nangyari ang lahat ng ito'y dahil ginusto lang din ng Diyos na mabuo siyang muli sa pamamagitan ng dalaga, at marahil mapunan na ang kulang sa kaniyang buhay. Si Catherine, ang batang dumating sa kaniya sa 'di inaasahang pagkakataon. Ang nag-iisa at pinakamamahal niyang anak. Kaya't sisiguraduhin niyang 'di na muling mauulit pa ang mga nangyari noon sa kanila.
Dali-daling kinuha ni Carissa ang iba pa niyang mga gamit, at isinilid iyon sa kaniyang maleta. Buo na ang desisyon niya, aalis na sila. Wala ng makakapigil pa. Isa pa'y ilang ulit na din naman niya itong pinagisipan sa lumipas na mga araw. Magbabaka-sakali lang naman siyang sa ganitong paraa'y magbalik sa katinuan ang kaniyang anak. Na sa paglayo nila sa lugar na ito'y mas maging maayos ang dalaga't makapamuhay sila bilang isang pamilya at mapalitan ng masasayang alaala ang masasakit na pangyayari sa kanilang mga buhay. Alam naman niyang mali. Maling tumakas na lamang sila't iwan ang buhay dito ngunit kailangan niya na ding gawin, ngunit kung para ito sa ikabubuti ng nakararami'y bakit ang hindi. At siguro nama'y 'di na matatawag na selfish reasons ang iasa na lamang sa tadhana at kapaparan ang mga susunod na mangyayari sa kanilang mga buhay.
Bahala na!, basta't lalayo sila ng kaniyang anak sa lugar na ito.
"Anak, handa ka na bang umalis?".
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...