Epilogue

277 7 0
                                    

In loving memory
Breeyana Roan
A.
Marquee
Born February 25, 1996
Died August 12, 2014

Kanina pa ni Andrei tinititigan ang libingan ng kaniya sanang kauna-unahang babaeng seseryosohin, mamahalin at pakakasalan. Ang babaeng noon pa man ay minahal na niyang kahit palihim, at tinutukso o inaasar lang niya para magpapansin. Kanina pa din niya ito kinakausap, kahit pa nga alam naman niyang walang laman ang libingang ito. Kahit alam niyang wala rito si Breeyana, and he is always hoping na somewhere sa isang lugar na malayo sa gulo ng kanilang buhay dito sa Maynila ay namumuhay ito ng tahimik at maayos.

Nami-miss parin kita Yana. bulong ng kaniyang isip habang inaalis ang mga natuyong dahon sa paligid ng nitsyo nito. Asa'n ka na ba?. Kailan ka ulit sa'kin magpapakita?. Isang taon na, pero masakit parin ang mawala ka kahit alam kong buhay ka. Nararamdaman kong buhay ka Yana. Makakasama parin kita, naniniwala ako do'n.

Alam ni Andrei sa kaniyang puso na hindi basta isang panaginip o ilusyon lamang ang nakita niya sa bus station na 'yon, 'pagkat ramdam parin niya at umaasa siya hanggang ngayon na ang babaeng nakita niya noon ay si Breeyana.

Ngunit paano niyang mapapatunayan 'yon kung lahat ng nakapaligid sa kaniya'y unti-unti ng tinatanggap ang pagkawala ng kaniyang pinakamamahal, maliban sa kaniya'y ang pamilya na lang ni Breeyana, lalo na ang mommy nito, ang hirap paring tanggapin na ni hindi nila nakita man lang ang katawan ng dalaga. Walang bakas na naiwan kung buhay pa ito o patay na, kaya't nabubuhay parin ang pag-asa sa puso ng mga ito na buhay ang kaniyang anak, kagaya na lamang ng pag-asa niyang magkikita din silang muli.

Hahanapin kita Yana. Whatever it takes, pipilitin kong hanapin ka parin. Hindi ako titigil hangga't 'di ko nasasabi ulit sa'yo kung gaano kita kamahal, mula noon hanggang ngayon.

Ipinikit ni Andrei ang kaniyang mga mata at nag dampi ng isang halik sa pulang rosas na kanina pa niyang hawak.

Isang halik na kalakip ang pangakong maghihintay siya sa pagbabalik ni Breeyana. Isang halik ng pag-asang makikita niya itong muli, sa tamang panahon at pagkakataon kung kailan at saan wala ng hahadlang pa sa kanilang pagmamahalan.

At sa paglakad niyang palayo sa libingan ay baon ni Andrei ang isang ngiting malungkot man ay puno parin ng pag-aasam na makasamang muli si Breeyana.

Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay may mas malaking problema siyang kakaharapin. Higit pang problemang mas makapagbabago sa ikot ng kanilang mga tadhana.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon