Hindi ako yung ordinaryong babae na inaakala niyo, titignan mo akong simple, pero marunong din akong sumunod sa uso.
Titignan mong laging seryoso, pero marunong din tumawa at makisama.
Lahat naman kaya kong gawin, pumunta kung saan saan, dala na rin siguro ng trabaho ko.
Makipag-party at pumunta sa bar, nagagawa ko.
Makisalamuha sa maraming tao, at kung ano ano pa.
Isa lang ata ang hindi ko na ulit magagawa sa buong buhay ko, ang magmahal ng tao at mahalin siya ng sobra sobra.
Marami akong nakilala, marami din ang nanunuyo, pero ni-isa sakanila, wala.
Walang nakapag patibok muli ng aking pusong bato.
Hindi ako choosy, hindi rin ako pakipot.
Hindi ko lang kayang tanggapin ang isang tao alam kong masasaktan ko lang sa huli, dahil hindi ko rin naman talaga mahal.
At alam kong iiwan lang din ako.
Hindi ako natatakot, ang ayaw ko lang, ay ang manakit ng damdamin ng ibang tao.
Hindi kakayanin ng konsensya ko yun.
Mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan, kaysa naman ang ibang tao ang masaktan ng dahil sa akin, dahil maka-sarili ako.
Pero sabi nga natin, di natin alam ang takbo ng panahon, di natin nakikita ang kasalukuyan.
Malay ko ba na sa bawat pagtakbo ng oras, pag ikot ng mundo..
Ay nagmamahal na pala ako.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...