Reign POV
'I'll be there at 2. I love you babe!' Text ni AJ.
Nagtataka na talaga ako sa kanya. Madalas kasing maaga na nya akong puntahan hindi kagaya dati umaabot pa ng 7. Tsaka hindi na din sya naalis para pumunta sa ibang lugar, masaya naman ako na ganun pero nakakapagtaka pa din. Kapag tinatanong ko naman sya, iniiba nya ang usapan kaya hindi na din ako nagtatanong pa ulit.
Laking pasasalamat ko na din dahil hindi na nagpapakita sa akin si Dylan. Lagi kasing syang naabutan dito ni AJ, yung last pa naman na pagkikita nila halos magsuntukan na yun dalawa. Kung ano ano kasi pinagsasabi ni Dylan eh masama pa naman magalit ang babe ko buti na lang naawat ko.
Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Nasa opisina kasi ako ng restaurant ko.
"Maari ko bang maabala ang magandang binibini na katulad mo?" Sabi ni AJ na nasa harap ko na pala. Hindi ko manlang napansing nakalapit na pala sya sa akin.
"Corny mo babe!" Sabi ko dito habang natatawa. Hindi kasi sa kanya bagay magsalita ng malalalim na tagalog.
"Natawa ka naman." Biro nya. "For you nga pala." Sabay abot ng bulaklak na dala nya.
"Thanks." Nakangiting sagot ko.
Naupo muna sya sa couch habang tinatapos ko ang aking ginagawa. Agad din naman akong lumapit sa kanya ng matapos ako.
"Ang aga mo na naman babe?" Sabi ko sa kanya.
"Wala na naman gagawin kasi kaya umalis na ako. Namiss na kasi agad kita eh." Sabi nya sabay yakap sa akin.
"Naku naku! Ikaw ha? Siguraduhin mo lang. Baka mamaya nyan napapabayaan mo na pala yung trabaho mo." Sermon ko sa kanya.
"Hindi po ma'am." Sagot nya na parang bata. Ang cute cute talaga ng babe ko. Minsan, hindi talaga ako makapaniwala na may ganitong ugali sya. Napakaseryoso nya kasi kung titignan mo pero napakasweet at makulit pala.
Umalis na din kami agad sa opisina. Dumaan pa kasi kami sa pinapagawa nilang building na magbabarkada para dun sa business nila.
Kinabukasan, nagpunta kami sa bahay para dalawin ang parents ko, dun na din kami matutulog ngayon.
Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami nila mom and dad.
"Magpahinga muna kayo. Magluluto muna ako." Sabi ni mom.
"Tulungan ko na po kayo mom." Sabi ko sa kanya. Namiss ko din kasi syang kabonding sa pagluluto. Madalas kasi namin tong gawin dati.
"AJ, sumama ka sa akin. May pag uusapan tayo." Sabi naman ni dad na ikinagulat ko. Magkasundo naman talaga sila pero ang ipinagtataka ko, parang napakaseryoso ng pag uusapan nila at hindi namin pwedeng malaman.
"Sige po." Magalang na sagot ni AJ. Bakit parang hindi manlang sya kinabahan kay dad, samantalang seryoso sya ngayon. Pag ganyan kasi si dad natatakot na ko eh.
Hindi ko na nagawang magtanong dahil hinila na ako ni mom papuntang kusina.
Habang naghihiwa ako ng mga kakailanganin namin, hindi pa din mawala sa isip ko sila dad kaya hindi ko na din napigilang magtanong kay mom.
"Mom, alam mo ba kung anong oag uusapan nila? Parang napakaseryoso kasi." Sabi ko dito.
"Naku iha. Hayaan mo na sila baka iinterviewhin lang nun si AJ. Maige nga yun at magkasundo sila." Sagot naman ni mom saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Hindi na lang ako kumibo, mukha naman kasing wala akong makukuhang sagot sa kanya.
Sa dalawang araw na pag sstay namin sa bahay, lagi kong nakikitang nag uusap sila dad, minsan ay kasama pa si mom. Gusto ko sanang magtanong kaya lang kapag lumalapit na ako sa kanila parang iniiba nila ang usapan. Kapag si AJ naman ang tinatanong ko, ang sasabihin nya lang nagtatanong lang ang parents ko tungkol sa kanya tsaka humihingi daw sya ng advice tungkol sa business. Hindi na lang din ako nagtanong pa ulit kahit na hindi ako totally convince sa sinabi nya. Iba kasi ang pakiramdam ko eh.
*****
AJ POV
Matamang pinagmamasdan ko si Reign habang natutulog. Kakauwi lang namin kanina at mukhang napagod sya dahil nakatulog agad sya.
Alam kong nadududa sya sa mga kinikilos namin ng magulang nya pero hindi nya pa ito dapat malaman para na din sa kaligtasan nya.
Flashback...
"AJ, sumama ka sa akin. May pag uusapan tayo." Sabi ni dad ng makarating kami sa bahay.
"Sige po." Sagot ko na lang. Mukhang alam ko na din kung tungkol saan ang pag uusapan namin lalo na napakaseryoso nya ngayon. Alam kong kinagulat yun ni Reign pero hindi ko na lang pinansin.
"Kamusta ang company?" Sabi nya sa akin habang nagsasalin ng wine sa dalawang baso. Nasa study room na kami ngayon, dito kami madalas mag usap na hindi alam ni Reign.
"Okay naman po dad. Natukoy na din po namin ang tao ni Dylan sa kumpanya." Sagot ko sa kanya sabay abot ng baso ng wine.
Tama kayo ng narinig. Sa kompanya na nila ako nagttrabaho ngayon. It's been three months ng maapprove ang request ko for discharge sa sundalo at simula nun tinuruan agad ako ni dad. Nung una ay medyo nahihirapan ako pero dahil magaling magturo si dad, madali din akong nakapag adjust.
"Good. Hindi talaga ako nagkamali sa iyo. Sa loob ng three months nakaya mo ng ihandle ang company pati na din ang mga problema dito madali mong nagagawan ng paraan." Puri sa akin nito kaya napangiti ako.
"Of course dad. Napakagaling kasi ng mentor ko." Tukoy ko sa kanya.
"Ayon sa private investigator ko, bumalik na si Dylan sa London." Sabi nya.
"Hindi pa din tayo dapat makampante dad. Maaaring may iba pa syang binabalak. Nagpapalamig lang yun."
"You're right! Kailangan natin mag ingat. Mas mabuti ding bantayan mong maige si Reign kapag magkasama kayo. Naghire na din ako ng security na magbabantay sa inyo lalo na kay Reign ng hindi nya nalalaman."
"Thanks dad. Huwag po kayong mag alala, hindi ko papabayaan si Reign."
"Maiba tayo, kelan mo balak magpropose kay Reign? Sa tingin ko pwede mo ng gawin yun tutal naayos na ang problema sa company at wala ngayon si Dylan sa bansa."
"Next month po dad. Ihahanda ko lang po ang mga kakailanganin ko para i-surprise sya." Nakangiting sabi ko.
Hindi kasi natuloy yung plano ko na magpropose sa kanya ng maaprove yung discharge ko. Kinailangan kasi ni dad ang tulong ko sa company kaya inuna ko muna yun. Hindi pa din alam ni Reign na sa company na ko nagttrabaho. Sa kabilang branch kasi sya kaya hindi kami nagpapangita.
"Just inform us. Tutulong din kami sa preparation." Nakangiting sabi ni dad.
Alam kong masaya sila para sa amin. Napakaswerte ko dahil tanggap nila ako para sa anak nila.
End of Flashback...
"Malapit na babe! I love you so much." Bulong ko sa kanya bago hinalikan sa noo.
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
Любовные романыPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...