Chapter 2: Battery

118 3 0
                                    

“Bullsh*t naman na sasakyan ka! Bat ayaw mo nanaman mag start?! F*ck!!!”

Nagulat ako ng may biglang kumalabog sa likod. Nilingon ko, wala  naman tao, paglingon ko ulit sa harap, biglang may bumulaga sa akin. Isang lalaki, maayos naman ang kanyang itsura, malinis, mukhang mayaman, ma-itsura, at mukha naman mapagkakatiwalaan.

“Hey! What’s your problem?! Alis dyan! Baka mabangga pa kita!” Sabi ko.

“Miss, pano mo ako mababangga? E mukhang ayaw nga mag start nyang sasakyan mo! Haha.” Pang-aasar nya.

Aba ng asar pa! Sa isip-isip ko. Naiinis na ko. Ayaw na nga mag start ng sasakyan ko, tapos may dadating pa na asungot na hindi mo alam kung saan nanggaling.

“Ano naman sayo kung ayaw mag start ng sasakyan ko, ha?! Pwede ko naman ayusin. Umalis ka dyan! Aayusin ko. Tsk.” Bumaba na ko ng sasakyan.

“May alam ka ba dyan? Baka lalong masira yan?” Pagtatanong niya na may halong pang aasar.

“Of course! Duuhhh. Alis! Sino ka ba?! At anong ginagawa mo sa harap ng sasakyan ko?!!”

“Mamaya mo na tanungin pag naayos na natin tong sasakyan mo.”

“I don’t need your help, just go! I can manage.”

“WOW! Tutulungan ka na nga e! Ayaw mo pa? Patingin na nga kung anong problema.” Pag pupumilit niya.

Wala na kong nagawa, mapilit siya. Kaya pinatingin ko na din kung ano ang sira. Wala din naman akong masyadong alam pag dating sa kotse at ayoko din naman iwan yun doon. Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa din nangyayari, nag gagaling galingan lang ata tong lalaking to.

“Hey Sir! Are you sure you can fix it?! Ilang oras na tayo dito oh! Mygaaaaawd!!”

“Wag kang atat! Eto na! Battery lang pala ang sira. Palitan mo kasi battery mo.”

“Pssssh. So pano yan? Anong gagawin natin?”

“Teka, tawagan ko yun friend ko.”

“Tsk. Go!!”

“Pre? May ano pa ba kayo dyan? Battery? Padalhan mo naman ako dito, kailangan e, di ko maiwan tong sasakyan. Salamat ha?”

“Wow? Boss ka? Haha.” Pang-aasar ko, pero mukhang hindi naman siya naasar.

“Oo, bakit? Angal? Wag ka na ngang mangielam dyan! Pasalamat ka at hindi ikaw yun pinapunta at pinabili ko ng battery MO.”

“Oww, THANK YOU HA. SALAMAT TALAGA!” May pagka-sarcastic kong pagkakasabi.

“May kapalit ‘to, kala mo ha. Hahaha!”

“What? Dinner? Sure! Wag kang mag-alala, gusto mo bayaran pa kita.” Offer ko.

“Hindi yon, basta mamaya. Pag naayos na tong sasakyan mo.” At tumawa nalang siya na parang nang aasar.

Dumating na yun battery, siya pa yung nagbayad. Edi may kapalit nanaman yon? Ano kayang kapalit ng pag tulong niya sakin? Tsk. Dapat talaga, una palang hindi na ko pumayag na tulungan niya ko. Pero pasalamat na din ako at naayos na din ang sasakyan ko. Salamat sakanya. Hay nako, kung di lang talaga siya mukhang mapagkakatiwalaan, di ko talaga kinausap ‘tong taong to e!

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon