“Oh ayan, ayos na yung sasakyan mo. Try mo nga i-start.”
Pumasok naman ako ng sasakyan at ginawa ang utos niya. Pero hindi ako mapakali sa kung ano ang kapalit na hihingin niya. Paano kung mag start na ‘to? Patakbuhin ko nalang kaya agad, sagasaan ko kaya siya? Para hindi na siya humingi ng kapalit. Pero konsensya ko yun, dagdag gastos pa. Ano bang gagawin ko?
“HOY MISS! PAKI-START NA!!” Pag sigaw at utos niya.
“Ay oo, teka, eto na.”
Dahil sa hindi ako mapakali sa ka iisip, natulala ako. At ayun, nag start na nga ang aking sasakyan, patakbuhin ko na ba? Iwan ko nalang siya dito. Tama yun nalang, yun nalang gagawin ko. Pero bago ko pa magawa yun plano ko, bumukas yun kabilang pintuan at nakapasok na siya. Bat kasi ang bagal ko?! Tsk! Wala. Bahala na kung anong hilingin nito, sana naman dinner lang. Hay nako.
“Tara na! Kain na tayo! Gutom na ko e. May alcohol ka ba dyan? Panyo? Pahiram naman.”
At aba, ang kapal ng mukha. Siya pa talaga nagyaya kumain, nang hingi pa ng alcohol at panyo. Grabe na sa kapalan ng pagmumukha itong lalaki na ‘to!
“Aah, dun sa likod. Yun bag dyan, parang first aid. May alcohol, di ko lang sigurado kung may pamunas. By the way, san mo gustong kumain? Mag dinner? So I can pay you, and to get rid off you already.”
“Hmm? Max’s? Pizza hut? Haha.” Pag-iisip at pang aasar niya.
“Saan?! Sagot agad. Tsk.” Naiinis na ko.
“McDo nalang, miss ko na rin kumain dun.” Naka-ngiti niyang sagot. Parang bata, pero ang cute niya ha. Haha. Hay nako Hanna, di mo kilala yan. Wag kang matuwa dyan.
“You sure? Okay.” Pinatakbo ko na ang sasakyan.
Ang ingay niya. Hindi ko naman iniintindi yun pinagsasabi niya. Ang dami na nga ata niyang na kwento, pero lahat hindi ko naintindihan. Kumakanta pa siya, ang lakas pa magpatugtog. Ang kapal talaga ng mukha! San bang bundok nang galing itong tao na to?! Grabe. Sana umalis na siya, at wag ng magpakita pa. Nakakainis!! Mabuti nalang at nakarating na kami sa kakainan namin. Ang dami niyang order. Patay gutom lang ang peg? Haha! Okay lang, siya naman nag bayad lahat, pati nga yun sakin e.
“Saan ka nakatira?” Pagtatanong niya. Sasagutin ko ba? Baka puntahan pa ko nito, at inulit niya yun tanong.
“Aah, dyan lang.” Sagot ko.
“Wow! Saan yun?! Parang ngayon ko lang narinig yun ha? Makapunta nga!” Sarcastic na pagkakasabi niya.
“Saan nga kasi?” Pangungulit niya.
“Apartment lang ako, dyan sa may Makati.” Pag sagot ko.
“Nice. Ikaw lang sa apartment mo? Magkano rent mo?”
“Yup, ako lang. 10k, kasama na yun tubig at kuryente.”
“Wow? Ikaw lang tas 10k? Ang laki nun! Maganda naman ba?”
“Oo, maganda, malinis, tahimik. Up and down. Okay lang, kasi two-gives naman. 15 then 30, tsaka kasama na tubig at kuryente, ang laking tipid na kaya nun. Sa palagay ko? Pero mukhang mas tipid yun.”
“Aah, kaya pala. Hindi ka naman na bobored pag ikaw lang mag isa? Ang boring kaya nun!”
“Nope. Sanay ako mag isa. Minsan nag papa-house party ako pag wala akong magawa or pag day off. Madalas naman akong nasa work at umaalis, kaya okay lang.”
“Emo! Haha! Sanay mag isa! Hahaha.” Pang aasar niya.
“Hindi ako emo! Mag isa lang, emo agad? Di ba pwedeng gusto lang talaga ng tahimik na lugar? At mapag-isa? Pshh.”
“Ay sorry, nag bibiro lang naman ako.” Parang siyang bata, haha. Ang cuuuuuuuute!! :”) Pero naiinis ako, wag akong mag padala sa ka-kyutan niya.
“Tssk. Fool yourself. Hay nako. Bakit ba kasi ako nakikipag usap sayo? Stranger.”
“Kasi pogi ako? Hahaha. Ano palang trabaho mo?”
“ANG KAPAL NGA NAMAN NG MUKHA! WOOO! GRABE. ANG LAKAS NA NG HANGIN DITO!” Pang aasar ko.
“Pogi naman talaga ko ha? Haha. Ano ngang trabaho mo?” Pagtatanong ulit niya. Ang yabang talaga.
“Kfine! Wait, ano to, interview? Kanina ka pa tanong ng tanong ha! Tsk. P.A. ako.”
“Hahahahaha! P.A. ka lang pala e! Lakas mong makapag sungit dyan! P.A. ka lang pala! Hahaha. Sakin ka nalang mag P.A.!” Pang aasar niya. Naaasar na ko ha. Bobo ata to, di alam ibig sabihin ng P.A. Tsssk.
“Do you know what P.A. means?!” Pag tatanong ko na naaasar na tono.
“Oo! Personal Alalay! P.A.! Hahahaha!” Bullsh*t. Bobo talaga! Tsssk.
“Duuuh. Sa ganda kong to?! PERSONAL ALALAY?! P.A. means PRODUCTION ASSISTANT! What the hell. Yun lang di pa alam, grabe.”
“Ayy, sorry. Alam ko kasi personal alalay ibig sabihin nun e. Sorry, wag kang magalit.” Takte, ang cute talaga. Parang bata. Haha! Pero galit ako. Tsk, accept his apology nalang.
“Kdot. Alamin muna kasi bago kang mang-asar. Lakas lakas mang asar, di naman pala alam meaning. Psss.”
“Oo na, sorry na nga dbaa. Di na mauulit.” Di na talaga mauulit no! Kasi ito ang first and last na pagkikita natin. Tsk!
“Kfine. By the way, what’s your condition now?”
“Ah, yon. Haha! Muntik ko ng makalimutan. Haha! Salamat pinaalala mo. Hahaha.”
Sh*t! Bat ko pa tinanong?! Ang tanga naman! Grr! Naiinis ako sa sarili ko, dapat pala di ko nalang tinanong! Hay nako, nakakainis talaga. Wala, patay na ako nito. Pfffffft.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...