Beauty and The Pig (C-12)

34.4K 139 12
                                    

Chapter Twelve

Masaya naman ang foundation week ng school nila. Ang sumunod na linggo naman ay para sa kanilang dalawa ulit ni Pola, monthsary na kasi nila. Nakatingin sakanya ang maraming estudyante nang papasok sya ng school, isang bouqet ng bulaklak at isang box ng mamahaling chocolate ang regalo nya para kay Pola. Nagkagirlfriend na rin sya noon, pero hindi sya ganto tulad ng ginagawa nya ngayon para kay Pola. Kapag nanligaw sya, isang beses lang, pagtapos ay wala na, hindi naman sa nagsasawa sya, kundi sya ang pinagsasawaan.

Pagdating nya sa canteen, nandoon si Pola kasama ang mga kaibigan nito. “Pola, si Lindon oh,” sabi ng isa, “Sige, alis muna kami Pola,” at umalis na nga ang mga ito. Lumapit sya kay Pola, “Happy 1st Monthsary, Pola.” “Akala mo naman ikaw lang may regalo? Syempre ako din no,” pagkasabi non ay inabot nito sakanya ang isang maliit na box, “Thank you. I love you, Pola,”, “I love you more, Lindon.”

Buong araw silang magkasama, pati sa pag uwi, dahil pupunta sya sa bahay nito. Medyo madilim na ng makarating sila sa bahay nila Pola, kaya naman makikita na ang mga stars sa kalangitan. “Uy! Tingnan mo ang daming stars!” sabi nito, tumingin sya at totoong maganda nga.  “Ikaw yun oh! Simula ngayon pangalan nun Lindon,” sabi nito na tinutukoy ang isang puti at makislap na bituin. Habang nasa sala sila, “Kailan ka ulit pupunta dito?” tanong nito sakanya, “Sa Saturday,” sagot nya, “Talaga? Promise?” tanong ulit nito, “Oo naman, Promise.” Matapos maghapunan ay nagpaalam na sya dito. “Ingat ka ha, thanks ulit sa time. Happy monthsary. I love you,” sabi nito sakanya, “Happy monthsary din, I love you more.”

Pag uwi nya nagtext sakanya si Ralph, “Pare, laro tayo kayla Chit sa sabado,”, “Sige ba,” sagot nya. Mukha ngang nakalimutan nyang nangako sya kay Pola na pupunta sya sa bahay nito sa araw ng sabado.

Dumating ang araw ng sabado, sa naglinis ng bahay si Pola para hindi madumi pagdating ni Lindon, naghanda din sya ng meryendang chocolate muffins para hindi na sila bumili pa sa labas. Habang naghihintay sya sa bahay, si Lindon naman masayang nakikipaglaro ng basketball sa mga kaibigan at tuluyan ng nalimutan na pupunta sya kayla Pola. 5pm, text na ng text si Pola kay Lindon, dahil nag aalala na sya, pero kahit isang reply, wala syang natanggap dito.

Alas syete ng gabi ng magtext ito sakanya, “Pola?”, “Bakit?” tanong nya, “Sorry ngayon lang ako nakapagload kakauwi ko lang po eh,” sagot nito, “Bakit? Saan ka galing?”, “Kayla Chit, naglaro ng basketball at computer.” Nainiis syang lalo ng malaman na tuluyan na pala nitong nakalimutan na nangako ito sakanya, “Wala ka bang naaalala na sinabi mo sakin nung nandito ka?” tanong nya, “Ano po ba?” tanong nito. “Wala, ganyan ka pala mangako, unang beses mo pa nga lang mangako sakin wala agad. Di ba nag promise ka na pupuntahan mo ko ngayong sabado?” tanong nya dito, “Ay, sorry po, nakalimutan ko. Sorry talaga, galit ka ba?” tanong nito sakanya, “Hindi, sige na kumain ka na, matutulog na ko,” pagtapos nya sabihin yun, natulog na sya, ayaw na nya munang katext si Lindon, dahil baka lalo lang syang mainis dito.

Kinabukasan, tumawag ito sakanya, “Hello, Pola. Simba tayo?”  tanong nito, “May lakad kami ng mga kaibigan ko, next week na lang,” sagot nya, “Galit ka ba?”, “Hindi, sige na, mayaayusin pa ko,” pagsabi nun ay binaba nya na ang phone. “Promises are meant to be broken,” sabi nya sa sarili. Hindi talaga totoo na may lakad sila ng mga kaibigan nya, ayaw nya lang talaga makita muna si Lindon, dahil sa ginawa nito, nabawasan tuloy ang tiwala nya para dito.

Habang si Lindon naman ay nagpunta ng simabahan mag isa, pagtapos noon ay pumunta sya ng SM at baka makita nya sina Pola. Nakalimutan nya talagang nangako nga pala sya dito na pupunta sya kahapon sa bahay nito. Habang naglalakad sa may department store, nakita nya ang mga kaibigan ni Pola. “Dawn, si Pola?” tanong nya dito, “Pola? Hindi naman namin sya kasama eh?” sagot nito, “Ah, sige, sabi nya kasi aalis daw kayo eh, sige, uwi na ko.”

Habang nasa bahay, alam nya namang iniiwasan lang sya ni Pola, bakit nga ba sya umasa na magsisimba ito kasama sya, sa ginawa nya kahapon, malamang magalit talaga ito sakanya. Nagtext sya dito, at umaasang makakausap nya ito kahit sa text lang. “Oh, bakit?” reply nito sakanya, “Nakita ko sila Dawn kanina, alam ko namang iniiwasan mo lang talaga  ako eh, Galit ka pa ba? Sorry na?”, “Talkshit ka, sige matutulog na ko,” yun lang at hindi na ito nagreply sa mag text nya, hindi nya pa naranasan na magtampo ito, pero ngayon, grabe naman pala. Totoo nga yung kasabihan na masamang magalit ang mga taong mabait. Hihingi na lang sya ng sorry dito ng harapan bukas at sana talaga magka ayos na sila, kasi hindi nya talaga alam kung bakit nakalimot sya.

Kinabukasan, dala dala nya ang gitara nya, kasama nya si Ralph na may hawak pang bulaklak. “Kaya mo yan pare, ikaw naman kasi, oo ka ng oo. Eh may nauna ka na palang pinangakuan, yan tuloy nagalit yung tao. Kung ako din naman si Pola, talagang magagalit ako, promise promise ka pang nalalaman dyan, sana di ka pansinin ni Pola,” pabirong sabi nito. “Pare naman, imbes na pinapalakas mo loob ko, lalo mo lang akong pinakakaba.”

Pumunta sya sa canteen, pero wala doon si Pola. “Nasaan naman kaya si Pola ngayon? Eh palagi namang nasa canteen yun, kapag umaga,” sabi nya sa sarili. Pumunta sila sa library, pero sarado pa ito, bawal pa umakyat sa mga class room, wala din naman ito sa may lockers area, kaya naman pumunta na lang sila ni Ralph sa tambayan nila, sa gym. “Wala ka ng pag asa pare, mamaya lang break na kayo non,” natatawang sabi, “Wag ka namang ganyan  pare,” sabi nya dito.

Habang nagpapahinga sila ni Ralph sa kakahanap kay Pola, “Pare, may pag asa ka pa pala,” pagtingin nya sa sulok ng gym nandoon si Pola, agad syang tumayo para lumapit dito. Dahan dahan syang lumapit habang tinutugtog ang kantang SORRY NA, tumayo agad si Pola ng makita sya. “Teka, Pola. Wag ka na magalit please? Sorry talaga,” sabi nya dito, tumingin ito sakanya, seryoso ito, “Pwede ba, next time, kapag gusto mo magpunta sa bahay wag mo na lang sabihin sakin, sasabihin ko naman sayo pag aalis ako eh. Basta wag ka na lang magsabi na pupunta ka, kaysa naman mag paasa ka diba?” seryoso nitong sabi sakanya, at KRIIIIINNNGG! Nagbell na, “Akyat na ko, baka ma-late pa ko eh,” pagsabi noon ay umalis na ito sa harap nya.

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon