At nakarating na nga kami sa grocery store. Kung ano ano pinaglalagay niya sa basket. Ang dami. Para talaga siyang bata, kung ano ano pinagkukuha. Hindi lang ata isang buwan to titira sa bahay ko e, isang taon pa ata! Hay nako. Hindi na ko papayag ng ganun no! Asa siya! Pfft.
“Kanina pa tayo magkasama, pero hindi ko padin alam buong pangalan mo.” Sabi ko.
“Ha? Anu yon?” Ay binge! Di narinig yun sinabi ko.
“Wala. Never mind.” Pag susungit ko, habang sinusundan siya. Para talagang bata, busyng busy kakakuha ng mga grocery. Ang dami pang kinuha na cereals, bata nga ata talaga to.
“Ano nga yun?” Pagtatanong niya.
“Sabi ko, kanina pa tayo magkasama, pero hindi pa din kita kilala, di ko pa din alam buong pangalan mo. Tsssk.”
“Aah. Oo nga pala.” At yun, napatigil siya, at inabot ang kamay sakin. Makikipag-shake hands.
“I’m Alexander Joseph dela Cruz. :) You can call me, Seph, Alex. Kung san ka mas komportable. :)” In fairness! Ang ganda ng pangalan niya, yamanin. Haha!
“Okay. :)” Sabi ko, sabay lakad. Naglagay ng kung ano ano sa basket niya. Siya, nakatayo pa din, tas ganun pa din itsura niya.
“And you are?” Tanong niya. Napatigil ako, lumapit sakanya at ngumiti. Medyo nawala inis ko nun narinig ko yun pangalan niya, ang ganda kasi.
“I’m Hanna Maureen Mendoza. You can call me Hanna or Mau. :)” Inabot ang kamay sakanya, at nakipag shake hands.
“Ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo.” Ay sus! Nang bola pa si Kuya!
“I know. ;)” Sabi ko, sabay alis. At siya naman sumunod.
“Ano, di pa ba sapat yan? Anong oras na oh?” Pagtatanong ko.
“Tapos na, magbabayad na.” Sagot naman niya.
Hay Alex, Seph at kung ano man! Sana nga mabait at mapagkakatiwalaan ka. Mukhang hindi ka naman mahirap pakisamahan. Wag mo lang akong guguluhin, okay tayo. Mind your own business sa bahay ko. Walang pakielamanan. Sana magkasundo tayo.
“Tara na?” Aya niya.
“Tara. ^____^” Oo, naka-ngiti na ko. Bahala na kung anong mangyari, tatanggapin ko nalang tong pinasok to.
“Gusto mo ako na mag drive?” Pag aalok niya.
“Hindi na, ako na. Di mo nga alam kung saan yun bahay ko e.”
“Sige, ikaw bahala. Pabukas nalang yun likod.”
“Sure thing, wait.” At nilagay na niya lahat ng pinamili niya sa likod.
“Tara na sa bahay mo. :)”
Bat parang bigla akong nabahala ulit nun sinabi niya yun?! Oo, alam ko na pangalan niya. Pero? Pero? Waaaa! Di ko pa alam kung ano background niya, baka naman drug pusher to? Drug lord? Kidnapper? Rapist?! Hala nako! Wag naman po sana! Sayang katawan ko!! Bahala na, bahala na, bahala na talaga.
“Ay teka.” Pag pigil niya.
“Ano nanaman yon?”
“Daan muna tayo sa bahay nun friend ko.”
“E may kaibigan ka naman pala! Bat sakin ka pa makikitira?”
“Basta! Ayoko na dun. Daan na tayo!”
“Ayoko.”
“Ano ba yan! Dali na kasi! Ako na nga mag drive!”
“Ay ay? Sasakyan ko po ito.”
“Alam mo ba kung saan yun?”
“Hindi.”
“Hindi pala e, ako na mag drive. Dali.”
“Grrrrr!!!! Kfine!!” Sinigawan ko siya sa mukha. At siya, ayun, tumatawa. Lakas makapang good time nitong lalaking to ha. UGH!
Nandito na kami sa tapat ng bahay ng friend niya, well, hindi siya bahay, building. Kasi sa condo nakatira yun kaibigan niya. Mayaman nga siguro ‘to? Kaibigan palang e. Pero bakit niya gugustuhin makitira sakin? E mukhang mas maganda nga tumira dito. Palit nalang kaya kami? Hahaha. Nakakapagtaka na tong lalaking to ha.
“Tara na.” Ang dami niyang dala. Mga gamit niya ata to. Masyadong madami para sa isang buwan. Pero mukang maarte siyang nilalang, baka bawat segundo siya nag papalit ng damit. Ay ewan, pakielam ko ba kay ALEXANDER na yan.
“Hoy Hanna! Tara na po.”
“Ah, oo, sige.” At patungo na nga kami sa bahay ko. Good luck sakin.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...