CHAPTER 20 – The Search II
Amber’s POV:
Hindi na namin alam kung kaya pa naming tumagal dito sa lugar na to. The heat, the suffocating atmosphere. Wtf! Para na akong mababaliw dahil sa mga nangyayari sa amin.
Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa makakaya ko nang makarinig ako ng ingay sa labas kaya sumigaw na rin si Zelo.
“TULONG!!! NANDITO KAMI!!!”
“A-amber? Z-zelo? Kayo ba yan?”
“Cassadee! Tulong!”
“Omg! Hang in there, guys. Tutulungan namin kayo.”
Napangiti na lang ako dahil sa wakas nahanap na nila kami. Makakaalis na rin kami sa lintik na na lugar na to.
Lilingunin ko sana si Zelo nang biglang manlabo ang paningin ko at parang umiikot ang buong paligid. Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari at namalayan ko na lang na nakaalis na kami sa lugar na iyon. Sinubukan kong umayos ng tayo pero hindi ko talaga kaya mabuti na lang at nasalo kaagad ako ni Cassadee.
“Zelo, okay ka lang ba?” Tanong ni Zico habang tinutulungan si Zelo na maupo. Inilibot ko ang paningin ko at napakunot ang noo ko. Inabutan ako ng tubig ni Cassadee at nginitian.
“Sis, you okay? Nasa clinic tayo ngayon.” Tumango lang ako at ininom ang iniabot niyang tubig.
“Si Knight, Chase at KD na lang ang hindi pa nahahanap.” Anunsyo ni Zico kaya madali niyang nakuha ang atensyon namin nina Cassadee, Aldave at Zelo. Kailangan na naming magmadali. Baka kung ano na ang mangyaring masama sa kanila. Pero saan naman naming sila hahanapin? Saan naman kaya nila itinago ang mga kasama namin?
“Guys! We should split up.” Sigaw ko.
“Sigurado ka ba diyan, Amber?” Nagtatakang tanong ni Aldave. “Pakalat-kalat ang mga killers. Masyadong delikado kung maghihiwa-hiwalay tayo.”
Hindi ko siya pinansin at naglakad na papalapit sa pinto. “Well, I’m ready for them. Hahanapin ko si Knight. Hanapin niyo sina Chase at KD.”
“I’ll come with you.” Sabi ni Cassadee kaya tumango lang ako.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at pumunta na kaagad kami sa first floor habang sina Zico naman, naghanap sa basement. Inisa-isa naming ang mga kwartong madadaanan namin pero wala sila.
Napahinto kami nang makarating kami sa T-section. Left or right? Saan kami pupunta?
“Ako ang titingin dito sa kanan. Ikaw sa kaliwa.” Bulong sa akin ni Cassadee. Napatingin kaagad ako sa kanya. Natatakot akong baka may mangyaring masama kung maghihiwalay kaming dalawa pero isina-walang bahala ko na lang iyon. Kilala ko si Cassadee. Kahit na may pagkamaarte, alam kong kaya niyang lumaban para sa sarili niya. I’m sure she’ll be just fine.
Niyakap ko lang siya ng mahigpit bago kami naghiwalay. Tahimik kong nilakad ang corridor. Dito lang din sa lugar na ito ang kwarto ni Maxine na punung-puno ng manika. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinilabutan. Sa tuwing maaalala ko ang kwartong iyon, tumitindig ang balahibo ko.
Nilingon ko ang corridor kung saan nagpunta si Cassadee pero wala na siya. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil lang ako nang makarating ako sa kwarto ni Maxine. Kinabat ko ang labi ko at tinitigan ang pinto ng kwartong iyon.
Dahan-dahan kong inilapit ang tenga ko sa pinto. Nagbabaka sakaling may tao sa loob. Sana lang ay nandito si Knight o kahit na sino man sa mga kaibigan namin.
3rd person’s POV:
Namamanhid na ang mga kamay ni Knight. Ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit sa buong katawan niya. Nandoon pa rin si Maxine habang naghahanap ng damit na babagay para kay Knight.
Napapikit na lang si Knight. Hinihiling na sana mamatay na lang siya kaysa naranasan pa ang mga pagpapahirap sa kanya ni Maxine. But life is too short and precious for him to waste or let it wasted just like that. At sinubukan niya ulit na kalasin ang pagkakatali niya kahit na namamaga na ang mga kamay niya.
Pilit niyang kinakalas ang pagkakatali ng mga kamay niya nang bigla niyang maramdamang may humawak sa mga kamay niya. Napatigil siya sa ginagawa at dahan-dahan nilingon iyon.
“Knight…”
Nanlaki ang mga mata ni Amber nang makita ang kalagayan ng kaibigan. Napaawang na lang siya ng bibig at unti-unting nag-init ang gilid ng mga mata niya nang makita ang duguang si Knight.
“A-anong ginawa niya s-sayo?”
Sinubukang magsalita ni Knight pero walang boses ang lumalabas sa bibig niya. Inilibot ni Amber ang tingin niya sa buong silid at nakakita siya ng gunting sa tabi niya kaya’t dali-dali niya itong kinuha. Dahan-dahan niyang pinakawalan si Knight.
“Ssshh…Tatakas tayo dito.” Bulong ni Amber habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ni Knight. Akmang lalakad na sila papalabas ng pinto nang bigla nilang marinig ang malamig na boses ni Maxine.
“At saan mo balak dalahin ang laruan ko?” Napakuyom ang mga kamao ni Amber at dahan-dahang hinarap si Maxine. Napangisi na lang si Maxine sa kanya.
“You little bitch!” Walang pasubaling sinugod ni Amber si Maxine at pinaulanan ng mga suntok. Itinulak siya ni Amber ng malakas. Imbis na tumama ito sa mesa sa tabi nila at tumama ang kanang mata nito sa pakong nakausli sa mesa.
That’s what you get for making him blind!”
“Amber…” Aalis na sana sila ni Knight nang bigla nilang marinig ang mahinang pagtawa ni Maxine. Napatigil sila at napaharap dito nang lumakas ng lumakas ang pagtawa nito. Tuluy-tuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa mga mata niya hanggang sa uniporme niya.
Nakaramdam naman ng matinding takot sina Amber at Knight.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."