Nandito na kami sa tapat ng bahay ko, pero ayoko pang lumabas ng sasakyan. Kinakabahan ako. Iligaw ko kaya siya? Tama, yun nalang gagawin ko. Pero mukhang matalino ‘to e? Mukhang hindi nag papa-uto? Ay hindi, ililigaw ko siya. Tama! Aja Hanna! Kaya mo yan! Go!!
“Oh? Bakit tayo tumigil? Dito na ba?” Tanong niya habang tinitignan yun labas.
“Ah, hindi pa dito. ^_^”
“Kala ko dito. Ganda na ng bahay e. Saan ba kasi?”
Ay, atat lang? Liligaw kita, kala mo Alexander ha? Bwahaha! At pinaandar ko na ulit ang sasakyan. >:)
“Saan na ba? Hindi na Makati to e?” Mukhang naaasar na siya, haha! Woohoo!
“Wait ka lang.”
“Tagal naman! Kala ko ba pagod ka na? Balik na tayo dun sa bahay mo.”
“Ha? E hindi pa nga tayo nakakarating sa bahay.”
“Wag mo kong lokohin Hanna. Yun tinigilan natin kanina, yun ang bahay mo.” Hala. Pano niya nalaman? Sh*t!
“Hindi ah. Hindi ko bahay yun!”
“Sus, ako pa lolokohin mo. Di ka titigil dun ng matagal kung hindi mo bahay yun. Tsaka nasa Makati na tayo kanina.”
“Grrrrr!! UGH!! Akala ko pa naman! Kainis!!!” Naiiyak na ko. Ayoko na. :(
“Akala mo ano? Haha! Di mo ako maiisahan Ms. Hanna Maureen! Matalino ata ‘to! ;)”
“Edi ikaw na matalino! The best ka e! Ikaw na! Namnamin mo!” Galit na ko. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Sana panaginip lang lahat ng ‘to. :(
“HAHA! Tara na, pagod ka na. Uwi na tayo ng makapag pahinga ka na.”
Bigla nalang tumulo ang luha. Nakakahiya, para akong bata.
“Bakit ka naiyak? Tahan na. Di naman kita sasaktan, mabait akong tao. Aalagaan pa kita, promise!”
Naka-ngiti siya habang sinasabi yun, at habang pinupunasan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang napaiyak. Dahil na rin siguro sa halo-halo kong nararamdaman ko ngayon. At dala na rin ng sobrang pagod at pag-iisip.
“Gusto mo ako nalang mag drive?” Pag aalok niya.
“Hindi, ako na.” Pag tanggi ko.
“Ako na, para makapag pahinga ka na din kahit papano. Nakabisado ko naman agad pag punta sa bahay mo e.”
Wala na kong magawa, mapilit siya. Binigay ko nalang sa kanya ang susi.
“Tulog ka muna. Ikaw kasi, kung ano ano pa pinag iisip mo. Pahinga ka na muna.” Sabay tap sa ulo ko, ako naman ngayon ang nagmukhang bata.
Tahimik lang siyang nag da-drive, pogi niya pala pag tahimik lang. Sana tahimik lang siya palagi, ang pogi nya e. Ako eto, hindi makatulog. Naka-tingin sa labas, nag iisip isip.
“Sabi ko, matulog ka muna. Nag-iisip ka nanaman.”
“Ayoko, hindi ako makatulog.”
“Pasaway.”
“Whatever.”
“Nag sungit pa, iyakin naman.” Hay nako! Ito nanaman po siya. Tsssk.
“Bwisit! >:(“
“O, joke lang! Tara, Yellowcab muna. Take out tayo.”
“Gutom ka nanaman.”
“Yup. :D Ikaw kasi e, kung saan san mo pa ko dinala. Haha!” Napabuntong hininga nalang ako ng sobrang lalim.
“Grabe naman yun buntong hininga na yan. Ang lalim, di ko na masisid.”
“BULLSH*T! Just mind your own business!! And shut the f*ck up!!” Galit na talaga ko, napakadaldal kasi.
“Chill chill! Tatahimik na! Sorry.”
“Good.”
“Sungit talaga! Kamusta kaya mga naging boyfriend mo sayo?
Hindi ko na siya pinansin, maiinis lang ako pag sinagot ko pa siya. Nakarating na kami ng Yellowcab, as usual, ang dami nanaman niyang oorderin. Patay gutom nga ata ‘to, sosyal na patay gutom. Hindi na ko bumaba, pagod na ko. Hinintay ko nalang siya makabalik, gusto ko na talagang umuwi at matulog!
“Ang dami naman niyan.”
“Hindi lang naman po kasi ako ang kakain.”
“Masasayang lang yan.”
“Hindi rin. ^_^” At nag drive na siya.
Salamat naman! HOME SWEET HOME! Makakatulog at pahinga na rin ako. Tinulungan ko siya sa pagbaba ng mga binili niya.
“Ang ganda ng bahay mo! Parang model house! Ganda!”
“Pssh. Thanks.”
“Saan ko lalagay ‘tong mga groceries na pinamili natin?”
“Lagay mo muna dyan. Bukas na yan. Pagod na ko, halika dito.”
“HALIKAN?! Haha!” Sabay takbo papalapit sakin.
“ASA! Sabi ko sundan mo ko, tuturo ko sayo kwarto mo.”
“Tabi tayo? Di ba isa lang kwarto? Haha.”
“Asa pa ulit! Joke lang yun kanina, para di ka na mag pumilit, kaso matigas ka.”
“Aah, hehe. E pano tong mga pinamili?”
“Bukas na nga dba? Dali na naman na oh!”
“E, nakakahiya naman sa bahay mong napakaganda at linis kung iiwan ko lang ‘tong mga ‘to dito.”
“Pucha! Bahala ka na nga sa buhay mo! Dyan ka sa sofa matulog! Ang kulit mo!”
“Hala, eto na, sorry.”
“Hay nako! Bakit ko pa kasi nakilala ‘tong si ALEXANDER JOSEPH DELA CRUZ!!!? Sarap mag pakamatay! Woooo!!”
“Uy, wag naman. Mamahalin pa kita.”
Bigla akong napatigil at nagtaka sa sinabi niya. Mamahalin daw? Ha? Lokohan? Kalokohan niya!
“Ha? Ano yun?” Kunwari di ko narinig.
“Wala, wala. ^___^” Naka-ngiti niyang sabi habang nailing.
“Kfine. Eto susi ng kwarto mo at ng bahay. May CR sa kwarto ko, pero di mo pwedeng gamitin yon, bawal ka din pumasok sa kwarto ko. May CR dito sa taas, meron din sa baba. Tapos yun mga kailangan mo, sabon, shampoo, towel. Meron na din dyan.”
“Bakit may mga gamit na? Alam mo siguro na dadating ako sa buhay mo nu? :D”
“Ang kapal mo din no? Remember, nag papa-house party ako minsan, dyan ko sila pinapatuloy kung sakaling may mag oover night or what. Wag na ngang madaming tanong, bahala ka na dyan. Bukas na house rules. Antok na ko. Good night!”
“E wait lang, yun mga groceries.”
“Nakng mga groceries nga naman oh! Di ba pwedeng ipagpabukas yan?! Ayusin mo kung gusto mo! Hindi naman kalakihan tong bahay ko, hanapin mo kung san ko nilalagay yun mga groceries. Okay na?! Tsk! Hay buhay!!”
“Ang sungit. :| Sige na, okay na po. Pasensya na po. Good night.”
Tsk. Ako masungit? E ang kulit niya kasi! Nakakapang init ng ulo. Pumasok na ko ng kwarto ko, para akong nag aalaga ng bata! Hay!Sana pag gising ko, wala na siya! Sana panaginip lang lahat ng ‘to! Ayoko na siyang makita, makausap! Naiinis ako sakanya! Grr!!
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Dla nastolatkówNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...