ALEXANDER’s POV:
Ay grabe! Di ko aakalain na napaka sungit niya! Ang ganda pa naman, parang anghel. Pero mabait din naman siya, di siya papayag na tumira ako dito kung hindi siya mabait. Pero sapilitan din naman yun pag payag niya e.
Siguro, tama lang din yun inaasta niya sakin, yun pakikitungo niya. Tama siya, ngayon niya lang ako nakita, nakilala. Bakit kasi nakakabighani yun ganda niya?
Ito ako ngayon, parang tanga na sumusunod sakanya. Kung ano ano pang naisip kong paraan mapalapit lang sakanya.
Okay na din ito, mas makikilala ko siya ng mabuti. Magkasama pa kami sa iisang bahay. Ang saya dba?
Buti nalang at naabutan ko siya kanina, sakto, nasira pa yun battery ng sasakyan niya, at napapayag ko siya sa gusto ko.
Ang bait nga naman sakin ng langit, pinagbibigyan ako. Thank you po!
Ang ganda niya talaga. Lalo akong nabighani sa kagandahan niya, dagdag mo pa yun pag susungit niya. Ganda talaga! In love na ata ako?
Una ko palang kita sakanya, tinamaan na ko. Pero tama ba ‘to? Pano na yung? Ay, bahala na nga.
Basta masaya ako ngayon!
Pero paano kung crush lang ito? At yung? Tsk.
Bat ba ako nagkaka ganito, nakakatawa! Di naman ako ganito dati ha? Pero gusto ko kung ano nangyayari, gusto ko siya!
HANNA’s POV:
Woo! Sarap maligo! Nakakapagod ‘tong araw na ‘to ha? Ang daming nangyari. Hindi ko maintindihan, pero sana panaginip lang lahat ng ito.
Hay, nagpatuloy ako ng “STRANGER” dito sa bahay ko, ang weird.
Pero mukha naman siyang mabait. Ang bait nga nya sakin e? Concern pa, bakit kaya? Sino ba ‘tong Alexander Joseph na ‘to? At biglaang dumating sa buhay ko.
Hulog ba siya ng langit? Asa. Ang kulit niya e. Baka naman dati kong kakilala to, may utang kaya ako sakanya? Pero hindi, bayad ko na lahat ng utang ko! Mayaman na kaya ako ngayon, haha.
Nakakatawa, dahil sa battery ng sasakyan ko, kaya kami nagkakilala. Yun sinabi niya kanina, mamahalin? Ano daw? Nagbibiro lang siya, sus.
Mahalin niya mukha niya! Forever akong galit sakanya! HMP! Pero posible din? Ang pogi niya, sweet pa. Eh? Wala, wala! Ano ba tong pinag iisip ko. Hindi mangyayari yun! Asa! Haha. Teka, hindi pa ata siya natutulog?
Anong oras na, mag 1am na, di pa din siya natutulog? Ano kaya ginagawa nito? Baka pinagnanakawan niya na ko. Tsktsk, masilip nga.
Anong ginagawa niya? Naglilinis? Wow! Instant house boy! Hahaha. Ayos! Ay hindi, sama ko naman. Ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Di lang pala mabait, masipag din pala. Nakakatuwa naman siya.
“Oh, gising ka pa pala. Anong ginagawa mo dyan? Naka-ngiti ka pa, haha! Pahinga ka na kaya, anong oras na oh.”
Sheeet! Naka-ngiti pa daw? Hala naman! Nang-asar pa! Tsk.
“Ah, eh. Wala. Di ako makatulog, tsaka narinig ko kasi, may nagalaw pa dito sa baba, kaya sinilip ko. Baka pinagnanakawan mo na ko e, haha. Joke.”
“Sama mo naman! Hindi naman ako ganun no! Mabait ako, hindi kita sasaktan o gagawan ng masama. Sabi ko nga kanina, mamahalin pa kita. Hahahaha!”
“Joke nga lang dba? Tigilan mo ko sa mahal mahal na yan! Di yan totoo.”
“Sus, bitter! Haha. Tara kain.” Alok niya.
“No thanks, di ako gutom. Sige, akyat na ko. Tapusin mo na yan at matulog ka na din, good night!” Pag papaalam ko.
“Ganda mo talaga! Haha. Osige, patapos na din naman ako. Good night! Wala bang good night kiss? :D”
“Suntok, gusto mo?! Ge na, tsk.”
“Haha, biro lang! Ang cute. Haha. Good night Ms. Hanna! Sweet dreams. ^____^”
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Genç KurguNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...