Chapter 8: Good morning, my princess!

69 2 0
                                    

Ugh, ang aga aga. Bat may malakas na nagpapatugtog? Tsk. Di pa sapat tulog ko! Anong oras palang, 7:00! Ilang oras palang tulog ko.

Grabe, kung sino man nagpapatugtog, mamatay na sana! Ang ingaaaaaaaaaay! -_- Day off ko pa naman ngayon, tapos hindi ako makakatulog ng sapat? Di ko na nga lang, papansinin. Tulog nalang ako ulit.

Grr! Di na ko makabalik sa tulog! Kainis! Si Alex ata yun nagpapatugtog e? Kung siya nga, susuntukin ko talaga siya pag labas ko ng kwartong ‘to! Hindi lang yon, papalayasin ko pa siya dito sa pamamahay ko! Tsk. Maka-labas na nga ng magkaalamanan na. Nako Alexander, humanda ka talaga sakin!

“Hoy Ale—“ Di ko na natuloy yun pag tawag ko sakanya.

“O, gising ka na pala. Tara, kain na tayo. :) Wow, sexy mo. Haha!” At siya nga yun nag papatugtog, kay aga! Tsk. Pero wow ha, ayos na yun bahay tas nakahain na yun breakfast.

“Bastos! Ang aga aga, nag papatugtog ka ng napakalakas! Anong oras palang. Tsk.” Bulyaw ko.

“Sorry, papatayin ko na.” Hala, lungkot lungkutan pa. Psh.

“Wag na, nagising na ko, naistorbo na tulog ko. Makakatulog pa ba ko pag pinatay mo yan? Ha?”

“Hay, ang aga aga, ang sungit. Smile. Kain na muna tayo, mamaya mo na ko sermonan.” Papalapit siya sakin habang sinasabi yan, ng bigla niya kong binuhat, yun buhat ng parang bagong kasal. Haha.

“Ayyt, ang bigat mo. Haha! Joke. Gaan, sexy. Haha! Good morning my princess!” Sabay nakaw ng halik sa cheeks ko. Grabe! Kinikilig ako na ewan. Waaa!

“Ano ba ginagawa mo! Baba mo nga ko! Nagnakaw ka pa ng halik! Manyak!!” Pag pupumiglas ko, pero medyo kinikilig ako, haha. Medyo lang. :))))

“Sus, kunwari ka pa. E kinikilig ka naman, tignan mo nga yan mukha mo, pulang pula. Haha!” Buhat buhat pa din niya ko, habang dinadala sa hapagkainan. Namumula daw? Nakakahiya! Waaa!

“Asa ka, ako kikiligin sayo? Kapal!” Kunwari naasar, haha. Binaba na niya ko.

“Kunwari pa talaga, hay, ang cute cute mo!” Sabay kurot sa pisngi ko. Sakit ha. Hmp!

“Tara kain na tayo, upo ka na mahal na prinsesa. ^____^” Pinaupo niya ko. Mahal na prinsesa, lakas talaga ng sapak nitong lalaking ‘to. Pero natutuwa ako, haha.

“Kalokohan mo.”

“Hayaan mong pag silbihan kita.” Parang baliw talaga.

“Wag na, kumain na tayo. Dami mo pang keme dyan.”

“Haha, tara na. Baka gusto mo subuan pa kita?” At may pag subo talaga? Umoo kaya ako? Haha, joke. Ayoko, tsk.

“Heh, manahimik.”

“Wait, pray muna tayo.” Wow, iba talaga ‘tong lalaki na ‘to. Medyo okay siya ha? Hmm.

“Lord, thank you po sa mga pagkain na nakahain ngayon. Thank you din po sa isa nanamang araw na pinagkaloob niyo sakin at pati na rin kay Hanna. Salamat po at pinakilala niyo siya sakin, at pinatira niya ko dito sa bahay niya. Thank you Lord. Amen.”

“Amen.” Pag sagot ko. Ang bait pala niya talaga? O baka nag kukunwari lang ‘to, para makuha yun loob ko?

“Kainan na!” Saya niya ha, nilalagyan pa niya ko ng pagkain sa plato ko.

“Tama na, masyado ng madami.”

“Okay lang yan, kumain ka ng madami. Para naman mag kalaman ka kahit papano, payat payat mo e.”

“Kfine. Hay nako. Instant yaya pala ikaw. Nakakatuwa.” Sarcastic kong pagkakasabi, pero natutuwa talaga ako, sobra yun concern niya sakin. Parang di ko naranasan sa mga ex ko ‘to. Iba siya.

“Kahit ano pa maging papel ko sa buhay mo, okay lang, basta kasama kita. ^_^” Ay, may pag ganun? Ano ba ‘to? Kahapon ang kulit kulit, ngayon naman ang drama ata ng buhay niya?

“Drama mo. Kumain ka na nga lang dyan.” Kunwari naiirita ako sakanya, haha.

“Totoo naman yun sinasabi ko. Masaya ako na kasama kita ngayon. Susulitin ko yun isang buwan na kasama kita.” Sabay lapit ng mukha niya sakin, para na kaming mag kikiss. Magkatabi kasi kami. Imaginin niyo nalang pwesto namin. Haha!

“Hoy, hoy. Teka, ang lapit mo.” Sabay layo, grabe. Mas pogi siya pag malapitan, ang hot niya. Haha! Naka-sando lang siya tas boxers, ang hot talaga. Yun katawan pa niya. Ugh, ang sarap! Lololol. Ano ba ‘to, pinagnanasaan ko siya. Yun puso ko, ang lakas ng pagtibok. Waaa!!

“Hahahahaha! Tignan mo itsura mo, yun mukha mo pulang pula. Hahaha!” Sabi na nga ba, namula nanaman ako. Pssh. Kakahiya.

“Leche. Nakakainis!”

Naiinis ako na kinikilig. Haha! :”) Tumayo ako sa kinauupuan ko para kumuha ng tubig. 

Grabe, intense yun ha. Tumayo din siya at lumapit sakin, tapos pumwesto siya sa likod, parang yayakapin ako. Hala, kinakabahan naman ako sakanya. Hinawakan niya yun balikat ko, pababa yun kamay niya, parang nanghihimas. Sabay bulong.

“Pano kung hinalikan kita kanina?” Waaaaa! Ano daw?

“Manyakis! Bwisit. Di ako natutuwa, lumayo ka sakin.” Sabay tapon sa mukha niya nung ininom kong tubig.

“Ayt, grabe. Joke lang e. Ang pikon mo naman. Tsk.” Nainis ata siya ginawa ko, pero tama lang yun.

“Di nakakatuwa yun biro mo. Pshhh.”

“Hay, sorry na po. Prinsesa ko.” Sabay luhod. Ano ba tong ginagawa niya? Parang tanga.

“Prinsesa prinsesa ka dyan, tigilan mo ko. Tumayo ka dyan, ayusin mo na yang lamesa.”

“Yes ma’am!”

Wow ha. Saya niya talaga? Ano ba meron sakanya? Hay, na-stress ako.

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon