Chapter 9: House Rules

74 2 0
                                    

Dahil day off ko. Wala naman akong gagawin. E kung mag pa-house party kaya ako? Kaso nandito si Alex, baka kung ano pang isipin ng mga kaibigan ko, makikitid pa naman utak nun mga yun. Sabihin pa nila live-in partner ko siya.

Hay, isang buwan walang house party. Ang lungkot naman. Kung mag bar nalang kaya ko, kaso ang aga pa. Ano bang magandang gawin? Shopping? Kaka-shopping ko lang nun isang araw. Ang boring naman! Nasan na kaya yun si Alex? Bat ko ba siya hinahanap, magugulo lang naman mundo ko pag nandito yun. Buti ngayon, payapa. Hay salamat!

“O, anong iniisip mo dyan? Naka-ngiti ka pa. Hilig mong mag daydream.”

Omygaaaaaaawd! Siya ba ‘tong nasa harap ko?! Mas hot pala pag topless! Wooo! Rawr!! Hahaha. Lol. Ang hot, tas natulo tulo pa yun tubig sa buhok niya. Ang bango. Shet!! Ang pogi!!! Papakasalanan ko na ‘to! Grabehan! Ano ba ‘tong taong ‘to? Hay.

“Uy! Natulala ka dyan? Matunaw ‘tong katawan ko, wag mong pagnasaan. Haha!”

“Ay grabe. Kapal ng mukha mo kahit kalian. Tsk, bayan, dumating ka pa, wala. Masalimuot nanaman buhay ko.” Tumayo ako sa pagkakahiga sa sofa.

“Grabe ka naman. Parang ang laki kong problema sa buhay mo ha.” Sabay tabi sakin, shet, topless pa din! Woah.

“OO! Sobrang laki talaga! Mag damit ka nga!” Kunwari iwas ng tingin, pero gusto ko pang tignan. Ang manyak ko, haha.

“Mainit, mamaya na. Kwento ka naman.”

“Wala akong kwento. Boring buhay ko.”

“Dali na oh.”

“Wala nga, ay teka, yun house rules.” Muntik ko ng makalimutan.

“Wag na, ganun ganun pa? Sus.”

“Kailangan yon! Wag kang ano, baka gusto mong paalisin kita ngayon din, ano?

“Kfine. Ge, pag usapan natin yang house rules na yan!” Aba, galit pa? Nakikitira na nga lang.

“Bwahahaha, teka, kuha lang ako ng papel.” Hahahaha, pwede ko siyang gawing katulong, pero wag, ang sama ko naman pag ganun, nagkukusa naman siya e. Kaya okay lang.

Kumuha na ako ng papel, at diniscuss ko sakanya isa isa ang rules. At ito ang mga rules:

1. Bawal magdala ng barkada, babae, aso, pusa dito sa pamamahay ko.

2. Bawal pumasok sa kwarto ko, galawin ang mga gamit ko. Mag paalam kung may hihiramin, at ibalik kung saan kinuha. Ayoko ng magulo, ayoko ng madumi. Gusto ko organize lahat ng gamit.

3. Bawal ang maingay, lalo na sa umaga. Bawal mag patugtog ng napakalakas, lalo na pag alam mong day off ko. Tuesday and Thursday ang madalas na day off ko.

4. Mind your own business.

5. Hati sa bayad ng bills. Rent ng apartment, cable, and internet. Nakikigamit ka dito, kaya mag babayad ka din.

6. Kung aalis ka, i-lock ng maige ang pinto, yun mga saksakan, alisin lahat ng naka-saksak.

7. Magkusa sa mga gawaing bahay. Remember rule #2, gusto ko lahat maayos. Nakita mo naman siguro bahay ko nun bagong tungtong mo dito.

8. Sumunod sa naging usapan. Isang buwan ka lang dito, kaya sa May 31, aalis ka na dito.

“Ang tagal naman niyan.” Ay, inip na inip?

“Eto na, tapos na. Ayan, pagtapos mong basahin, pirmahan mo ‘to.”

“Dami naman. Tsk! Yun #1? Ano ba yan. Bawal magdala? Hayy.”

“Angal? Pamamahay mo? Edi umalis ka na, kung di mo kayang tuparin.”

“Pssh. Sige na sige na. Ano ‘tong pipirmahan ko?”

“Contract. Nakalagay dyan na susundin mo lahat ng rules at mismong May 31, e aalis ka na.”

“Pa ganito ganito pa. Sus.”

“Reklamo pa? Para malinaw tayo no!”

“Oo na, pipirmahan na.”

“Yun! O, amin na. Bwahahahaha.”

“Pssh, kung di lang kita gusto. Hay nako.” Ano daw sabi niya? Ha?

“Ano yun?”

“Ay wala! Sige na. Tago mo na yan, punitin ko pa yan e.”

“Kdot. Hahahahahaha! Wooo! Ang saya saya.”

Oo, Masaya ako. Hindi ko alam kung bakit, basta masaya ako ngayon, feeling ko alipin ko siya. Haha! Joke lang. ;)

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon