Okay, oras ko naman ngayon. Grabe yun si Maureen! Haha, cute din pala pag tinawag siyang Maureen? Parehas naman okay e, Hanna Maureen.
Gandang pangalan! Ugali nga lang, pssh, ubod ng sungit. Gumawa pa ng house rules at contract? Grabe siya. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko, lalo na kay. Hay, yaan ko muna siya. Naka-chapter10 na tayo, di niyo pa alam kung sino talaga ako.
Ako nga pala si Alexander Joseph dela Cruz. Tawag nila sakin ay Alex, minsan Seph. Pero mas sanay ako ng Alex. Galing ako sa isang kilalang pamilya, ewan ko ba dito kay Hanna kung bakit hindi ako kilala, tsk.
Pero hindi rin kasi ma-expose, madalas mga kapatid ko lang ang na-eexpose. Ayoko kasi ng ganung buhay, halos lahat ng mata nakasunod sayo. Ang hirap kaya nun. Pano ako makakagawa ng mga kalokohan dba?
Mas gusto ko ang simpleng buhay. Yun walang camera na nakasunod sayo, at kung ano ano pa. Mga magulang ko nasa ibang bansa, mga kapatid ko naman, may kanya kanya ng buhay. Ako, eto, happy-go-lucky.
Pero kahit na ganun, marunong naman akong mag seryoso sa buhay, may business nga ko, restaurant. Ayun, okay naman ang kita. Magaling yun nagpapatakbo e, syempre ako yun. ;) May ilang branch ako dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.
Hindi ako masamang tao, di tulad ng iniisip ni Hanna, pero okay lang, tutal bagong kilala lang naman kami. Kaya natural, ganun talaga magiging reaksyon at magiging pakikisama niya sakin. Tiisin ko nalang.
Hindi ko rin alam ‘tong pinasok ko, bakit ba kasi ako nabighani sakanya? Hay, okay na din ‘to. Para naman makalimutan ko na rin siya. Salamat sayo Hanna, sana matulungan mo ko.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...