Chapter 11: What a night!

80 2 0
                                    

ALEXANDER’s POV:

Nasan na kaya yun si Hanna? Simula nun hapon di ko na siya nakita. Umalis kaya? Baka nga umalis, wala yun sasakyan niya e? Bakit di ko namalayan? Di man lang nag paalam. Bakit nga ba siya mag papaalam, sino ba ko sakanya?

Hay. Nasan na kaya yun? Wala akong maasar. Buti di siya na bobored dito. Sabagay, panay work at alis din naman siya, pero pano pag day off niya? Tulad nalang ngayon? Ano kaya ginagawa niya pag mga ganitong araw?

Ayun, umalis. Ayaw siguro akong makita, hay. Nakakalungkot naman, alis nalang kaya ako? Pero sayang din nu. Nandito na, papalagpasin ko pa ba ang pagkakataon. Anong oras na, wala pa din siya. Baka nag party? Sayang naman ‘tong hinanda kong dinner. Kakain na nga lang ako mag isa. Tsk.

“Tama lang pala dating ko.” Ayan na siya, san kaya ‘to galing? Nakapangbahay lang siya.

“Nandyan ka na pala, tara kain na. San ka galing? Tanong ko, baka sagutin ako nito, wew.

“Ah, dyan lang, may binili.”

“Ano binili mo?”

“Beer? Wag ng madaming tanong, kain na tayo, gutom na ko.” Anong gagawin niya sa beer? Baka iinumin? Mag papa-house party kaya siya?

“Bakit ka bumili? Papa-house party ka?”

“E bat ang dami mong tanong? Kumain ka nalang dyan, sarap ng luto mo ha.”

“Salamat. E, wala lang, gusto ko lang naman malaman.” Sabi na, maiinis nanaman siya sakin.

“Hindi ako mag papahouse party. Baka kung ano pang isipin ng mga kaibigan ko pag nakita ka nila dito.”

“Aah, e bakit ka bumili ng beer?” Ang kulit ko pala talaga, haha.

“Gusto ko lang uminom. Wala lang, chill chill lang.”

“Pwede rin akong maki-inom?” Last na tanong na ‘to, promise.

“Bili ka ng sarili mo.”

“DAMOT!”

“Joke lang. Haha! Sige lang, kaso baka mabitin ka, onti lang yan.” Aba, pinag tripan pa ko. Pfft.

“Bibili pa ko pagtapos kumain. Hahaha. Pahiram sasakyan.”

“O eto susi, ingatan mo yan.”

Ayan, tapos na kami kumain. Bakit parang hindi na siya masungit sakin? Pinahiram pa niya sakin yun sasakyan niya. Baka bumabait na siya sakin? Edi okay dba?

Mag iinuman pa kami mamaya. Nako, baka may mangyari. Wew. Ano ba ‘tong naiisip ko, ang sama. Hindi, rerespetuhin ko siya. Wala akong gagawin na masama sakanya.

Pabalik na ko, mukhang ang dami nito ha? Maubos kaya? Bahala na, okay lang yan. Enjoyin ko nalang itong gabi na ‘to.

“Nandyan ka na pala.” Ang daya niya, nag uumpisa na siya, pfft.

“Daya mo naman, nag umpisa ka na. Hmp.” Sabay tabi sakanya.

“Tagal mo kasi, wala na kong magawa.”

“Madaya. Sus.” Tampo pa ko kunwari, para naman may paki siya sakin.

“Arte mo.” Ayan, nasabihan pa ko ng maarte. -_- Bigla siyang nanahimik.

“Naranasan mo na bang magmahal ng sobra?” Hala, bakit ganito tanong niya? Lasing na ata ‘to e? Ay grabe! Naka-apat na siya, tsk. Inulit niya yun tanong niya, sagutin ko nalang. Hay.

“Ah, eh. Oo.”

“Talaga? Swerte naman nun minahal mo na yun. Alam ba niya?” Swerte daw? Sus. Ano ba ‘tong mga tanong niya? Hay nako, sasagutin ko nalang mga tanong niya.

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon