HER P.O.V
Nagbe-besikleta kami ngayon, kasama ko ang taong mahal ko. Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong...
"Mahal kita. At patuloy kitang mamahalin hanggang mamatay ako." sabi niya.
Napangiti naman ako.
"Mahal din kita. At mamahalin kita hanggang sa tumigil sa pagtibok ang puso ko." sabi ko.
Tinignan ko siya, ngumingiti din siya habang nakatingin sa dinadaanan namin.
Masaya kaming tinatanaw ang mga lugar na dinadaanan namin. Masaya kaming nagkwe-kwentuhan. Masaya kaming magakasama. Masyang masaya kami hanggang sa tumigil ang pagiging masaya namin sa isang pangyayari....
Isang pangyayari kung saan nawala na siya..
---
Ayan na naman ang ala-ala naming magkasama. Tuwing nagbe-besiklita alo, palagi kong naaalala yan.
Itinigil ko ang bisekleta ko sa tabi at tumingin sa langit..
"Mahal ko, pwede bang..." pumatak ang luha ko.
"...bumalik ka rito?" sabi ko ng mahina at patuloy pa ring pumapatak ang mga luha ko.
Ngumiti ako dahil sa sinabi ko.
"Imposible. Alam kong imposible yung sinabi ko. Pero kasi..."
"... gustong-gusto na kitang makita... gusto na kitang makasama... gusto na kitang mayakap... gusto na kitang halikan, pero.." mas lalo akong naiyak.
"...Pero... wala ka na.." at dahil dun humagolgol na'ko.
"Sinusubukan ko namang maging matatag eh..."
"Kaya lang...di ko na talaga kaya ngayon." sabi ko habang walang tigil na umiiyak.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa langit .
"Gusto na kita makasama... kaya kung hindi ka pwedeng bumalik dito pwes ako mismo ang pupunta diyan." sabi ko at tumingin sa kalsada.
Sakto namang mapapalapit na track. Tumingin ako sa langit.
"Hintayin mo'ko diyan ha? Mahal kita." sabi ko at pumunta sa gitna ng kalsada.
*SCREEEEEEECHH*
Unti-unting nagdilim ang paligid ko at kasabay nun ang pagtigil ng tibok ng puso ko...
BINABASA MO ANG
Memories (One Shot)
Teen FictionKahit kamatayan pa yan, haharapin ko... makasama ka lang.