KACHAKAHAN 12

990 21 0
                                    


CHAPTER 12

Nagising ako this morning dahil sa kanta ni Marisa. At sinasadya nyang iparinig sa akin ang kinakanta nya na syang kina kulo ng dugo ko. okay naman sana na mahina lang eh, yung sya lang makakarinig.Ang boses nya ay ang sakit sa tenga, kung nakakamatay lang siguro ang boses nya sa pagkanta nya ay marahil nilalamayan na kami dito ngayon.

Bumangon ako sa aking higaan at hinanap sya. Napunta lang naman ako sa kanyang kwarto at doon ay mas lalo akong nairita sa kanyang boses.

"sayang sayaaaannngg talagaaaaaa... dating pag-ibug na alaaaayy sayooooo ohh baby!!"

Nakaharap sya sa salamin habang naglalagay ng foundation sa kanyang mukha.

"sayang na sayang taaalaaagggaaa... pagmamahal na di ko makakamtan sa iyoooo"

Dahil sa kagagahan nya ay binatukan ko sya na syang pag tigil nya sa kanyang pag kanta.

"sayaaanggg... araayyy" turan nya sabay harap sa akin. "bakit ba?" Galaitin nya sa akin.

"Nang iistorbo ka sa natutulog eh, pwede ka namang kumanta na ikaw lang nakakarinig"

"pake mo ba at inaano ka ba ng boses ko?" pag tataray nya sa akin.

Hindi na ako nakipag talo sa kanya dahil in the end ako na naman ang talo dahil kakampihan sya ni inay Maring. Naglakad na ako paalis sa kanyang kwarto pero kaagad akong napalingon sa kanya dahil sa kanyang kinanta.

"nag isilang ka sa mundong ito, laking galit ng magulang dahil ang anak nila'y mukhang kabayo..." ngisi nya habang nakaharap sa salamin. Kitang kita ko ang pag smile nya dahil nag fa-flash back lang naman ang mukha nya sa salamin na tumatama sa mata ko.

"at ang lolo at lola mo'y hindi malaman ang gagawin, minamasdan ang panget nilang apo... at sa gabi napupuyat ang iyong nanay sa pag iwas sa mukha mo. At sa umaga naman kalong ka ng iyong amang basang basa sayo"

Di ko na pinakinggan pa ang kadugtong ng kanyang kanta at lumabas na ako sa mula sa kanyang kwarto. Pumasok akong muli sa room ko at nag play ng music para di ko marinig ang pag kanta nya na dedicated sa akin.

Kahit kelan talaga ang mga tao napaka nega sa aming mga panget. Lagi nalang kami tampulan ng tukso, ni hindi nila nababatid na may naapakan na silang tao, may feelings na nasasaktan, may pangarap na pinuputol dahil lang sa kapangetan naming taglay. Siguro kung hindi dahil kay itay Juancho ay hindi ako natanggap sa VBL dahil sa mukha ko, hmp! Sa panahon ngayon, mukha na ang base-han ng lahat.



Humiga na ako sa kama ko at kinuha ang phone ko. Tinignan ko ang oras at its five thirty palang ng umaga. Yung imbis na seven ang gising mo, ehh na gising ka ng wala sa oras dahil sa kahayupang pag birit ng hilaw mong kapatid.

Ti-nap ko ang phone ko at kinlick ang fb ko. Nag scroll down ako at puro mga famous na mukha ang aking nakikita. Mga magaganda at gwapong fb friends ko na madaming likes at puso ang syang umaariba sa fb wall ko. Di ko na nga alam kung fb ba nila to o fb ko dahil puro mukha nila ang naka balandra sa phone ko.

Ti-nap ko ang sarili kong wall at binisita ang last kong mga post, at na sad lang naman ako dahil sa isang likes ay wala akong nakuha mula sa mga fb friends ko. Bawat post ko ay iniignore nila. Na try ko na nga na ibahin ang dp, yung magagandang fes na mula sa google images,para makakuha ako ng madaming likes pero ni wala akong naluko sa kanila, walang nag like mga beshie sa mga poser pictures ko.

Minsan nga ay nag lalakas loob akong mag chat sa mga famous na crush ko, pero ang mga puta binlock ako sa fb nila. Nakaka hurt talaga mga beshie. Mukha na talaga ang basehan ngayon para makapag landi sa fb, at makakuha ng more likes at puso. Mga beshie alam nyo naman na kapag madaming likes ay sikat ka, at isa yun sa pinapangarap ko dati pa, ang magkaroon ng madaming likers, pero mga beshie nakakasad lang dahil sa minimum of one at maximum of seven lang ang nag la-likes sa mga post ko. Kung hindi si itay Juancho ang nag like nun ay mga kaklase ko na palagi kong ginagawan ng assignments.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang