zwei ✹

9 0 0
                                    

Kinuwento ko kay Choa yung buong nangyari kagabi. Nasa loob na kami ng classroom namin na sobrang ingay at buti na lang ay absent yung teacher namin dahil hindi talaga ako pinatulog ng putang feeling leader na 'yun kakadada sa akin. Kung hindi lang siya sinabihan ni Hobi na kailangan ko ng magpahinga, hindi pa siya titigil sa kakabunganga niya. 

Palibhasang puro blah blah. Kingina. 

"So, in short. Nahuli ka na namang batutay ka?" Pakunwari pang nagugulat na tinanong ni Choa. 

"Excuse me lang ha, Chowking. Ganto naman nangyayari lagi sa akin, papeke ka pang nagugulat kang nakakarita kang tahong ka."

Tumayo siya sa upuang katabi ko at humarap sa akin na nakapamewang. "Ay wahow, Hye. Concern lang naman ako." 

"Parang last last week rin akong pinarusahan pero di ka nagreact ng ganyan ha?"

"Eh may utang ka pa kasi." 

Padabog kong inikot yung upuan ko patalikod at wrong move

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Padabog kong inikot yung upuan ko patalikod at wrong move. Nabunggo ko yung upuan na nasa likod ko na ngayong kaharap ko na. Hindi pa ata nagwawakas sa kagabi yung kamalasan ko. Dahil ang taong nasa harap ko ngayon ay walang iba kundi si Myungsoo. Para siyang nasa k drama dahil dahan dahan niyang inangat yung ulo niya at tumingin ng masama sa akin.

"K-kailan ka pa nandyan sa likod namin?" Sinarado niya yung comic na binabasa at pinatong yung braso niya sa ibabaw 'non. Tiningnan niya saglit si Choa na parang may sinesenyas kaya kumunot ang noo ko.

Narinig kong tumikhim si Choa at kinalabit ako. "Ay huy, may meeting nga pala kaming officers sa canteen. Sunod ka na lang mayang break, bye!" Nagtatakbo siya palabas ng classroom. Binalik ko ang tingin ko sa tao na 'to sa harap ko at tumaas ang sulok ng labi niya.

"Kadarating ko lang din naman. Mga.. bago ka magsimula ng kwento mo at kung paano mo ako pinagtatawag ng kung ano ano." Sagot niya sa akin. 

At syempre ako, juice ko. Tatahimik ako. Kahit nang hindi ko siya sinagot, hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Hindi man ako sumasagot, hindi ibig sabihin 'non sumusuko ako. Nilalabanan ko pa rin siya. Sa tingin. 

"Bakit hindi ka magsalita ngayon tulad ng ginagawa mo kanina?"

Kasi dadagdagan mo pa yung uutos mo sa akin nyan kapag sinagot kita, pakyu ka.

Tumingin siya sa taas saglit at bumaling sa akin. "Ah.."

"Kasi si Hoseok lang dapat lagi kinakausap mo noh?" 

"Huwag mong ginagamit gamit si Hobi." Kanina pa talaga ako nagtitimpi pero di ko na napigilan. Mahina lang yung pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya dahil sarkasmo niya akong nginisian. Iniwas niya yung mata niya sa tingin ko at nakita ko kung paano nagtiim ang bagang niya.

"Nagsasalita ka lang pala tuwing binabanggit yung Hoseok 'mo'." Kinuyom ko yung kamay ko at may isasabat na sana sa kaniya ng sumigaw si Seungkwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Microwave foodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon