Chapter 7-G.Pops is in the Town

3.2K 112 8
                                    

[Third Person's POV]

“Fvck,Rex.Hindi dyan ilalagay yan!!"sigaw ni Storm kay Rex na hawak hawak ang isang itlog.Napakamot naman ng ulo si Rex at napasapo naman ng noo ang iba.

“Tanga ka ba?Basagin mo kaya yung itlog.Hindi nilalagay agad yan dyan.Sinong tanga ang gagawa ng scramble eggs na may balat?!Sira-ulo lang?!"sigaw naman ni Calyx.

Napuno ang kusina ng puro murahan at sigawan ng magpipinsan.

Ngayon,silang magpipinsan ang umasikaso ng kanilang agahan dahil hindi sila paniguradong ipagluluto ni Jerish dahil ginalit nila ito.

“Calyx,ilagay mo na yung hotdog at bacon.Mainit na yung mantika."sabi ni Storm.

May hawak hawak na payong na lumapit si Calyx sa kawali at hinagis iyon kaya nagsitalsikan ang mantika kaya napatakbo agad sila upang maiwasan ang pagtalsik nito.

“FVCK,CALYX!!"

“Nag payong ka na lahat lahat may tumalsik pa rin."angal ni Storm.Nang napansin nilang hindi na tumatalsik ang mantika ay bumalik na sila sa pagluluto.

“Kaizer!!Bakit mo nilagay yung bigas sa kawali?!!"angal ni Calyx.

“Malamang gagawa ako ng fried rice!!"sunod sunod na tumama ang mga hawak ng magpipinsan sa ulo ni Kaizer.

“Tanga.Niluluto pa yan para maging kanin!"sigaw nila.

“Eto na nga aayusin na."nilagay ni Kaizer sa rice cooker ang bigas at niluto ito.

“Hoy kayong dalawa.Wag kayong mag-feeling genius kasi di rin kayo marunong magluto."sigaw ni Kaizer at sinundan naman ni Rex.Mukhang nakahalata na ang dalawa na nagmamarunong ang dalawa.

“Eh bakit ba ang ingay nyo?!Eh sa marunong kami eh."balik na sigaw ni Calyx.

Nagsimula silang mag-trash talk pero napatigil sila ng biglang tumunog ang fire alarm.

“PUCHA!!SUNOG!!"napatakbo silang lahat sa labas.

“Sh*t!!Ang mga gadgets ko!!!"Calyx.

“Ang mga pagkain ko!!"Kaizer.

“Waah!Ang mga unan at kama ko."Rex

“Si Pretty nasa loob pa!!"Storm.

May biglang tumikhim kaya napatingin sila sa likod nila.Nakita nila si Zero na nakaupo sa upuan sa may garden ng mansyon at nagbabasa.

“Anong meron?Bat tumunog ang fire alarm?Nagluto kayo?"kalmadong sabi ni Zero.Anong emosyon ang aasahan nyo sa taong ito?

“Oo nagluto kami.Wait.....FVCK!!Naiwan nating nakabukas yung niluluto natin."sabay sabay silang napatakbo sa loob at kahit puro usok ay dumiretso sila sa kusina.Nakita nila ang isang pamilyar na hubog na nakatalikod na mukhang inaapula ang apoy gamit ang fire extinguisher.

“Nagluto kayo?!"base sa boses kilalang kilala na nila ito.Si Jerish!!

Nawala na ang mga usok kaya kitang kita nila ang masamang titig ni Jerish.Ayaw na ayaw pa naman nitong may nangingialam sa kusina.

“Ah eh.Oo."

“Iniwan nyong bukas ang kalan kaya yung usok nakarating sa fire alarm.Sinong tanga ba naman kasi nagsabing magluto kayo?!"

Sabay sabay nilang tinuro si Rex.Si Rex,ang pasimuno ng lahat.

“Tanga ka ba?!Ilang beses ko bang sinabi na huwag nyong gagalawin ang mga gamit sa kusina?!"kinuha ni Jerish ang kutsilyo at tinutok sa magpipinsan kaya napasinghap ang magpipinsan.

Nagbilang sila hanggang sampu at tumakbo na palayo sa kusina.Dahil baka sa galit ni Jerish ay maitarak nya ito sa leeg ng magpipinsan.

[Jerish POV]

Nakakabwiset talaga yung magpipinsan na yun.Sinabi ko ng huwag pakialaman ang mga gamit sa kusina pero ginalaw pa rin nila.

Ngayon muntik na nilang sunugin itong mansyon.Tapos ang gulo gulo pa rito.Kainis talaga!

Puro pasakit ng ulo ang dala ng magpipinsan.

Sinimulan ko ng linisin yung nasa countertop.Napakadumi nang paligid.Parang pumasok sa isang gyera!

“Haist!Puro pasakit ang binibigay sakin ng magpipinsan na yun."bulong ko sa hangin.

“Jerish.Bat ikaw nag-aayos dyan?"napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si G.Pops kaya tumakbo agad ako at niyakap sya.Na-miss ko rin itong lolo na to

“Dahan dahan naman.Nasasakal ang matanda"binitawan ko na sya.

“Kailan ka pa nakauwi,G.Pops?Akala ko next week pa uwi mo?"tanong ko.Next week ang sinabi nyang uwi nya pero andito na sya agad.

“Ayaw mo ba akong nandito?"may tono ng pagtatampo ang boses nya.Ang tampuhin talaga ng matandang to.

“Mas okay ngang nandito ka na eh.Pagsabihan mo nga G.Pops yang mga walang kwenta mong mga apo."naka poker face kong sabi.Tumawa naman si G.Pops.Alam nyang hindi kami magkakasundo ng mga asungot nyang mga apo at may ginawa na namang kalokohan ang mga asungot.

“Nasaan ba sila?"napatingin sya sa inaayos ko kanina.

“Nagluto na naman sila?"tumawa ulit si G.Pops.Alam na alam ni G.Pops na galit ako sa mga nangingialam ng mga gamit sa kusina,in short sa mga apo nya.

“G.Pops naman kasi.Bakit di nyo ba pinapasok sa cooking class ang mga yan?!Eh sabi mo sakin halos magaling sila sa lahat ng bagay."

“Jerish,halos lang.Hindi ko sinabing sa lahat ng bahay sila magaling.May halos yun."

“Nakakainis kasi eh!!"

“Don't worry.Pagsasabihan ko sila.Papalitan ko na lang yung mga nasira ng mga apo ko."

“Talagang kailangan mong palitan yun."

“G.POPS!!!"nagsitakbuhan ang magpipinsan at niyakap ang matanda.

“Naks naman.Masaya yata ang matanda ngayon."asar ni Kaizer kaya binatukan sya ni G.Pops.

“Anong matanda,Kaizer Smith?!"ayaw pa naman tinatawag si G.Pops na matanda.Kahit matanda naman sya talaga.

“Eto naman di mabiro.Syempre,magkakamukha tayo pero mas angat lang ako."ay nakanang.Bumabagyo ba?Bagyong Kaizer?

“Lul!Mas pogi ako."angal naman ni Storm.

“Mas pogi kaya si G.Pops."sabi naman ni Rex.

“May kailangan ka ba sakin Rex Smith?"tanong ni G.Pops na natatawa pa.

“Wala kaya.Love na love kita G.Pops.Pahingi po ng allowance?!"

“May kailangan nga ang sira ulo."sigaw ng iba pa nyang pinsan.Natawa na lang si G.Pops.

“Oo nga pala,nasaan si Zero?"

Biglang nagtawanan ang magpipinsan.

“Nakita mo ba G.Pops yung sa GC natin?Yung mukha ni Zero hahahahahaha!"na-gets ko yung pinagtatawanan nila kaya napatawa na rin ako.

“Yung mukha ni Zero na puro sulat?"tumawa rin si G.Pops.

“Art work ni Pretty yun.Hahahaha!"sabi naman ni Storm.

“Lagas ang mga fans ni Zero nyan kapag kumalat yan."sabi naman ni Calyx.

“FVCK YOU,CALYX SMITH!!"

Lalo kaming napatawa nang marinig namin ang sigaw ni Zero.Mukhang ang lakas ng pandinig ng asungot ah.Hahaha!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon