Sixteen - Finder's Keeper

11.9K 207 56
  • Dedicated kay To all my wonderful FANS ^_^
                                    

as i've said mag update ako pag umabot na ng 100 ang fans ko and hoooraaay!!.. haha umabot na siya.. alam kong maliit lang yun compare sa iba pero para sa akin napakalaking bagay na yun.


kaya naman ang chapter na ito ay dedicated para sa lahat ng fans ko.. kinakabahan nga lang ako kasi baka hindi nyo magustuhan.. medyo mahaba kasi ito saka magulo.. ayoko kasing putulin dahil ayoko sanang lagyan ng part 2 chuva chuva.. hahaha


special mention


AyabuzaCB kasi may nirequest kasi siya sa akin dati ewan ko lang kung natatandaan pa nya.. ahmm ate pag nabasa mo yung update na ito magegets mo.. haha sabi ko sa iyo mahihirapan ako eh.. but you know, i did my best.. hahaha


hypher12 thanks sa dedication sissy! natawa ako sa description mo sakin.. mabait pa nga.. haha nangangain kaya ako pag full moon.. choz!


at kay ate debbeehhh haha, dahil nagwelga siya last chaptie.. naghanap pa nga ng kakampi.. hahaha ^_^


natatawa ako, ayaw nyo ba kay Lenard guys?! gusto ko kaya si Lenard.. siya pa naman makakatuluyan ni Aisha sa huli.. haha ayt! nadulas ako.. choz! baka hindi nyo na basahin ito.. wag naman.. haha


may naisip na ko ng mga taong pagbibigyan ng dedication.. hahaha hintayin nyo na lang ^_^


andami kong sinabi.. sorry =_= happy reading!




“kyaaaaa!! Ate Danica! Ang ganda ganda naman po nyaan!..” tuwang tuwang turo ng isang 2nd year student na ka patrol namin. Iris ata ang name nun.

“ah, oo. Pinagawa pa yan ng mommy ko sa Paris para sa 16th birthday ko kaya naman nag iisa lang toh sa mundo.” Taas noo namang sagot ni Danica habang tinataas taas nya pa yung bracelet nya para Makita ng iba.

Agad namang nagsilapitan yung iba pa naming patrol. Hindi na ako nag atubili pang lumapit. Ano namang pake ko sa isang bracelet? Sus.. hindi ako mahilig sa mga borloloy na yan >.<

Ibinalik ko na lang ulit yung pansin ko sa dalawang kahoy na kanina ko pa kinikiskis. Ang goal kasi naming ngayon eh kailangan naming makagawa ng apoy. Kanina pa kami nagro-routine sa pagkiskis at ngayon turn ko na.. Dyahe.. tagal naman kasing sumindi nito..

Halos 2 pm na ng hapon at ito na ang pinakalast na activity namin. Pag hindi kami nakagawa ng apoy hindi kami makakain..

Waaa!! Nagugutom na ko.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon