..
"Ok class see you tomorrow." dali daling umalis ang teacher namin.
"claire. hanggang kailan pa ba ako maghihintay?" di ko alam bat ko nasabi yun. basta nlang lumabas sa bibig ko.
"Pano ba to. luke pwede ba tumigil ka na di ka ba nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na eh." Di ko akalaing sasabihin niya yun. Bat ngayon niya pa niya sinabi? Pinatagal niya pa. Pano na ngayon? T-T
"Di ako nagsasawa kasi mahal kita. Kahit anong sakit titiisin ko dahil mahal kita ikaw? May mahal ka na sigurong iba?" Alam kong masasaktan ako sa isasagot niya pero kailangan kong malaman. Ngunit di siya tumugon sa tanong ko nananatili siyang tahimik at walang himik.
"Silence means yes diba. Sige may gagawin pa pala ako" ilang hakbang pa lamang ay huminto na ako dahil may nakalimutan akong sabihin.
"b-bye" masakit palang magpaalam sa pinakamamahal mo. pano na ngayon? paano ako mag momove on? kakayanin ko ba? parang hindi.
pov claire.
alam kong nasaktan si luke sa mga binitawan kong salita di ko naman sinasadya na matakot na magmahal ng iba diba? Oo tama kayo ayokong mag mahal dahil takot akong masaktan. Since birth broken family na ako si mommy at daddy may kanya kanya ng pamilya.
Kaya kay lola na ako lumaki kahit sakanya lang nararamdaman ko ang pagmamahal na hinahanap ko.
Ako nga pala si Claire. Ayokong magmahal dahil takot na akong masaktan pa. Kailan ko kaya mapaglalabanan ang takot ko?
"Anak. Kain na tayo!" Aya ni lola.
"Opo." Kumain na kami ni lola.
Incoming call
"Hello?"
(claire. sasama ka ba sabado?) tanong ni paulo.
"Saan?"
( reunion )
"Kayo ba?"
(Oo naman. sama ka na dali) sasama ba ako?
"sige na nga. wala naman ako gaanong ginagawa eh text mo nalang sakin yung venue" para na din malibang libang ako.
(sige sige. See you there) iend ko na.
"sino yun anak?" tanong ni lola
"si paulo po. inaaya ako sa reunion" tugon ko.
"pumunta ka para malibang ka ang busy mo na kasi eh." binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. ganun din ang ginawa niya.
* *
pov luke
"Claire! Gumaganda ka yata ah." sigaw ng babaeng malapit lang yata sa kinatatayuan ko ngayon. Nandito kaya talaga si Claire?
"Hoy mokong!" bati sakin ni Liza habang magkahawak sila ni Paulo.
"Nandyan si Claire ah." sabi ni Paulo. Mind reader yata tong mga to eh. Haha.
"talaga." maikli kong sagot. parang bumabalik nanaman ulit ang dating sakit na naramdaman ko noon.
Pumunta muna ako sa garden at dun nag pahangin saglit. Siguro dahil na rin sa pag balik ng sakit na minsan ko na rin naramdaman.
Pinapakiramdaman ko ang mga hangin na humihigip sa aking katawan. Ang simoy ng hangin na aking nararamdaman na tila baga na ma rerelax ka na para bang wala kang problema sa buhay.
" badtrip talaga. " ika ng isang babaeng malapit sakin na tila nilalabas ang ka badtripan niya.
" Claire? " hindi ako sigurado pero tingin ko siya yun.
" Ayy! Ikaw pala yan Luke. "
" kamusta ka na? "
"Ayos lang. "
Sa sandaling ito nananatili sa aming dalawa ang katahimikan. Ano ba pwedeng itanong? isip isip..
"Ah Luke may girlfriend ka na ba?" Girlfriend? di ko alam kung ano man ang gusto niyang malaman parang may iba :3
"W-wala. b-bakit?" nauutal kong sabi.
"wala lang." walang gana niyang sagot bat ba lagi nalang ganito? Ayoko na! :3
"sige. may gagawin pa pala ako see you around." nagpaalam na ako. wala namang patutunguan yung conversation. Masasaktan lang din ako pag nagtanong ako kung may boyfriend na siya.
"Oh bakit pre?" tanong sakin ni Paulo.
"Ah wala." ngumiti ako na para bang walang nangyari.
"Di mo tatapusin to?"
"Di na." at umalis na ako. Ayoko ng maraming sinasabi.