CHAPTER 21 – The Crazy Hunter
Amber’s POV:
Hinigit kaagad ni Knight ang braso ko at dali-dali kaming tumakbo papalayo sa lugar na iyon nang biglang humablot si Maxine ng isang itak habang tumatawa ng parang isang baliw.
Para na siyang halimaw. Hinding-hindi mo na makikita ang maamong mukha sa kanya noong unang araw na makita ko siya. Nasisiraan na talaga siya ng bait. Lalong lumalakas ang pagtawa niya sa tuwing nararamdaman ang sakit mula sa natamo niyang sugat.
Hinawakan ko ang kamay ni Knight nang maramdaman kong bumabagal ang pagtakbo niya. Kailangan naming makawala kay Maxine. Nakakatakot siya! Nakakita ako ng bakanteng kwarto kaya pumasok kaagad kami ni Knight doon at agad-agad kong nilock at hinarang ng mga mesa at upuan.
Sinubukan kong buksan ang mga bintana pero hindi ko mabuksan. Tuluy-tuloy ang pagkalampag ni Maxine sa pinto. Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa sobrang hingal at sa sobrang takot. Para na rin akong mababaliw!
Kumuha ako ng matibay na bagay at pinaghahampas ang mga bintana. Kailangan na naming makaalis dito dahil pilit talagang binubuksan ni Maxine ang pinto habang tumatawa.
Lalo kong nilakasan ang paghampas sa bintana at tinulungan na rin ako ni Knight hanggang sa mabasag iyon. Sakto namang nabuksan ni Maxine ang pinto kaya dali-dali kaming tumalon ni Knight. Tinulungan ko kaagad si Knight na makatayo at tumakbo na kami papalayo papunta sa library.
Napalingon pa ako ng Maxine na nakatayo lang sa bintana na may matalim titig sa amin at nakangisi. Napatigil kami ni Knight sa pag-aakalang hindi na susunod sa amin si Maxine pero nanlaki ang mga mata naming nang bigla siyang tumalon mula doon.
Hell no!
“Amber, tara na! Kailangan na nating umalis.”
Tumakbo kaagad kami ng mabilis papunta sa library. Inilock naming ang pinto at itinuro sa akin ni Knight ang daan papunta sa cafeteria. Secret passage? Sumusunod lang ako sa kanya. Binilisan pa naming ang pagtakbo namin.
Sana lang ay hindi na kami masundan pa ni Maxine.
3rd person's POV:
Pagkarating nina Knight at Amber sa cafeteria, dali-dali silang nagtago sa mga counter nang makarinig sila ng mga boses sa labas.
Unti-unting bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong cafeteria at napangisi na lang nang makita niya ang kanyang kaibigan, Si Maxine. Nakatayo ito sa gilid habang may hawak-hawak na itak at duguan dahil sa natamo nitong sugat sa mata. Hindi napansin ni Maxine ang presensya nito kaya't agad niyang nilapitan.
"Our poor little Max." Bulong niya nang makarating siya sa gilid ni Maxine at hinaplos-haplos pa ang pisngi nito. "Sinong lapastangan ang may gawa nito sa iyo?"
"Si Amber." Unti-unting lumingon sa kanya si Maxine at sumilay ang mga ngiti sa labi nito. "Yung mga mata niya, napakaganda."
"Very well then. Tutulungan kitang makuha ang gusto mo."
Napasinghap at nanlaki ang mga mata ni Amber dahil sa mga narinig niya. Napatakip ang kamay niya sa bibig at napapikit ng mariin. Hindi niya lubos maisip na mawawala ang mga paningin niya sa marahas na paraan. Maingat na sinundan ng tingin ni Knight sina Maxine na naglalakad patungo sa pinto kung saan galing ang kaibigan nito.
Nang makasiguradong wala na sina Maxine, agad silang tumakbo sa isa pang malapit na counter. Narinig nilang bumalik na sina Maxine kaya’t napatakip sila ng bibig nila. Nakatalikod sa direksyon nila sina Maxine kaya dali-dali silang tumakbo papalabas ng silid na iyon at dumiretso sa labas ng building.
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
غموض / إثارةBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."