..
pov claire.
Nasa bahay ako umiiyak.
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. mahal ko na ba si luke? :3
"Anak. Bat malungkot ka?" nag aalalang tanong ni lola jen.
"Bat niyo po nasabi lola?" tanong ko kaagad ko namang pinunasan ang luha ko.
"Iniisip mo pa rin ba si Ken. Huwag ka ng malungkot nandito naman ako eh." naiiyak ako kay lola. Kahit kailan talaga kilalang kilala niya ako. Si ken ang unang lalaking nanakit sa akin. Akala ko totoo pag mamahal niya yung bestfriend ko pala gusto niya ayun lumipat ako ng school para maka move on pero hindi, andito pa rin yung sakit.
"Lola. Natatakot po akong magmahal muli. natatakot po akong masaktan" di ko na napigilan ang luha ko.
"Huwag kang matakot sumubok ulit anak. Kailangan nating masaktan para matututo tayo sa pag ibig. parte yan ng pag mamahal anak pero wag kang matatakot, matututo kang maging malakas sa harap ng iba. hindi mo ako maiintindihan ngayon pero kapag ikaw mismo ang naka realize ng lahat malalaman mo rin ang sinasabi ko sayo." pangangaral ni lola. Sa totoo lang di ko talaga siya maintindihan siguro dahil ako yung nasa sitwasyon. Diba ganun naman yun magaling mag advice ang mga taong wala sa sitwasyon? sana balang araw malaman ko na rin yung sinasabi ni lola.
pov luke.
"ano bang problema mo pre? Kagabi ka pa ganyan?" Paulo. nasa cofe shop kami ngayon.
"Pag tinanong ka ba ng isang babae na kung may girlfriend ka na ano ibig sabihin?"
"Si claire yan no?" pang asar to :3
"sagutin mo nalang." badtrip.
"ewan ko. tanong mo nalang kay liza. mahal mo pa ba?"
"di naman nagbabago yun."
"O yun naman pala eh. edi ikaw na gumawa ng move."
"what if she ignored me again?masasaktan nanaman ako katulad ng dati." sumbat ko sakanya.
"Hi babes!" sigaw ni Liza. Di na rin ako nakatiis wala na rin naman ako mapapala sa mga to umalis na ako.
Sa aking paglalakad naisipan kong pumunta sa roof top ng school. Kadalasan namang walang tao dun kaya mabuting makapag isip isip ng mag isa.
Pagbukas ko pintuan ay agad akong tumingala at pinagmasdan ang kalawakan. Makikita mong tila payapa ang langit animoy isang lugar na walang kalungkutan. Kasiyahan para sa mga tumitingin ang tanging inaasam. Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni ay may narinig akong umiiyak na babae. Di kaya may tao dito? Hinanap ko sa pamamagitan ng aking pandinig ang boses mula sa babae at napagtanto ko na isang babae nga. Isang babae na labis kong minamahal mula sa simula pa lamang. Isang babaeng binaliwala ang lahat ng pagsusumikap ko. At isang babae na sinaktan ako ng lubos.
"Claire?" ani ko. di siya tumitingin sakin. Alam kong si Claire yun kahit nakatalikod.
"Bat umiiyak ka?" muli kong tanong.
"Bakit ba kasi kailangan pang masaktan pag nagmamahal? Pwede bang puro pag mamahalan nalang." ani niya ng di lumilingon sa akin.
"Hindi ko rin alam kung bakit eh. Basta kahit masaktan ako ok lang wag lang masaktan ang mahal ko." sabi ko. sana alam mong ikaw ang pinatatamaan ko.
"ang swerte naman ng baba--" natigilan siya dahil siguro nalaman niya kung sino ang nasa likod niya.
Nagkaroon nanaman ng isang makapal na katahimikan sa gitna naming dalawa.
"Claire" pang basag ko ng katahimikan. Tumingin naman siya ng nagtatanong na tingin.
"Claire. Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" tanong ko. Alam kong medyo feeler ang dating ko at alam kong nabigla siya pero wala eh yun ang gusto kong itanong.
she sigh. "Hindi kita sinasagot noon kasi ayokong masaktan. Hindi kita kinakausap kasi alam kong masasaktan ako. At hindi ko rin kayang mahalin ka katulad ng pagmamahal mo sakin dahil natatakot ako, natatakot akong masaktan muli." maiiyak iyak niyang sinabi. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak, ang sakit palang makita mong umiiyak ang mahal mo.
"Akala mo ba claire Ikaw lang ang nasasaktan? Akala mo ba ikaw lang nahihirapan? Ako din. Sobra pa nga eh. Pero tinitiis ko yun kasi mahal kita madalas naiisip ko tumigil na lang pero kapag sumasagi sa isip ko na minahal kita di ko iyon nagagawa. Madalas kong hinihiling sa Diyos na sana kahit saglit lang mahalin mo naman ako. Sana maha---" natigilan ako sa sinabi ko dahil Niyakap ako ni Claire. Kinagulat ko ang pangyayaring yun. Ni minsan di ko nahawakan kamay niya ni isang hibla ng bukok di ko nagawa. Kahit ito lang gawin araw araw pwede na siguro akong mamatay. Hahaha joke!
"Mahal kita. Mahal kita Luke Alcantara. I dont care how it hurts but I just want to love you forever." ani niya habang yakap yakap pa rin ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayon iiyak ba ako? magiging masaya? Hay. T-T
"Mahal na mahal din kita Claire Lorenzo." Yun na lamang ang nasabi ko. Ang sarap sa feeling na mahal ka ng mahal mo.
Author's Note:
Hiiiii guys! :)
pangit po ba? comment niyo po please thanks :) tska vote rin.