Beat the Player -One -shot

3.8K 14 5
                                    

Dedication: Para sa anak ko sa mission. Inspired ito ng love story nia. Lia, I miss You!

Sobra ang pagtataka ni James Ferrer nang tawagan siya ng kanyang kaibigan, sinasabing pumunta siya sa kanilang tambayan. Ayaw na sana niyang paunlakan ito dahil abala siya sa pag re-review. Subalit nang malaman niya na emergency, napilitan na rin siyang pumunta.

“Anong nangyari?” bungad niya. Natahimik siya nang makita ang isa sa kaniyang kabarkada na umiiyak.

Sa kanilang limang magkakaibigan, ito ang pinaka matino. Masipag itong mag-aral, mabait na anak at palasimba pa. Ito rin ang joker ng barkada kaya hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

“Andrew, bakit ka umiiyak?” tanong ni James, umaasa na malaman kung ano ang nangyari.

Hindi naman magawang makasagot ng lalaki. Nanatili itong nakaupo sa sofa habang nakasapo ang magkabilang palad sa noo. Tuloy tuloy ang agos ng luha nito.

Tiningnan ni James ang iba pa niyang mga kaibigan.

Ang lahat ay tahimik. Takot sila na magsalita dahil baka mas lalong maiyak ang kanilang kaibigan.

“Ano ba talagang nangyari?” napataas na ang tono ni James. Hindi niya gusto na magmukhang tanga lalo’t siya lang ang walang alam sa nangyari.

Sa wakas ay nagsalita ang isa sa kaibigan niya na si Crichton.

“Bin-reak siya ng girlfriend niya.”

Hindi pa natatapos sabihin ni Crichton ang salitang girlfriend ay tumalikod na si James para umalis.

“Hoy sandale!” awat ng dalawa pa sa mga  barkada niya. “Ano ka ba namn James, talaga bang hindi mo man lang dadamayan itong kaibigna natin?”

Bigla nang lumakas ang pag-iyak ni Andrew.

Napabuntong hininga si James. “Akala ko naman napaka siryoso ng nangyari, bin-reak lang pala siya ng gf niya. Just move on, tapos.”

“Para namang ang bilis gawin non, palibhasa kasi hindi ka pa nagkaka girlfriend, kaya mo nasasabi yan,” giit ng isa sa barkada niya.

Naningkit ang mga mata ni James. “Hindi ko kailangan magkaroon ng pormal na relasyon para malaman ang dapat gawin,” pagyayabang niya sabay tingin kay Andrew “Andrew, ang mabuti mong gawin kalimutan na yung babae at humanap na ng iba.”

“Hindi mo naiintindihan…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Andrew.

Muling tumahimik.

Naging kataka taka para kay James ang katahimikan na iyon. May bigla siyang naisip na tanong.

“Sandale, sino ba ang girlfriend na nang-iwan sayo?”

“Si Julia,” matipid na sagot ni Andrew.

“Si Julia?” ulit ni James.

“Oo, si Julia nga, si Julia Crisanto.”

Doon na mas naunawaan ni James kung bakit ganoon na lang kung makaiyak ang kaibigan.

Sa 20 taon na existence ni James sa mundo, ngayon lamang siya nakakilala ng babaeng kagaya ni Julia. Hindi niya pormal na kilala ang dalaga, pero marami siyang naririnig tungkol dito. Classmate sila sa ibang subject kaya nagkakausap sila, pero napakadalang noon. 

Hindi slut si Julia kagaya ng ibang pakalat kalat na babe sa campus nila, sa katunayan, kabaligtaran dahil kahit marami itong naging boyfriend ng sabay sabay ay never naman daw naka score ang mga ‘yon sa kanya.

Sa madaling salita, si Julia ang klase ng babae na talagang tipo at habulin ng mga lalaki. Maganda, sexy, matalino, mayaman at napaka hard to get. Idagdag mo pa ang pagiging pranka. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Swerte ang lalaking maka date niya, lalong swerte kapag sinagot niya. Pero isang maling pagkakamali lang, mang-iiwan na siya.

Beat the Player -One -shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon