Chapter 19: Surprise Attack

1.6K 62 29
                                    

Zyra's POV 👑

"Akira Saeire Gin Rissette Lozano of Last Section. Please proceed in front." Parang nabingi ako sa narinig ko.

Hanggang ngayon ay wala parin si Akira. Nagka-tinginan kaming lima pero walang mahanap na sagot sa iisang tanong na nasa isipan namin. Napa-tingin din kami sa gawi ng mga Royalties at nagulat kami dahil naka-tingin din sila saamin na wari'y nagtataka. Biglang sumiklab ang kaba sa dibdib ko kahit na hindi naman dapat. Ilang minuto na ang lumilipas at kung ano-anong bulungan na naman ang naririnig namin.

"Nako, umatras na 'yon! Hahahaha."

"Sa duwag ba naman ng babaeng 'yon, eh."

"Mahina pa. Hahahaha. Baka umiyak lang 'yon sa stage."

"Hahahaha. Baka magkalat lang siya."

Napa-tiim bagang ako sa mga naririnig ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako nila Fiona.

"Hayaan mo nalang muna sila. Alam naman nating hindi ganon si Akira." Naka-ngiting sabi ni Neshka kahit na halata naman itong pilit.

Tinawag na naman ang pangalan ni Akira pero wala paring pumupunta sa stage. Ang ingay na ng paligid dahil sa mga bulungan. Pero hindi naka-ligtas sa mga mata ko ang isang taong biglang tumayo mula sa pinaka-sulok ng arena. Napansin ko agad siya dahil sa kulay itim niyang cloak, at naka-taklob pa sa ulo niya ang hood nito. Unti-unting tumahimik ang mga estudyante dahil naka-tingin silang lahat sa taong dahan-dahang naglalakad na parang papunta sa stage.

 Unti-unting tumahimik ang mga estudyante dahil naka-tingin silang lahat sa taong dahan-dahang naglalakad na parang papunta sa stage

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa tapat na siya ng barrier at biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagka-tanggal ng hood niya. Agad na inalon ng hangin ang napaka-habang buhok nito na kulay dark blue at may highlights na kulay gray at light blue. Hinawi ng babae ang kanyang buhok at nagulat kaming lahat sa taong 'yon.

Si Akira lang naman! Ang taong nawawala ng ilang araw at pinag-alala kami ng todo! At ngayon ang cool niyang sumulpot na parang walang nangyari?! Pero ang angas ng dating niya, ah. May hangin epek pa. Hahaha. Tinitigan ko si Akira at napansin ko na parang may nag-bago sakanya. Iyon ay ang buhok niya! Wala naman siyang highlights, eh! Pero hindi ko na 'yon pinansin pa dahil napa-titig ako sa mukha niya.

Ang mga mata niyang karaniwang may buhay, ngayo'y wala kang mababakas na kahit anong emosyon. Tikom ang bibig na dapat ay may ngiting naka-lagay dito. At ang pang-huli ay ang aura niya na kasing lamig ng yelo. Bigla akong kinilabutan habang naka-tingin lamang sakanya. Halos ibang tao na ata ang nasa harap naming lahat ngayon.

"Ang sarap makinig sa mga bulungan niyo, lalo na't ako mismo ang bida na pinag-uusapan niyo." Malamig na tugon niya na nagbigay kilabot saaming lahat. Nakita kong napa-singhap ang karamihan. Naramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko sa batok.

Nakaka-takot, ayan lamang ang nasa isipan ko habang tinitignan ko siya. Parang ibang tao na siya, hindi na siya yung Akira na nakilala namin. Nagulat ako ng tumingin siya sa gawi namin na mga barkada niya.

Heroes Academy: Not An Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon