"Oh anu ng sabi? "Ang nakapamewang na wika ni Beeya sa kaibigan matapos nitong ibaba ang telepono.
Katatawag lang nila sa probinsya para magpadala ng mga prutas sa Manila.
Kararating lamang nila galing sa airport. Next week na nman ang sunod nilang sakay sa eroplano. Kaya gusto sana nilang magpacargo ng prutas galing mismo sa probinsya nila.
"Kung gusto raw natin makatikim ng mga prutas tayo raw ang dapat umuwi at mamitas! "Nakasimangot na turan ng kaibigan sa kanya.
"Anu?! Eh noon nga nagpapadala nman sila ng kusa rito ah kahit di nman natin sinabing padalhan tayo rito ng kahit anu. Bakit ngayon mukhang nagpapapresyo ang mga iyon?! "Nanlalaki ang butas ng ilong na wika ni Beeya rito sa kaharap.
"Nagtataka nga rin ako eh. Do you think may nilalaga silang plano about sa ating dalawa? "Matamang tanong ni Carly sa kanya. Napatapik tapik na ito sa chin na tila nag-iisip.
"How do we know if we won't pay them a visit? "Saad nyang napangisi bigla. Napunit nman ang isang masupil na ngiti sa labi ng kausap saka napangisi ng malasatanas.
"Hmmm, you have a point sweety. Why not have a one week vacation in our province! And pay them a surprise visit?"Palatak nito saka sya tinitigan ng makahulugan.
"I know that smile! "Wika nya sa kaibigan at napangisi sya ng malaki rito.
Halakhak lang ang isinagot nito.
Alam na ang magiging drama nila pagdating sa probinsya."Anung reaksyon ni Carlo? "Excited na wika ng ama ni Beeya.
"Tatawag na lang raw sya uli."may ngiti sa labi nyang wika sa matalik na kaibigan.
"Alam mo nman na di pwede kina tatay at nanay na magkasama ang dalawang iyon sa iisang bubong. Aba! Kung di pa natin nalaman na nagsasama na pala silang dalawa di pa tayo makakaisip na itali sila ng tuluyan! "Wika ni Gilbert ama ni Carlo.
"Tama lang nman pare ang gagawin natin sa mga bunso nating anak. Nasa tamang edad na rin nman sila para magkapamilya. At isa pa ,sila lang nman ang pwede nating ipagkasundo dahil sila na lang ang wala pang pamilya. "Sang-ayon naman ni Hilton ama ni Beeya.
"Kelangan natin pulungin ang bawat pamilya mamaya. Kelangan sumang-ayun ang mga magulang natin sa ating naisip Hilton. "Saad nito sa kaibigan.Ang kanilang mga ama ay matalik ring magkaibigan. Galing Luzon napadpad sa dakong Mindanao ang dalawa. Dahil noon kung ano kalayo ang matatanaw ng iyong mga mata ay sya rin ang lapad ng iyong pag-aari.
Nagtulungan ang dalawang magkaibigan na gawan ng bakod sa pamamagitan ng pagtanim ng tanim na pananda ang lupang pag-aari. Saka nila ito hinating dalawa.
Di man nauna ang magkaibigang Carlos Lazaga at Gerardo La Vida ngunit malapad rin ang kanilang naging pag-aari sa usaping lupain. Katunayan dalawa na lamang sila ang may pinakamalapad na lupain sa kanilang lugar.
Pinagyaman nila iyon at tinaniman ng ibat ibang klase ng prutas. Di man nakapag-aral sa kolehiyo ang dalawa marami nman silang natuklas at napag-aralan sa bawat pagtatanim na ginagawa.
Hanggang makapag-asawa ang mga ito at magkaanak ng pareho ring lalaki.
Tanging isang anak lamang ang biniyaya sa kanilang magkaibigan.
Kaya nman ng lumaki ang mga ito at makapag-asawa doon nman dumami ang naging anak ng anak nilang sina Hilton at Gilbert. Parehong lima ang kanilang anak na may mga asawa na maliban sa kanilang bunso na ngayon nga ay nasa Manila .
"Wala man lang nabago ang probinsya natin Carly. Pareho pa rin sa dati. Tahimik at walang kaingay ingay sa daanan! Kulang na lang ata may humabol sa atin ng tagak dito anu. Baka biglang maglabasan ang mga kababayan natin sakali"Komento nya sabay hampas sa balikat nito at napatawa sa kaibigan habang sakay ng tricycle pauwi sa farm nila.
Di sila nagasundo dahil di rin naman sila nagpaabisong uuwi.
Surprise visit nga ang ginawa nilang dalawa.
"Aray! Kung makahampas ka sa balikat ko tila mababali sa lakas mong makahampas! "Reklamo nito. Napa sign peace lang sya rito saka binigyan ito ng apologetic na ngiti.
"Bakit di muna tayo dumaan sa pataniman ng prutas bago natin harapin ang mga madamot na iyon. "Suhistyon nman ni Carly sa kanya ng muli itong magsalita.
"Oo nga noh! Brainy ka talaga Carly my loves! Sige,dating gawi. "Ang napahagikhik na wika ni Beeya sa katabi.
"Ah manong diretso po tayo sa pataniman ng durian. "Ani ni Carly na ngayon ay boses lalaki na ang pagsasalita.
Tanging sa harap ni Beeya lamang sya babae ang tinig. Closet queen sya dahil kapag nalaman ng pamilya nito. Mata nya lamang ang walang latay sa kanya. Saka di pa kasama ang pagtatakwil sa kanya ng sariling pamilya na ayaw nilang parehong mangyari. Kahit sa kanilang trabaho lihim rin ang pagiging binabae nito. Sa loob lamang ng apartelle nilang magkaibigan ito naglaladlad.
Hinatid sila sa plantasyon ng durian. Dahil papahapon na iyon at wala na ang mga trabahante doon kaya malaya silang makakakuha ng mga prutas.
Dumaan sila sa likurang bahagi ng farm na di masyadong tinatambayan ng mga nagtatrabaho sa farm nila Carly.
Tanging ang farm nila Carly ang mayroong durian na tanim. Iba nman kasi ang pananim sa farm nila Beeya.
Tuwang tuwa ang dalawa sa mga nakuhang durian sa ilalim ng puno nito. Sila ang naunang nakakita sa mga nahulog na durian. Alam nilang maya maya may mga trabahante na mamumulot noon kaya bago pa sila maunahan pinagtulungan na nila iyong ipuslit palabas ng farm.
Nagtungo silang dalawa sa paborito nilang pagtaguan noon. Ang malinis na sapa sa pagitan ng dalawang farm kung saan bihirang puntahan ng mga magsasaka.
May maliit na kubo roon na ginawa pa nila hanggang ngayon naroon pa rin di na nga lang kagaya noon na maayos pa rin. Luma na iyon at medyo marumi pa kaya pinagtiisan na nilang pahingahan hanggang matapos silang kumain ng mga ninakaw nilang durian.
Wala silang pakialam kahit kasama iyon sa inventory ng durian na aanihin.
"Am full! Thank you may beloved durian! "Wika ni Beeya sa durian na balat at buto na lang ang naiwan nakaubos sila ng anim na bunga niyon.
Tigtatlo silang magkaibigan.
"Ako rin busog at bundat! Gosh! Masisira ang figure ko nito! "Maarte nitong bulalas.
"Sige mag-inarte ka riyan kapag ikaw nahuli ewan ko na lang sayo! "Nakapamewang na sita ni beeya sa kaharap.
"Oopps!sorry... "napatawa nitong wika saka sila tumayo at itinago ang mga pinagkainang durian kahit alam nilang di nman matatago ang amoy niyon.
"Uwi na tayo at matulog! "Wika ni Carly sa kanya. Akbay sya nito habang bitbit nitong lahat ang mga gamit nila. Tig-isang knapsack bag lang nman sila na malaki. But di alintana ni Carly ang bagay na iyon. Dahil mas mabigat pa ang makukuha nya kapag nabisto ang gender nito sa kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)
Romance#1-hideandseek #1-gaybestfriend #1-domineering #1-hiding "Want some fun huh? "Anitong tunog insulto kay beeya. Matapos syang hagurin nito ng tingin. "Well yes. If you're willing."ang nabigla at malandi nyang wika kahit kabado sya. Para syang nagisi...