KACHAKAHAN 13

1K 23 0
                                    



Chapter 13

Mag fast forward tayo mga beshie ahh, padaliin natin ang life ko sa VBL, alam nyo naman, epal tong otor na to, gusto pinapadali angbuhay ng mga charactres sa kwentong ginagawa nya. May lakad yata mga beshie.

Its been three months, mula nang napadpad ako sa VBL na may 15th floor building. Sa loob ng tatlong buwan ko sa company na to ay hanggang 5th floor lang ako dahil sa di ko trip pumunta sa itaas, nandun kase ang mga may mataas na pwesto sa company na to. At ang VBL building na aming ginagalawan ay hindi lang basta VBL kundi hide out ito ng bampira sa La Luna Sanggre, kasapi si boss Terrence ng kampon ni Supremo, pero ecthus lang yun. Ang sixth floor hanggang pataas ay reserve daw para sa akin, pero charot lang yun dahil iyun ay pinapa rentahan nila sa may gustong mag transact ng business. Ohh di ba ganyan ka bongga ang VBL na pinag ta trabahuhan ko, pero mga beshie ten years operating palang sila, at first three years nila ay naka pasok lang naman sila sa top 100 na most bought magazines pero hindi naglaon ay bumaba ang ranko nila dahil sa madaming kompetensya, ang iba ay sinisiraan pa sila at balita ko ay may spy daw silang nahuli mula saibang company na nag panggap as one of the employee, kaya hayun pinakulong nila ang namong yun. KAya mga beshie pahirapan ang makapasok sa VBL dahil sasabak ka lang naman sa ilang test para tanggapin ka. Thankful nga ako mga beshie dahil di ko napagdaanan ang mga yun, if ever siguro na sumabak ako sa ganyang test, sa face palang di na ako tanggap.

Sa loob ng tatlong buwan na pag work ko mga beshie ay nakabili ako ng laptop, naka bili ng mamahaling phone, naka bili ng mga damit na bagay sa ka chakahan ko. Nakabili din ako ng gamit sa bahay like sofa, flat screen tv na bagay sa dibdib ni Marisa at pinagawan ko na din ng bahay ang pusa namin para sya nalang ang makakaamoy ng tae nya if ever. At ng inay Maring ko naman ay feeling close na sa akin, hindi na nya ako inaaway at kinukontra. Minsan ay hinahayaan na nya akong awayin ang kanyang anak basta ba't may 5k sya taga buwan. May sahod sya mula sa akin mga beshie to make away her only one child na si Marisa. At si Marisa naman ay wala ng magawa kundi mag paaway nalang dahil sabi ng mudra nya ay magpa api nalang daw sya sa akin para every month may 5k si inay Maring syempre share sila dun, kaya ginawa ng side line ni inay Maring at Marisa ang mag pa-api sa akin.

At dahil mga beshie na crush kong tunay si Terrence at pinapantasya ko na sya gabi-gabi ay nag pagawa ako ng sketch nya. Kuha yung picture nya na yun mula sa kanyang picture sa fb nya mga beshie, hehehe. Mga tatlong talampakan ang taas nun at dalawang talampakan ang haba, syempre nilagay ko yun sa kesame mga beshie. Kaya every time na bad mode ako, pagod or tinatamad bumangon sa umaga ay tumitingala ako kaagad sa kesame para maka kuha ng enerhiya mula sa hubad na sketch ni Terrence ko, wow maka angkin ehh no.

Wala ding makakapansin ng sketch na yun dahil hindi naman kesame ang tinitignan ng mga tao na pumapasok sa room ko, kundi ang drawer ko, cabinet ko at ilalim ng higaan ko kung may pera bang naiwan. Minsan nga mga beshie naabutan kong yukot-yukot ang higaan ko na halatang may hinahanap na ano mang bagay. Minsan ang damitan ko wala na din sa ayos, at ang drawer ko minsan ay bukas na din. Wala din naman akong ibang suspect mga beshie sa kaguluhang yun kundi si Marisa, sya lang naman ang may gawain ng ganun, Kahit sa mudra nya ay ginagawa nya yun. Kaya nung minsang badtrip ako sa kanya mga beshie ay naglagay ako ng pa-in, Yung mouse trap. Yung kapag natabig mo yun ay maiipit kaagad ang kamay mo, kaya hayun naglagay ako ng dalawa sa cabinet ko, isa sa loob ng drawer ko. At nang umuwe ako mga beshie ng bahay ay nadatnan ko si Marisa na may elastic bandage ang kanyang kamay. Kaya alam na ang nangyare nga beshie.Grabe nga ang tawa ko nun nang nakita ko sya sa ganong itsura.



Mga beshie minsan na din akong nagpakulay ng buhok at remember nyo pa ba ang sinabi sa akin ng aking amain noon sa akin? Mukha daw akong poon na naglalakad. Kaya this time mga beshie ay nagpakulay ako ulit pero hindi na tulad ng dating kulay pang buhok ng poon. I chose mga beshie na mag pa high light nalang tulad ng sa bes kong si Ela. Yung nasa dulo lang ng buhok ang may kulay, kulay dilaw yun. At nang pumunta ak sa parlor para mag pakulay mga beshie ay samo't saring pang ukray ang narinig ko sa mga palaka sa parlor.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang