James

9 1 0
                                    

It will be the last retouch. Isang lipstick na light pink for this night's date. I want it to be simple but elegant. I'm wearing an off shoulder white dress made of cotton na sakto lang hanggang sa aking tuhod. Nakalugay lang ang buhok ko na pinakulot ang dulo and ito na. Aura na 'to just like yesterday. 

Kinuha ko na agad ang phone ko at binasa ang new text message galing sa date ko for tonight. He is Miguel Antonio Neverisa. Anak ng General Manager ng Perfect Spies, isang restaurant na ang specialty at Southeast-Asian cuisine. My favorite. Chibog time na naman ako girl. 7:00pm na so pumunta na ako sa sasakyan para hindi naman ako late sa meet-up namin  sa branch na siya ang may-ari malapit lang dito sa Batangas. 

Makakalibre na naman ako ng kain katulad kahapon at nung isang araw. Yes mahirap maging maganda pero it's not about that kung bakit ako naaya sa date. Hindi naman ako sobrang ganda pero  iba ang ganda ko, iba din aura ko, matindi ang level ng confidence ko and higit sa lahat I have a good living. I'm independent and I live alone. I guess this is what makes them ask me for a date but who knows. 

After kong ma-ipark ang sasakyan. Dumiretso na agad ako sa restaurant. I knew the specific sit I have because the waiter seems to know me and guide me directly to my table. In less than 5 minutes, presenting Mr. Miguel Antonio Neverisa, by his looks he's around 29 years of age. Tamang laki lang ng katawan and pwede na but I don't like his smell. Masyado matapang perfume niya. Masyado siyang malinis sa mukha at parang laging nagpapaderma, daig pa ako. Pasensya na kayo kung mukhang mas na-point out ko yung downside niya base sa observation ko. I'm an event organizer and mostly I facilitate date/engagement settings. That's my hobby turned into a business. And ako mismo madami na na-idate. And to sum up my dating life, I'm tired of those whom I meet. Hindi lang naman ako nakikipag-date dahil gusto ko kumain, I simply want to be in a relationship. But maybe finding it isn't what I'm supposed to do kasi I know that this date with this man na ngayon masyadong pulido ang buhok, tingin ng tingin sa iba and dalawa-dalawa ang sing-sing sa mag kabilang kamay, pa-charming lang. Pero katulad kahapon, inenjoy ko nalang ang pagkain. 

"So did you enjoy?" Ngingiti  niyang tanong sakin. 

"Ang sarap ng food niyo dito. Nakakabusog. Thank you ah!" Tapos kumaway na ako at dahan-dahan bumaba sa hagdan papunta sa parking. 

"Let's go out again tomorrow." Tanong na sinabi niya. "Naku sorry ah. Busy na ako eh. Nice meeting you though." At patakbo na akong lumapit sa sasakyan ko dahil may naranasan na ako na hinabol pa talaga ako.

Pagkarating ko sa bahay agad akong nagpalit ng komportableng damit. Lumapit ako sa desk ko at hinanap yung special kong notebook. Habang binibilang ko ang pahalang na linya sa kategoryang "Dates", inilinya ko na gamit ang lapis ang ika-48 na date ko ngayon gabi. "Ano na pa-48 na sawi pa din ako. Bwisit. huhuhu!" 

Kailan ba ako makakakita ng taong mamahalin ako. Choosy ako pero hindi, gets niyo? Kayo ba masaya kayo sa love life niyo? Gaano na kayo katagal? 

Bago ako matulog chineck ko muna sa phone ang facebook ng pangalawang ex ko. Ayun, ikakasal na pala siya at invited ako. Friends kasi kami. Nakaka-inggit kasi masaya na siya, kailan kaya ako sasaya? Pero di ako nasasaktan ah kasi maayos kaming naghiwalay. Talaga lang dumadaan ako sa punto ng buhay na nasaan na ang superman ko. 

Pero meron akong crush eh, Si Markus. On call Photographer namin. Hindi rin kami madalas magkita kasi taga Manila siya at on call lang talaga kung sakaling wala si Jenny na talagang photographer/bestfriend ko na jusko may sakit na't lahat ayaw pang umabsent di ko tuloy matimingan si Markus. 

Alam na alam din ni Jenny ang istorya ng buhay ko. Ubos na rin ang irereto niya sakin dahil masyado daw akong choosy pero sabi ko nga  hindi nga ganon. At tsaka may benefit din naman na nakakadami na ako ng date kasi hindi na ako yung blurr pagdating sa gusto kong makasamang lalaki kasi nabubo na siya. 

Kailan kaya mabubo ang pangalan ko, James Antonnette Roces ________ ?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Counting DatesWhere stories live. Discover now