Sh*t. Ang sakit ng ulo ko. Ano ba nangyari kagabi? Bakit parang ang sikip? Tsaka bakit parang may nakayakap sakin? Ang sarap nun pagkakayakap ha. Teka, teka lang talaga. WAAAAAAAA! Si ALEX!!!!! :O >________________<
“HOY ALEXANDER!! MANYAK!! ANONG GINAGAWA MO DITO?!! AT NAKAYAKAP KA PA TALAGA SAKIN?! MANYAK MANYAK!! LUMABAS KA SA KWARTO KO!!” Kumalas ako sa pagkakayakap. Walang hiyang Alex ‘to. UGHHH!!!
“Tsk, ano ba yun? Ang aga aga, sumisigaw ka nanaman. Tulog muna tayo.” Hinila niya ko, sabay yakap. Nag pumiglas naman ako.
“Anong tulog?! Lumabas ka sa kwarto ko!! Labaaaaas!!!!”
“Ano ba yan, inaantok pa ko e.” Nag rereklamo ka pa. Tsk!
“Wala akong paki! Lumabas ka ng kwarto ko! Ngayon din! Kung ayaw mong mapalayas sa pamamahay ko. Labas!” Parang ang O.A ko naman? Lol, haha.
“Sus, napaka sungit! Iyakin naman.” Iyakin daw? Ha? Pinagsasabi nito?
“Heh! Layas! Alis alis!!” Tinutulak ko siya papunta sa pinto.
“Aalis na nga dba? Tsk.” Aba, siya pa bad trip? E ang manyak kaya niya! Tama ba yun? Lakas pang maka-yakap. Tsk!
Teka, hindi naman ito yun suot ko kagabi ha? Tsaka wala akong damit na ganito. Hala? Anong ginawa niya sakin? May nangyari kaya? Ano ba ‘tong pinagiisip ko.
Wala! Walang nangyari, edi sana? Ugh, ano ba kasi nangyari kagabi? Bakit di ko maalala? Ang alam ko lang, umiinom ako, tapos dumating siya. Di kaya nalasing ako?!
Sh*t! Kaya pala ang sakit ng ulo ko! Waaa! Ano kayang ginawa niya sakin?
Ni-rape niya kooooo! Walang hiya siya!! HUHU. Rapist!!!! :(((((((
Wala na pagkababae ko! <////3 Mapuntahan nga siya sa kwarto niya, nako talaga Alex!!
“Alexanderrrrrrrrr!!!!!”
“Anong problema mo?!” Binuksan niya yun pinto. Aba, galit pa. Siya na nga ‘tong may kasalanan sakin, siya pa galit?
“Anong ginawa mo sakin kagabi, ha?! Manyakis ka! Pinagsamantalahan mo ko habang lasing ako!”
“Hahahahahahaha! Nakakatawa ka Mau!” Tumatawa pa siya? Iba talaga ‘to! Tinawag niya kong Mau? Isang tao lang ang tumatawag sakin niyan.
“Ang kapal ng mukha mo! Tumatawa ka pa!” Naiinis ako ah. Grrrr! At eto nanaman yun pag lapit niyang nakakatunaw ng pagkatao. Sabay bulong.
“E pano, kung may nangyari nga satin kagabi? Ang sexy mo pala talaga. Haha!” Sabay ngiti ng pang manyak.
“LUMAYAS KA NA DITO!!!!!” Sinigawan ko siya, habang pinagsusuntok.
“Aray, ang sakit ha. Tsk. Biro lang! Di ako ganun.” Sh*t, pinag tripan pa ko.
“E bakit ganito suot ko? Kanino ‘to? Bakit ka nasa kwarto ko? Anong ginagawa mo dun? Anong nangyari?!”
“Teka, isa isa lang.”
“Sabihin mo na kasi! Pag di mo sinabi, papalayasin na talaga kita dito!”
“Kagabi, lasing ka. Nag iiyak ka pa nga. Nun dadalin na kita sa kwarto mo, bigla kang sumuka. Alangan na patulugin kita ng may suka yun damit mo, syempre, pinalitan ko damit mo. E, naka lock yun cabinet mo, kaya damit ko muna pinasuot ko sayo. Ano, okay na?”
“Umiiyak? Bakit? E bakit di ka pa umalis nun nakatulog na ko? Nun napalitan mo na damit ko?!”
“Binantayan kita. Iyak ka kasi ng iyak. Baka kung anong gawin mo, kaya yun, hinintay muna kitang makatulog. Hindi ko namalayan, nakatulog na din pala ako.”
“Bat ako umiiyak?”
“Ewan ko. Wala. Di ko alam.”
Umiiyak? Bakit? Tsk. May na kwento kaya ako sakanya?
Hala, anong dahilan bakit ako naiyak kagabi? Ay sh*t! Alam ko na! May 1 pala kahapon! Tsk. Bakit di ko naalala agad?
Na kwento ko kaya lahat? Nakakahiya. Ano nalang magiging tingin niya sakin ng dahil dun? Hay, bakit pa kasi ako uminom kagabi. :(
“O, anong nangyari sayo? Tumayo ka nga dyan.”
“Eeeh, nakakainis!” Sinusuntok ko yun sahig, para akong bata ng nag ta-tantrums
“Haha, ang cute mo, para kang bata. Tumayo ka na dyan.”
“Nakakainis! Anong nalaman mo sa mga kwinento ko?” Nakakainis talaga. Ang tanga tanga ko. :(
“Wala. Wala kang kwinento. Tara na, kain na tayo. Pag luluto kita. ^_^” Umupo siya sa harap ko, yun parang skwat, tas kinurot yun ilong ko.
“Naiiyak ako. :(“
“Wag ka ng umiyak. Nandito naman ako. Di ko gagawin yun sayo. Haha!” Ano daw? Edi may nalaman nga siya? May nakwneto nga ko? Hayssss!!
“Heh! Naiinis ako sayo!”
“Bakit? Wag mo ng isipin yun. Tara na.” Tumayo na siya, at inabot yung kamay niya sakin. Kinuha ko naman at tumayo na rin ako.
“Ang lakas kasi mag inom e, di naman pala kaya. Tsktsk.” Hay, nang asar pa. :(
“Wag ka na ngang mang asar dyan!”
“Oo na, hindi na po. O, anong gusto mong breakfast? Dali, pag luluto kita. :)”
“Kahit ano.” Wala ako sa mood, hay. Para akong magkakasakit.
“Dali na naman, ano nga? Dali.” Nag pa-cute pa sa harap ko.
“Kahit ano nga, basta makakain.”
“Hay, ang sungit. Sige, bacon and egg nalang, then fried rice, okay na ba yun?”
“Kahit ano po. Kakainin ko.”
At ayun, nag luto na siya. Ang bango nun fried rice, nagugutom na tuloy ako. Tagal niya mag luto, anong oras na, may pasok pa ko.
Pero hindi pa naman late, kaya okay lang. Parang nakakatamad pumasok, kaso sayang sweldo. Wala rin naman gagawin dito, papasok nalang din ako.
“Bacon with egg and fried rice for my princess. Kain na!” Princess, tsk.
“Tigilan mo nga ko dyan sa princess na yan!”
“Ay nako, nag sungit nanaman. Kain ka na, oh, here’s the airplane..” Ano ba naman ‘to, ginagawa akong bata!
“Kaya kong kumain mag isa.”
“Dali na, subo mo na ‘to, please?” Ay, nag pa-cute pa. Subo ko na nga lang, ng tumahimik na.
“Ayan, very good, oh, eto pa.” Nawili lang kakasubo? Tsk.
“Tama na, kaya ko mag isa. Kumain ka na dyan.”
“Sige. ^___^” Buti naman at tumigil na, bakit ba ang saya nito palagi? Wala ba ‘tong problema? Nasan kaya pamilya nito? May trabaho ba ‘to?
“May pasok pala ako ngayon, ikaw na bahala sa bahay.”
“Papasok ka? Baka masakit pa ulo mo? Di ka ba nagkaroon ng hang over?”
“Okay lang ako, madadaan sa gamot yan.”
“Sure ka? Gusto mo hatid na kita mamaya?”
“Okay nga lang ako, kaya ko mag isa.”
“Anong oras ka uuwi mamaya?”
“Di pa nga ko nakakapasok, uwi agad? Pwede papasukin mo muna ako?”
“Sabi ko nga e, amin na yan. Ako na magliligpit.”
“Okaaaay.”
Hinayaan ko na siya, ayoko ng makipagtalo, masakit ulo ko. Wala rin ako sa mood. Maliligo na ko at papasok. Hay, stress na nga dito sa bahay, stress pa sa trabaho. Buhay nga naman!
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
JugendliteraturNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...