Chapter Two: Beginnings (Part One)

32 0 0
  • Dedicated kay Butchok Dayawon
                                    

Author's Note:

Yung totoo? Kada chapter na lang may A/N? -___- Eh ganun talaga. Papansin yung author eh! Hahahaha! Pasensiya na sa mga masugid kong tagahanga (baka meron?) kung ngayon lang ulit nakapag-update. Estudyante mode kasi nung mga nakaraang buwan eh. Anyway, eto na! Enjoy! :D

--

Ever since that night, I sweared on my parent's grave that I will get my revenge for them.

Hindi ninyo ako masisisi kung lumaki akong cold and distant sa mga tao. Pakiramdam ko kasi wala na akong ibang taong mapagkakatiwalaan bukod sa sarili ko. Trusting other people will just make you weak and eventually they will take advantage of that weakness to destroy you.

*flashback*

A week after malibing nila mommy at daddy, I feel that I was so alone in my life. Wala na ang mga taong pinakamahalaga saken. I don't know what to do anymore. I just want to be in my room forever and die thinking that I could be with my parents again. Wala na kong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak kahit sobrang maga na ng mata ko. Hindi ko na rin ginustong kumain dahil wala akong gana.

*tok tok tok*

Ayan na naman si nana selya.. Pipilitin akong lumabas ng kwarto ko kahit ilang libong beses ko na sigurong sinabing ayoko.

"Pat-pat! Please naman ohh? Wag mo ng pag-alalahanin si nana. Lumabas ka na jan oh? Kumain ka na." Obvious na sa boses niya na naiiyak na siya sa pag-aalala saken. Tss. As if may pakialam ako?

"Go away! Ayoko ngang kumain! Not until my mom and dad comes here and eat with me!" Hindi ba nila maintindihan yon? Yun lang naman ang gusto ko eh kahit alam kong hindi na mangyayari yon. Hindi na babalik sila mommy. Gusto kong tanggapin but I just can't. I still feel na nanjan lang sila.

"Pat-pat naman! Kaya nga nandito si nana di ba? Sabay tayong kumain. Ipinagluto pa nga kita ng mga paborito mong buttered shrimp tsaka crabmeat eh! Sige na naman pat-pat?"

"Nana ayoko nga! Alin ba sa ayoko ang hindi niyo maintindihan?"

*end of flashback*

Lumaki akong puro galit ang nasa puso ko. Pati pakikitungo ko sa mga taong nagmamalasakit sa akin kagaya ni nana selya ay hindi na maganda. Hindi na ako gumagalang sa mga nakakatanda sa akin at nagsimula na akong maging walang-modo sa mga nagsisilbi sa bahay namin.

*flashback*

First day ko sa Elementary School na matagal ng  inayos nila daddy bago pa sila mawala. Sinabi na rin nila sa akin noon na hanggang High School ay nakaayos na ang mga papers ko sa mga papasukan kong eskwelahan. Hindi naman sila nangangambang babagsak ako kasi I promised them when they're still alive na mag-aaral akong mabuti and I will not let the name of our family down. Yung sa College ko naman daw ay bahala na ako kung anong pangarap ko sa buhay at gamitin ko na lang ang iiwan nila sa akin.

"Bye Sir Patrick! Galingan niyo po ha?" Bati ng driver namin na naghatid sa akin.

"Pat-pat makipagkaibigan ka ha? Tapos smile lang ng smile! Sayang naman yung namana mong killer smile sa daddy mo." Dagdag naman ni nana selya.

"Tss. Would you stop calling me that stupid nickname? And wag nga kayong makialam kung anong gusto kong gawin! Leave me alone! Just come here on time before our class ends." Sagot ko sa kanila.

Malungkot nila akong iniwan pagkatapos nun. Nasanay na silang lagi kong sinisigawan kaya hindi na sila nagagalit kahit hindi man lang ako nagpopo. Yun na lang siguro ang tangi nilang magagawa para sa akin para kahit papano ay hindi ko maramdamang nag-iisa lang ako. Well, in my case, I will be alone forever. I think.

You Take My Breath AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon