Chapter 13: That awkward moment

91 2 0
                                    

Ang boring naman. Walang magawa dito sa office, wala ba silang papa-research sakin? Wala bang shooting ngayon? Sana pala nag stay nalang ako sa bahay, ang sakit pa din ng ulo ko. Hay, pero okay na din na nandito ako.

At least, wala yun asungot na Alexander na yun. Medyo tahimik buhay ko ngayon. Anong oras na ba? Lunch na ata? Ayt, 15 minutes pa, okay lang, di pa naman ako gutom. Nakakabusog yun breakfast kanina e, bacon and egg. Haha! Nakakatuwa din naman si Alex, kaso ang kulit, kaya minsan nakakaasar na.

“Tara Hanna, lunch na tayo.” Yaya ng co-worker ko.

“Sige, busog pa ko. Una na kayo.”

Hayy, uwi na kaya ko? Kaso ayoko pa siyang makita. Ano kaya dahilan kung bakit ako naiyak nun nalasing ako? Dahil kaya kay ano? May 1 kahapon, baka nga dahil dun.

Sana naman wala akong na kwento na kung ano kay Alex, for sure, pag tatawanan niya ko kapag may nalaman siyang hindi dapat. Di talaga ako mapakali. Wala, wala akong nakwento. Okay lang yan Hanna, kalimutan mo na yun, wala lang yun.

“Hi Miss Hanna Maureen Mendoza! Delivery po para sayo.”

Huh? Delivery? Di naman ako nag pa-deliver ha? Wag niyong sabihin na si asungot nanaman ‘to? Psssh. Kailan ba siya mawawala sa landas ko?

“Ikaw Alexander Joseph, di mo ba ko—“ Di ko na natuloy yun sasabihin ko. Bakit siya nandito?

“Gulat ka? Hehe. Sino si Alexander Joseph? Bago mo?

“Ah, wala yun, kaibigan ko lang yun.”

“Sus, kaibigan daw. E bakit mo aakalain na siya ako?”

“Kaibigan nga lang yun, hehe. Wala naman, wag mo nalang pansinin.” Bakit ba siya nandito? Pagtapos ng lahat? Tsk!

“Sige, sabi mo e. Lunch oh. Alam ko favorite mo ‘to.” Wow. Nag abala pa siya ng lunch, ano kaya gusto nito? Makikipag balikan ba siya? Nako, wag na no! Naka move on na ko sakanya, naka move on na nga ba? Hay.

“Salamat, nag abala ka pa. Napabisita ka ata?

“Okay lang, na miss lang kita. Haha. Tsaka may pinuntahan kasi ako, e malapit lang naman dito sa building niyo, kaya naisip ko na puntahan ka na din.” Sus, na miss daw. Nagawa mo ngang iwan ako e!

“Aah, ano naman yung pinuntahan mo? Tara, kain tayo.”

“Work? Sige lang, tapos na ko. Kamusta ka naman?”

“Ako, eto, okay lang naman. Medyo stress dahil sa work, pero kaya pa naman.” Hindi dahil sa work e, dahil sa isang tao! Amp.

“Lagi ka nanaman puyat no? Tsk. Tignan mo eyebags mo, ang laki na. Ilang kilo na kaya yan? Tara, pakilo natin. Haha!” Hay sus, nang asar pa, pero namiss ko to. :) Medyo nawala sakit ng ulo ko.

“Haha, grabe ka naman. Syempre, puyatan talaga. Alam mo naman ‘tong trabaho ko.” Grabe. Na-miss ko talaga siya, sana kami nalang ulit. Hay.

“Bakit kasi yan pa trabaho mo? Basta, wag mong kakalimutan mag pahinga ha. Baka naman pinapabayaan mo sarili mo, tignan mo nga, ang payat mo na.” Ay, concern siya. Sana ganyan ka din nun tayo pa.

“Ganun talaga. Mahal ko naman e. Oo, sobra sobra na nga ko sa pahinga e. Haha.” Kung alam mo lang nangyari sakin nun iniwan mo ko. Tsk.

“Ah, teka ha, sagutin ko muna ‘to.”

Sino kaya yun? Bago niya kaya? Kala ko pa naman may pag-asa pa. Bakit nga ba ako aasa pa? Isang taon na din, malamang may nahanap na siyang iba.

Sa dinadami ng babae sa mundo, di pa kaya siya makakahanap? Nakuha niya nga kong ipagpalit ng dahil sa isang sayaw lang e, ngayon pa kaya na malaya na siya. Hayaan ko nalang siya, kung saan siya masaya, dun ako.

“Maureen.”

“Oh? Ano yun?”

“Una na ko ha. Kailangan na ko sa trabaho ko e.” Kailangan daw sa trabaho, baka ng babae mo! Bakit ba ko nag seselos? Wala na kami, tama na Hanna!

“Aah, osige. Salamat sa lunch.”

“No prob. Anytime. By the way, yun pa din ba number mo?”

“Yup, yun pa din. Text or tawag ka lang.”

“Sige. Una na ko, ingat ka lagi.”

“Sige, salamat ulit. Ingat ka din. Bye.”

Umalis na siya. Hay, hindi sapat ang ilang minuto na nakasama ko siya. Sana naman mahaba haba yun oras na nagkasama kami.

Sana may next time pa, kaso, asa naman ako di ba? Mukhang masaya na siya ngayon e, bakit pa niya babalikan ang isang maka-sariling katulad ko? Edi naging masalimuot nanaman ang buhay niya kung sakali man balikan niya ko.

Bakit ba kasi kailangan niya kong iwan? Pwede naman ako magbago ha. Naging mabait naman ako sakanya, ang luwag luwag ko nga sakanya. Lahat ng gusto niya, nasusunod. Pero bakit iniwan pa rin niya ko? Hindi lang talaga kami siguro para sa isa’t isa.

Naramdaman ko sakanya, true love. E siya kaya? Baka isa lang ako sa mga koleksyon niya.

Hindi talaga natin alam yun takbo ng utak ng ibang tao. Kahit nga minsan, mismong sarili mo, hindi mo maintindihan.

Akala natin, yun taong mahal mo ngayon, e siya na pang habang buhay.

Ma-swerte yun iba, kasi ganun nga nangyayari, nagiging sila sa huli. Sila yun nagkakatuluyan.

E ako? Wala, akala ko siya na, akala ko kami na talaga. Pero anong nangyari? Naglaho lang ng parang bula.

Tama nga sila, hindi dapat minamadali ang pag ibig, kung para sayo, para sayo talaga. Ibibigay yan sa tamang panahon, oras, at kung handa ka na sa mga consequence na pwede mong makuha pag nagmahal ka.

Bakit ba ganyan ang pag ibig? Minsan, ang saya saya, parang ang sarap ma-in love. Minsan naman, sinusumpa, kasi nasaktan tayo.

Hay ang gulo!

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon