ALEXANDER’s POV:
Sino kaya yun lalaki sa office niya kanina? Baka yun yung EX niya? Kung yun nga, sasapakin ko talaga yun pag nakita ko siya ulit.
At kung siya nga, ay ang kapal lang ng mukha niya! Pagkatapos niyang iwan si Hanna, gaganun ganun siya ngayon? Pagkatapos niyang paiyakin at paluhurin sa harap niya, aasta siya na parang okay lang ang lahat.
Kung alam lang niya kung gano kadami yun iniyak ni Hanna kagabi ng dahil sakanya. Tsk! Naiinis ako! Ito naman si Hanna, nakikipag tawanan pa! Ganun nalang yon? Pagkatapos siyang paiyakin at iwan, ganun siya makikipag usap? Ganun nalang siya makikisama? Kalokohan! Psssh.
Bakit ba ko nagkakaganito? Ano ko ba siya? Tsk. Tsaka di naman ako sigurado na EX nga niya yun.
Bahala nga siya sa buhay niya. Naiinis ako, sayang yun niluto ko para sakanya, para sa lunch niya.
Hindi naman masarap yun kinakain niya kanina, take out, ang daming preservatives. E yun sakin? Home made, mas masarap! Ba naman ‘to! Bat ba ko nagkakaganito? Grrrrr!
“I’m hooooooome!” Saya niya ha? Ano kaya nakain nito? Tsk.
“Umuwi ka pa.” Naiinis talaga ako.
“Bawal umuwi?! Baka pamamahay ko ‘to?”
“Sabi ko nga, tsk. Ang saya mo ata?”
“Halata ba masyado? Hahaha, e wala naman. Ganun talaga buhay. Haha.” Pss. EX nga niya siguro yun kanina, hay! Grr!!
“Pangit mo.”
“WOW! HIYANG HIYA NAMAN AKO SA KA-POGIAN MO!”
“Mahiya ka talaga.”
“Bakit ba ang sungit mo ha?!”
“Wala. Tsk.”
“Sus, ang sungit! Ano ‘to?” Tinutukoy niya yun parang lunch box na nasa lamesa, yun dapat na para sakanya.
“Wala yan.”
“Ano nga? Buksan ko ha.”
“Bahala ka.”
“Pagkain? Bakit di ubos? Di pa ata nagalaw? Ikaw gumawa? Haha, ang cute ha.”
“Pano mauubos yan, e yun DAPAT na kakain niyan kanina e may kinakain na. Ang saya saya niya pa nga kanina, tsk. Puro preservatives naman yun kinakain niya. Pssh.”
“Ha? Alam mo, hindi kita maintindihan. Para kanino ba yan?” Malamang, sayo! Hay nako.
“Wala.”
“Ha? Siguro para sa girlfriend mo yan no? Yieee.” Nang asar pa!
“Wala akong girlfriend.”
“E para kanino nga kasi yan dapat?” Ang kulit naman nito, di ba siya makaramdam, di ba niya maramdaman na para sakanya yun?
“Sayo! Ano, okay na? Nasagot na mga tanong mo?”
Pagkatapos kong sagutin yun tanong niya, umakyat na ko. Naiinis talaga ako, nag seselos ba ko? Tsk. Hay. Ngayon ko lang ulit naramdaman yun ganito.
Siya? Ayun, natulala, natahimik. Nakakainis ka Hanna!
HANNA’s POV:
Para daw sakin? Seryoso ba siya? Ang sungit niya ngayon ha. Baka nga para sakin yun? Assuming ko naman. Pero sabi niya e?
Gulo naman nun. Kung sakin nga yun, edi ibig sabihin nandun siya kanina? Nakita niya si? Hala! E ano naman kung makita niya? Ano ko ba siya dba? Sus, hayaan ko nalang nga siya.
Basta masaya ako ngayon. Hihi. Medyo lang, pero okay na din yun. Di ako maka-get over, nagkita kami ulit. Dinalhan pa niya ko ng lunch. Ang saya! :”)
Teka, kumain na kaya yun si Alex? Dahil masaya ako ngayon, i-tretreat ko siya! Hehe.
“Alex?”
“Oh?”
“Tara kain tayo.”
“Ayoko.”
“Dali na, samahan mo ko.”
“Ayoko sabi.”
“Please?”
“Ayoko pa din.”
“Dali na oh, di ako aalis dito, sige ka.”
“Edi wag.” Aba! Ang tigas ha! Hmp.
“Ano ba yan! Bahala ka na nga dyan! Minsan lang manlibre e.”
“Okay.” Hays! Ang sungit naman niya! Naiinis na ko ha.
“Bahala ka nga.”
“Ingat.”
“Ayaw mo talaga?”
“Ayoko nga.”
“Sige, alis na ko ha?”
“Sige.”
“Aalis na talaga ko.”
“Ingat, bye.”
“Tsk! Tara na kasi!” Yun, bumukas din yun pinto.
“Sama mo yun kausap mo kanina!” Edi nakita nga niya si? Hala.
“Sino?”
“Sus, maang maangan ka pa.”
“Wala yun. Tara na. Please?” Ayan, nag pa-cute na ko ha! Nako. Pag ito, di pa pumayag.
“Saan ba? Teka, mag bibihis lang ako.” Yes! Pumayag din, haha.
“Italianni’s tayo. Hehe.”
“Wow ha. Ganyan ba nagagawa pag nakakain ng preservatives?!”
“Ay nako, nang aasar ka pa. Bilisan mo na dyan.”
“Eto na, excited masyado.”
“Ganun talaga. Haha! Wag mo na nga akong sungitan.”
“Sus. Wala, tampo pa din ako sayo.”
Tampo pa siya? Bakit? Dahil dun sa lunch na hindi ko nakain? Edi kainin!
Ang arte niya ha. Papunta na kami sa kakainan namin, pero siya, ayun, walang imik, di ako pinapansin.
Ang big deal naman sakanya nun lunch na yun. Wag siyang mag alala, kakainin ko yun pag balik namin. Sisimutin ko pa yun lalagyan. Hay, napaka arte. Parang bata. Pssh.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...