Got myself a new book cover for DMC! Thank you so much Phonto app! ❤ HAHA Dahil jan inspired akong mag-update. HOHO 💪
°•○☆○•°
Sinusunod
KAHIT nakakahinga na ng maluwag si Ezekiela ay hindi pa rin niya mapakalma ang puso niyang kumakalabog sa kaba. Galit siya sa lalaki dahil nakuha pa nitong gawin sakaniya ang ganung bagay ng walang pag-aalinlangan. Tinulak siya nito sa pool! Oo hindi nito alam na di siya marunong lumangoy. Pero how could a man do that kind of thing? Wala talagang galang ang Alpha na ito! Siya pa man din ang tinuturing na leader ng grupo nila ngunit di naman umaakto na parang isang leader!
Nakahiga ito sa tabi niya habang parehas silang may mabibigat na hingang pinapakawalan. Basang-basa parin dahil wala ni isa sakanila ang may balak ng tumayo para makapagbihis at makapag-ayos.
Ngayon ang mas malaking problema ni Ezekiela ay ang pamalit niya. Basa pati sneakers niya! San nga naman siya kukuha ng damit eh sarili niya lang naman ang dala niya maliban sa isang sando, towel and tubig na nilagay niya sa bag niya. Di naman niya kasi planong magtagal dito, no! Eh dahil sa kumag na binata ay namomoblema tuloy siya ng susuotin.
Naunang nakabawi sa nangyari sakanila si Junex. Agad itong tumayo at tinitigan si Ezekiela na hayun pa rin at nakahilata sa sahig.
"Wala kang balak tumayo?"
Nagngitngit ang kalooban ni Eze nang marinig ang sinabi ni Junex. How dare he! Talagang sinasagad nito ang pasensya ko!
Tumayo na siya para ipakita sa lalaki na galit siya. Teka bakit nga ba niya kailangan pang ipakita eh halata namang walang pakialam to sakaniya?
Ngumuso ng pagkatulis si Ezekiela saka naglakad palayo sa binata. Malaki ang problema niya ngayon dahil wala siyang susuotin. Pwede naman sigurong umuwi siya ng basa. Tutal naman ay maysarili naman siyang sasakyan. Kailangan nga lang niyang isakripisyo ang upuan ng sasakyan niya, na leather pa man din!
DI MAIWASAN ni Junex ang mapangisi sa itsura ng babae. Nagkandahaba-haba ang nguso nito na parang bata dahil sa lalo niya pang pangiinis dito. Oo malaki ang kasalanan niya sa dalaga. Pero di naman niya kasi maiwasang tuksuhin ang dalaga lalo na at natutuwa siya sa pinapakita nitong reaksyon sakaniya.
Napailing na lamang siya sa sarili. Hindi niya talaga maipagkaila na mayroon namumuong atraksyon siya para sa babae. At hindi niya rin maipagkaila na wala siyang balak na pigilan ang sarili. Malaki ang kuryoso niya sa dalaga. Para itong malaking puzzle na hangga't hindi niya nabubuo ay hindi niya titigilan.
He only knew her name. Wala ng iba. Kaya sino ba naman ang hindi magkaroon ng curiosity kung ang tanging alam mo lamang sakaniya ay pangalan niya. At alam niyang hindi rin papayag ang dalaga na magkaroon pa si Junex ng impormasyon na patungkol sakaniya.
Unless. Kung papaimbestigahan niya ito diba?
Napailing na lamang muli siya sa naisip. Hindi maari. Ano na lamang ang sasabihin niya sa mga kasamahan? Tanging si Meek Kael lamang ang makakatulong sakaniya sa ganitong bagay. At ito ang huling taong hihingan niya ng pabor dahil alam niyang aabutin siya dito ng tukso at di rin magtatagal ay paniguradong malalaman rin kaagad ng buong grupo un. Knowing Dan Drexel and especially, Beta. Luluha ang mga tala kung hindi siya nito bwisitin ng ilang linggo. Swerte na lamang niya kung may misyon sila at paniguradong kakalimutan muna nila ang panunukso at magfofocus sa misyon.
Kaya, siya na siguro ang bahalang magimbestiga sa babae. O, mas mabuti siguro kung hayaan niyang magsabi ito? Na mukhang imposible ngang mangyari dahil sa sobrang taray ng abogada.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...