KILIG CII AQUOH (One Shot)

43 1 0
                                    

Kuyaaaaa!" sigaw ko kay kuya sa hindi kalayuan. Kasama niya ang mga kaibigan niya.

Lumapit sila sa pwesto namin. Lunch break kase e. Kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Bakit? Azriella" tanong ni Kuya sa akin.

"Nasa iyo daw ang lunch ko" sabi ko. Tinignan ko yung mga tropa ni kuya.

Transferee ako sa school na to. Pero si Kuya ay Grade 10 na at mula Grade 7 ay dito na siya nagaaral. Ngayon grade 9 na ako ay saka lang ako lumipat dito.

Galing ako sa ibang bansa doon ako nagaral. Kasama si mommy. Pinagamot niya kase ako. Yes, pinagamot ako. I am a cancer survivor. Last year pa yun. Then nung bakasyon ay umuwi na kami dito.

"Oo bibili pa lang ako e. By the way mga kaibigan ko si Marcus, si Troy at si Euan" turo niya sa kasama niya.

"Mga pre kapatid ko si Azriella" sabi naman ni kuya.

Pagtingin ko ulit sa mga kasama niya ay napako ang tingin ko kay Marcus. Chinito, maputi, matangkad, ang tangos ng ilong ang pula ng labi. Mala-oppa mga bes. ANG GWAPOOOOOO

Tinitignan ko lang siya ng bigla din siyang napatingin sa akin. Tumaas ang isang gilid ng labi niya. Umalis na sila ni kuya para bumili sa canteen ng pagkain.

"Ang pogi ni Marcus no?" sabi ni Eukie na katabi ko ngayon.

"H-huh?" tanong ko.

"Wushuu kunyare ka pa! Kita namin ni Agatha yung pagtingin mo kay Marcus" sabi ni Eukie.

"Tsk. Anong pake ko dun!" sabi ko.

"Dito daw sila kakain e" sabi ni Agatha.

"Lolo mo!" sabi ko.

"Oo nga sabi ng kuya mo ayan mga bag nila oh!" sabay turo niya sa mga bag nila. Halaa oo nga bat di ko napansin yun.

Maya maya pa ay dumating na silang apat. Dala ni kuya ang pagkain ko.

Magkatabi si Eukie at Agatha samantalang nasa harap nila ako. Sa kabilang side naman ng table ay nakaupo si Euan at Troy. Tas sa kabila si Kuya pero dun niya nilagay yung mga bag sa tabi niya.

Naiwang nakatayo si Marcus sa may gilid ko. Nakita ko siyang napakamot sa ulo niya at umupo sa tabi ko.

Di ako makagalaw bes. Kinikilig ata cii aquoh. Binigay ni kuya sa akin ang pagkain.

Ngunit nalaglag yung kutsara nung pagkain ko. Wala na akong gagamitin. Huhuhu.

"Oh, ito na lang gamitin mo" inabot ni Marcus yung kutsara niya sa akin.

"Ayieeeee, kilig cii aquoh!" sabi nila Troy at Euan.

"P-paano ka wala kang gagamitin?" tanong ko sa kanya.

"Hintayin na lang kitang matapos" ngumiti na lang ako sa kanya at kumain na. Bahala siya.

"Pre wala ka talagang balak magGirl Friend?" tanong ni kuya kay Marcus.

"Oo nga, grade 10 na tayo e wala ka pa ring girlfriend kahit isa" sabat naman ni Euan. Nakikinig lang ako.

"Di pa daw pwede e" sabi ni Troy.

Natawa naman ako.
"Seriously? Di ka pa pwedeng magkagirlfriend?" di ko mapigilan na magtanong.

"Hindi, ibig sabihin ni Troy di ka pa pwedeng magboyfriend" sabi ni Kuya sa akin.

Uminit bigla ang pisngi ko.
Kunot noo kong tinignan si Marcus at di siya makatingin sa akin.

"Wushu, sabihin mo bawal pa siyang maggirlfriend. HAHAHAHAHA" sabi ko para maitago ang pamumula ko.

Kilig Cii Aquoh  (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon