What Love Is? Presents: INFATUATION
One-Shot #1 - Her Effect (KimXi)
Characters:
Kim Chui - Nica Zandoval
Xian Lim - Remy Gonzales
"Ang ganda talaga ni Nica Zandoval." yan na lang ang tanging nasabi ni Remy habang nakatitig sa isang babae sa loob ng cafeteria nila.
"Pinagpapantasyahan mo nanaman ba si Nica? Bakit kaya di mo lapitan, hello? Nandiyan lang kaya siya sa kabilang table."sabi naman ng kaibigan nyang si Princess.
"Nahihiya kasi ako sa kanya eh." napakamot na lang siya sa ulo niya, hanggang ngayon kasi, natotorpe pa rin siya sa kaklase niyang matagal na niyang pinagpapantasyahan.
"Bahala ka nga dyan Remy! Kung ayaw mong kumain bahala ka dyan. Pabayaan na natin to Princess." sabi ng isa pa nilang kaibigan na si Lorenz.
*Kriiiiiiiiingggggggggggg! *Kriiiiiiiiingggggggggggg! *Kriiiiiiiiingggggggggggg!
"Pano ba yan tumunog na yung bell? Mauna na kami sayo bro!" sabi ni Lorenz.
"Teka san kayo pupunta ni Princess?" tanong naman ni Remy.
"Ikaw talaga Remy! Napaghahalataang wala ka sa tamang pag-iisip eh. Iba talaga epekto sayo ni Nica. Kanina pa namin pinag-uusapan yung dahilan kung bakit kami pinapatawag sa Dean's Office." paliwanag ni Princess.
"Ah yun ba, sige na mauna na kayo. Ingat kayo ha?" pagsasawalang-bahala ni Remy.
"Wag kang gagawa ng katangahan ng wala kami bro ha?" sabi ni Lorenz at umalis na sila.
Pagkatayo ni Remy para sana tignan si Nica, wala na to sa inuupuan niya.
"May gusto ka kay Nica no? Kanina mo pa siya tinitignan eh." sabi ng isang unknown na babae.
Bigla namang napatingin siya sa babae.
"Hi, I'm France. Remy right? Bakit ba kasi andami nyong nagkakagusto dyan kay Nica eh ang sama-sama naman ng ugali niyan." sabi ni France.
"I don't talk to strangers. Sige I'll go ahead na." sabi ni Remy.
"Binalaan na Remy! Mag-iingat ka!" sigaw ni France.
***
"Ang lalim nanaman ng iniisip mo bro!" sabi ni Lorenz.
"Ha? Malalim ba?" tanong ni Remy.
"Oo kasi di mo na naiintindihan yung sinasabi namin, oo ka pa rin ng oo." sabi ni Princess.
"Bakit ba ano bang sinasabi nyo?" sabi ni Remy.
"Wala, nevermind." sabi ni Princess.
"Eh ikaw ba anong iniisip mo? Si Nica nanaman?" sabi ni Lorenz.
"Part of that si Nica, pero ang iniisip ko talaga yung sinabi saken ni France." sabi ni Remy.
"Si France? As in si Francine Mendoza Salvador, na dating best friend ni Nica na ngayon kabambangan na niya?" sabi ni Lorenz.
"Ayos ka bro ah! Kaaway ba ni Nica yun?" sabi ni Remy.
"Magkaribal ngayon sila sa school crowd at sa popularity." sabi ni Princess.
BINABASA MO ANG
What Love Is? (One-Shot Fan Fiction Collection) ON-GOING
FanfictionIn love? Broken hearted? Hopeless romantic? One-sided love? LDR? It's complicated? In a relationship? Single? Whatever your relationship status is, you can relate with any of these stories! Enjoy reading together with your favorite showbiz...