Preface - Chapter 1

1.1K 19 0
                                    

PREFACE:

Sa mundo nating ito ay may mga nilalang na hindi natin ka-uri..

Mga nilalang na pawang sa imihinasyon lang at mga kwento natin natatagpuan..

Subali't, paano kung totoo o tunay ang mga nilalang na ito??

Matatakot ka ba???

O tatanggapin na lang ang katotohan na hindi lang para sa tao ang mundong ito.

Kaya mo kaya silang tanggapin at mahalin??.. .. ..

KABANATA 1

Handang handa na si Ramil sa pagpasok sa unang araw niya bilang Fourth Year High School Student. Habang nagbibihis siya ay naglalaro sa isipan niya si Mika. Nananabik siya'ng Makita ang dalaga at muling makasama sa apat na ding-ding ng silid-aralan. Si Mika ang Ultimate Crush ni Ramil buhat pa ng sila'y elementarya, ngunit wala siya'ng lakas ng loob na lapitan ang dalaga. Para sa kanya ay Langit at Lupa ang pagitan nila sa isa't-isa.

Galing kasi sa isang mayamang pamilya si Mika, samantalang siya naman ay sa isang mahirap na pamilya nagmula. Matagal na niya'ng tanggap na magkalayo ang estado nila sa buhay at marami'ng beses na rin niya'ng sinubukan na iwasan ang dalaga, ngunit hindi siya nagtatagumpay. Para kay Ramil ay isang uri ng magnet si Mika na kahit ilang beses niya subukang lumayo ay sa harapan pa rin ito ng dalaga bumabagsak.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa taglay na ganda ng dalaga. Halos lahat ng Estudyanteng Lalake sa kanilang paaralan ay siya ang pinapantasya at hinahangaan. Si Ramil naman ay isa lamang simpleng Estudyante. Matangkad, kayumanggi ang kulay ng balat at mukhang Nerd dahil masyadong makapal ang grado ng salamin nito. Lingid sa kaalaman ng binata na naiirita si Mika sa kanya. Dahil kahit anong gawin ng dalaga ay hindi niya matalo-talo ang binata sa klase.

Mula ng Elementary hanggang High School ay pangalawa lamang siya kay Ramil at yun ang ikinaiinis niya. Ang Ama kasi ni Mika na si Antonio De Los Santos ang nagmamay-ari ng Paaralan nila.

Nag-iisang anak ang Dalaga kaya naman lumaking Spoiled Brat ito. Lumaki siya'ng nasusunod lahat ng kanyang gusto at tanging ang pagiging numero uno sa kanilang klase ang hindi niya makuha-kuha mula kay Ramil.

Palabas na ng bahay si Ramil nang salubungin siya ni Diana na kanyang kababata at matalik na kaibigan.

"Bezzy, Goodmorning!!" bati ni Diana na abot tenga ang ngiti.

"Abah! Mukhang maganda ang gising mo ngayon ,Bez."

"Oo! Dumating na kasi ang Mama ko galing Hong Kong, eh."

"kaya naman pala eh, uy! Chocolate ko ha?."

"Bakit? May pinatago ka bang Chocolate sa'kin?" pilosopong sagot ng Dalaga.

"Ah, ganon?? O sige, magkalimutan na tayo." Seryosong sagot ni Ramil habang nakanguso.

"Hahahaha!! Peace, Bez!! Napaka-seryoso mo'ng tao!"

Isang Domestic Helper ang Ina ni Diana. Dalawang taon din silang nagkahiwalay mag-ina kaya naman sobrang masaya ang dalaga at nakauwi na ang kanyang Ina. Ulila na rin siya sa Ama tulad ni Ramil, pero nagsikap at nagsakripisyo ang ina niya para maipagpatuloy ni Diana ang pag-aaral kahit nasa ibang bansa ito.

Ilang sandali lang ng paglalakad ay narating na ng magkaibigan ang paaralan nila. Subalit hindi maintindihan ni Ramil ang Kaba na nararamdaman niya habang palapit sila ng palapit sa kanyang silid-aralan.

"kinakabahan ako, Bez." Pagtatapat ni Ramil sa kaibigan habang sila'y naglalakad.

"bakit naman, Bezzy?"

Midnight Romance (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon