4th Dear

23 4 1
                                    

"Good morning class" bungad ni Miss Agatar pagpasok niya ng classroom.

"Good morning Miss." sabay tayo at sambit ng lahat.

"Oh... who are you Mister? And why are you sitting on mah' chair?" mataray na tanong nito kay Idon'tknow boy ng makita niya ito sa kaniyang upuan.

Nag-cross arm ako sa bungad na 'yun ni Miss at tumingin kay IDKboy. Ito na ang inaabangan ko. Wahahaha!

"Good morning Miss, I am Reign Amiel Marco. Your new student." Tumingin muna siya sa akin ng masama bago siya nagpatuloy. "I am sitting here because that girl..." sabay turo niya sa akin. "..told me to."

"Say whaaaaat?!" kunwaring gulat na sabi ko sa lalaking 'ito. Aba!

"Is that true Miss Era?" galit na tanong sakin ng aming guro.

"hmmm. Miss! I just did that because he is so annoying." padabog na sagot ko :/

"Don't do that again Miss Era, you should be good to him because he is a new student, but look what you did. You know that students must not be seated on teachers chair right?"

"Yes Miss." :3

"Gosh Miss Era! And You.." turo niya kay Emil ata yun. "..introduce yourself and seat next to Era."

'whaaat! it kennat be' 0.0 

Nagsmirk muna sakin si Emil  bago tumayo upang magpakilala. Ts! panget. -.-

"Good morning everyone! I am Reign Amiel Marco." pagka tapos nun ay naglakad na siya papunta sa tabi ko.

Yun na yun!? panget talaga. walang manners. -.-

Tumingin muna siya sakin bago umupo, pero inirapan ko lang siya. Bwiset 'to!

----

Nawala na ako sa mood kaya lumipas ang oras na wala akong naintindihan sa mga tinuro ng teachers namin. Tahimik lang ako at nakatingin sa kawalan.

"Oy! beshung ano tulala ka na lang dyan ganon?" sabi sakin ni Chryselle matapos kami i-dismiss.

"Bwiset kasi 'tong lalaking ito." turo ko kay Emil at tumayo na.

"What?" inis na tanong sakin ni Emil.

"Hoy ikaw Emil! Huwag mo akong ingles-inglesin ha! Hindi pa ako tapos sayo!" gigil na sabi ko sakanya.

"What Emil? Who is Emil?" gulat na tanong niya sakin. baliw 'to. Siya 'yun diba?!

"'Di ba 'yun ang pangalan mo? Duh!"

"It's Amiel.  Amiel. (Eym-yel) A-M-I-E-L! Amiel! Gets?"

"Ts. Amiel. Emil. Whatever." inirapan ko sya. " Arte arte kasing magsalita! Tara na nga." hinila ko na si Chryselle paalis.

"Ugh! Bwiset talaga 'yung Emil na yun!" sambit ko habang naglalakad kami.

"Amiel nga kasi. hahaha! Bakit ba kasi inis na inis ka dun?"

"Nakita mo naman kung paano niya ako pinahiya diba?"

"Isipin mong mabuti, wala naman talaga siyang ginagawa sayo ikaw 'tong nagsimula ng lahat."

"Hmp!  Kahit na 'no. Basta naiinis ako sakanya."

"Yie! Si Ash! The more you hate, the more you love." panunukso niya.

"Eeew. In his dreams. Baka nagagandahan lang siya sakin no? " tinawanan lang ako ni Chryselle.

-----

Nakabalik na kami sa classroom at kanina ko pang napapansin na lingon ng lingon sakin itong si Amiel.  Pft! mas ayos ang Emil.

"Pwede ba 'wag mo akong tingnan ng tingnan? Gandang-ganda ka na naman sakin e." sabi ko kay Amiel nakakainis na e, nakaka-ilang keye. enebe

"I am lookin' at the window, hindi sayo." walang emosyon na sagot niya.

"Sige na lusot na. Pwede naman na picturan mo na lang ako kung gusto mo akong titigan para hindi ka halata."

"Ganda mo e no?" sarkastikong sabi niya.

"Yeah I know. See! Gandang ganda ka sakin."

Inismiran niya lang ako at tumingin na sa ibang direksyon. Sabi ko na nga ba e, crush ako nitong si Amiel. 

-----

Nagmadali akong umuwi nang matapos ang klase namin. Kasi naman tinatawag na naman ako ng kalikasan.

"Ma! Pa! Andito na po ako." sigaw ko ng makadating ako. Nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko makita sina Mama. Wala din nasagot. Pero may nadidinig akong naiyak yata.

Nagpunta ako sa kusina ngunit wala. Sumilip din ako sa cr at sa likod ng aming bahay ngunit wala. Nasan kaya sina Mama...

Nagpunta ako sa kwarto nila pero naka-lock.

*tok tok tok*

"Ma, Pa! Andiyan po ba kayo?"

*tok tok tok*

Hindi kaya gumala sila? Daya 'di ako sinama. :3

Pero..

Baka..

Ay bahala na nga. -,-

-------
Dear myself,

        Kailangan ko na yatang mag ingat kasi nagiging praning na ako. Babawasan ko na nga ang pagkakape. I just realized na minsan tayo din ang gumagawa ng mga bagay na ikakapahamak natin. We should know first the motive of the person in front of us before we react on it.                    Myself easyhan mo lang kasi hindi nakakaganda iyan. Pero ang ganda mo pa din kasi nadagdagan na naman ang MGA nagkaka-crush sayo. Hihi!

Love,

Ashley Yumi ❤️

















Dear myself, Love, AsyumeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon