Chapter 1 - Diary

7 0 0
                                    

Setting: April 25, 2058

Ella's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ni Lola Eli, short for Elizabeth. Binabantayan ko siya ngayon. Inutusan ako nina Mama na mag-focus kay Lola Eli. Natutuwa kasi siya sakin ganun din naman ako sa kanya. Mahilig siya magjoke. Minsan sinasamahan pa niya akong maghanap ng pogi hahaha diba ang cool ni Lola. Para parin siyang teenager kung kumilos.

May pagkamysterious din si Lola. Nagtatanong ako about sa life niya. Minsan nagkwkwento siya pero madalas, mapapatulala nalang siya lalo na pag about sa teenage life niya yung itatanong ko. Halata ko rin na nalulungkot siya kaya iniiwasan ko na ring magtanong about dun.

Tinanong ko si Lola kung bakit iniwan siya ng anak niya dito sa home for the aged. Sabi niya lang sakin, pinilit siya ng anak niya na sumama sa Canada pero mas pinili parin niyang magstay dito sa Pilipinas. Nalaman ko rin na hindi pala niya yun tunay na anak, never na kinasal si Lola kaya nagampon nalang siya. Halos buong buhay niya raw wala siyang ginawa kundi magwork sa hospital, surgeon kasi siya. Alam daw niya sa sarili niya na marami siyang naligtas na buhay kaya proud daw siya sa sarili niya.

May mga pinakita rin sakin si Lola na pictures niya nung kabataan siya. Ang ganda niya sobra. Natural na wavy yung hair niya. Tama lang yung skin tone niya, hindi sobrang puti, hindi rin naman sobrang itim. Matangkad siya at matalino pa. May mga pictures siya na sinasabitan ng medals at binibigyan ng certificate for academic excellence. Mabait din si Lola kaya nagtataka ako kung bakit never siyang nagkaroon ng asawa. Gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung anong pumipigil sakin.

May katabi rin si Lola lagi na box na may lamang dalawang notebook at photo albums. Tinanong ko siya dati kung anong meron dun sa notebook na yun. Sabi niya lang, malalaman ko rin daw someday. Nagsusulat siya dun minsan. Minsan natatawa siya, minsan naiiyak. Feel ko tuloy baka lectures niya yun dati sa Biology, Chemistry or kung ano mang branch ng Science. Na baka sa sobrang sipag na studyante ni Lola, namimiss na niyang magaral *_*

Namimiss ko na si Lola. Ang tagal ko siyang binantayan pero kulang parin yung oras. Namimiss ko na mga jokes niya kahit ang corny minsan. Namimiss ko na tawa niya. Namimiss ko na lahat about kay Lola. Andami ko pang tanong sa kaniya pero hindi ko na matanong ngayon. Nasa may burol niya ako ngayon. Namatay siya nung April 22. 3 days ago. Exactly 1 month after her 70th birthday.

The night before siya mamatay, ang saya pa niya. May binigay pa siya saking necklace na may nakasabit na maliit na susi na silver.

Hindi ko naman siya kaano-ano pero ang sakit parin. Nung medyo hindi ko na kayang pigilan yung luha ko, umalis na ako sa burol at pumuntang kwarto ni Lola. Ngayon nalang ulit ako makakapasok dito since namatay siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ko parin matanggap na wala na si Lola Eli sa loob. Hindi ko na makikita yung magaganda niyang ngiti sa tuwing pupuntahan ko siya.

Hindi ko na napigilan. Kusa nang pumatak yung mga luha ko. Umupo ako sa may kama niya. Nung medyo kumalma na ako, napansin ko sa may ilalim ng unan niya yung box na lagi niyang katabi. Kinuha ko at hindi ko alam if dapat ko bang buksan o hindi. Nung nagdecide ako na bubuksan ko na, nakalock pala siya. Siguro nga ayaw ni Lola na may makabukas nun.

Halos 5 minutes din akong nakatulala nung maalala ko yung necklace na binigay sakin ni Lola na may susi. Agad kong inalis yun sa leeg ko at tinry na buksan yung box gamit yung susi. Sobrang nagulat ako nung nagbukas siya. Nagtaka pa ako kung bakit yun binigay sakin ni Lola.

Nakafold na letter yung unang bumungad sakin at may nakasulat na Ella. Binuksan ko yun at halos madrain na yung tubig sa katawan ko dahil sobrang naiyak ako sa sulat ni Lola.

"Ella. Ella. Ella. Sobrang sarap sa tenga pag naririnig ko ang pangalang yan. Mabait kang bata, Ella. Matulungin at masayahin. Never let anyone change that personality of yours and if ever you want to change yourself, make sure that it's for the better. You're the grandchild that I never had. Well, may apo naman talaga ako pero nasa Canada siya and never ko siyang nameet so technically, ikaw lang talaga yung apo na nakilala ko. We may not be related by blood but you're my family and I know that I became part of your family too. Malaki ang pagtitiwala ko na iingatan mo itong treasure na iniwan ko. Yes, pamana ko sayo lahat ng laman ng box na ito. Hindi man ito ginto, alahas or pera pero ito na ang pinakamahalagang treasure ng buhay ko at pinagkakatiwala ko sayo.

Love, Lola Eli"

Binuksan ko yung isang notebook at ito agad ang nabasa ko.

"DIARY ENTRY #1"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Diary ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon