Chapter XVII : Explanations *B*

2.1K 40 0
                                    

Chapter XVII : Explanations *B*

Still Jess' POV

Pagkatapos ng incident kanina. Narealize ko na ang taong papaksalan ko. Ang taong nakakuha ng V card ko. At ang taong katabi ko ngayon ay ang kapatid ng best friend ko, na soon to be my sister-in-law. Alam kong magkakasundo kami ni Danica pag nagka ganon. Pero itong kuya niya, palagay ko hindi. Isang malaking gulo ang pinasok ko.

Kumain kami kanina, pero hindi ako mapakali, alam ko gulong-gulo na ngayon si Danica at halatang galit siya. Kasi kahit na kumakain kami hindi parin siya tumigil sa kakatanong. Buti nalang at nandito ngayon si Steven. Kahit papaano humuhupa yung galit ni Danica sa amin.

Nandito kami ngayon sa sala nila. Ang tahimik, walang nagsasalita. Halatang walang gustong mag-umpisa.

Pero binasag ni Danica ang katahimikan...

"Kuya, Jess, it is your time to tell me the truth. Anong meron?" Halos nagmamakaawa na ang tono ng boses niya. Pero halata parin sa kanya ang galit.

"I know naguguluhan ka ngayon at alam ko mahihirapan kang tanggapin ito." Sabi ni Macky, kuya niya na katabi ko ngayon na parang cool na cool lang.

"Kuya, just please be straight to the point nalang? Anong nangyari sa inyo ni Ate George? Di'ba sabi mo kayo ang dapat ipakasal? Ano yung nakita ko kanina? At ikaw Jess, di'ba may magiging asawa kana? Tapos makikita ko kayo ng ganon! Ano'to lokohan?!" Halos pasigaw na sabi sa amin ni Danica. I know she's serious right now. Pero bestfriend hindi ko alam kung anong sasabihin sa'yo e. Sorry talaga!

Wala paring umiimik sa amin. Sinisiko kuna nga itong katabi ko. Pero tiningnan niya lang ako at binigyan ng look na nagsasabing 'shut-up! I'm thinking!'

"Princess, hayaan mo muna silang mag-explain. Huwag mo sila kaagad pagalitan. Pakinggan mo muna yung dahilan nila. Pwede? (^___^)" Biglang sabi ni Steven kay Danica. Bigala namang namula at natahimik itong kaibigan ko kahit konti. Para siyang isang tigre kanina na naging maamong pusa ngayon. I wonder kung anong nagagawa sa kanya ni Steven at napapaamo siyang ganyan. Buti pa siya! Hay!

Nananahimik siya, pero alam ko na naghihintay siya ng magsasalita sa amin.

"Oh, ngayon kuya and Jess, pwede na kayong magsalita. Hindi kayo kakainin ng katabi ko. Akong bahala."  Sabi ba naman ni Steven sa amin. Sinamaan siya ng tingin ni Danica pero ang loko naka smile parin. Ang saya niya ata? Pansin niyo? XD

Nandito na nga ako sa ganitong sitwasyon pero nagagawa ko pang mag-joke. Baliw na yata ako e. Haha! :D

Aangal sana si Danica sa sinabi si Steven. Kaso biglang nagsalita si Macky.

My Unexpected Love :"> {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon