"Mas Mabuti Na.." - Chapter 19

163 3 0
                                    

Sam's POV

Bigla akong nakaramdam ng urge na uminom nung Tanduay Ice na 'yan. Papayag kaya 'tong si Felix? O kaya naman ito si Luke? Eh, sila nga umiinom ee. Bakit ako, hindi? Si Mia, kaklase ko naman, bakit nila pinainom? Pwede ako niyan.. Kaso, never have I ever drank alcohol before. Siguro mga tikim-tikim ng mga vodka nila Mama.. Or red wine.. Pero yung ganito? Na mga kaibigan lang kasama ko? Di bale na.. Pinagkakatiwalaan naman sila ni Mama ee. 

Kumuha ako nung red na Tanduay Ice (para pareho kami ni Luke) bago ko iikot yung game bottle namin.. Naptingin silang tatlo sa akin.. 

"Sigurado ka?" -- Pagulat na tanong ni Felix na parang wala namang tutol sa gagawin ko.. Alinlangan lang. 

Hinanda niya yung bottle opener sa kamay niya. 

"Sam, first time mo 'to, okay lang?" -- Nag-aalala namang tanong ni Luke.

"Ang O.A. niyo. Parang iinom lang ee. Hindi naman 'to big deal. Ayokong maging KJ."

Sinagot namna ako ni Mia. -- "Eh, baka naman kasi napipilitan ka lang uminom kasi umiinom kaming tatlo?" 

"Hindi ako napipilitan.. Gusto ko talaga subukan 'to, promise." Ngumiti ako sa kan'ya. Tapos, lumingon ako kay Felix. Hindi pa rin maipinta muka niya.. Pero, binuksan nya na rin yung bote. 

"Nakakailang kayo.. Bakit ba kaso nakatingin sa akin?" Natawa ako, pagkatapos kong humigop ng isang beses.. Masarap naman ee. Matamis. 

Inirapan ko nalang sila, tapos inikot ko na yung bote. Habang umiikot yung bote, humigop ako ulit ng konti. Naramdaman ko yung mainit na guhit sa lalamunan ko. Uminom ulit ako para lumamig. But I think it's a bad idea.

Pinagmasdan ko yung bote nila.. Halos paubos na nila Mia at Luke.. Binuksan na ni Felix yung pangalawa niyang bote..

Natapat kay Mia yung bote.. Mukang na-excite naman yung iba.. Pero, ako.. Mas excited.. Alam ko na kung anong dare ko sa kaniya..

"May pera ka pa?"

"Huh? Anong gagawin mo?"

"Meron nga?" Naguluhan silang tatlo.. Lahat sila nakatingin sa 'kin.. 

"Meron pa naman.."

Tinungga ko yung bote ko hanggang maubos tapos inabot ko sa kaniya. "Dare. Bumili ka pa."

Hindi ko ma-explain yung mga muka nila, halatang nagulat.. Gusto ko pa ee, bakit ba? Sabado naman ngayon at walang pasok bukas.. At kaya ko pa naman tiisin kahit medyo nahihilo na 'ko.. Kasi masaya ee.. At safe naman ee.. Wala naman kami sa bar..

Hindi sila nakasalita for a moment.. Napangiti nalang si Mia sa akin.. Yung ngiting EVIL... Tapos dumukot na siya ng pera sa bag niya.. At agad namang lumabas.. Sinundan siya ni Felix.. Sobrang lalim na kasi ng gabi.. Ilang oras nalang magha-hating gabi na.. Para daw ligtas at may magdadala nung mga bote.. 

Nagkatinginan kami ni Luke.. "Bakit nagpabili ka pa? Di pa ba sapat 'yang dalawang bote bawat isa sa atin?"

Napangiti ako. "Minsan lang naman 'to ee. At wala naman sila Mama."

"Sigurado ka ha?" Ang cute niya pag nag-aalala. I nodded in reply. 

Tumahimik ng sandali.. 

Pero hindi hinayaang patagalin ni Luke 'yon. "Ang daming nangyari ngayong araw na 'to."

Nag-flashback lahat ng mga events simula kanina. Oo nga.. Tama si Luke.. Siguradong unforgettable 'to. 

"I mean, sinong mag-aakala na this day would come? Isipin mo kung natuloy yung gala niyo nila Felix." Edi hindi siya makakaamin sa akin.. At natuloy din yung lakad nila ni impakta kanina. At baka maging sila ulit. Buti nalang.. 

Kung Hindi Lang Kita MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon