Chapter 3 Jealous Lay + Meet IU

2.8K 91 4
                                    

A/N : Dedicated sa ATE KO :)) Hi Mrs. Kim!

Nagwawalang Lay sa Multimedia. Yan na yon, nagwawala na sya sa kalagayang yan. Jke.

Hyoyeon's POV

Hala pano na yan? Nakatabi ko pa si Lay at si Chen-Cheneneng Tokneneng. Baka maparalyze ako dahil kay Lay at baka mang Jongdae sakin si Chen.

"Hyoyeon. Ok ka lang?"-tanong ni IU sakin .

"I'm Ok"-sabi ko

"Ehr? Wag ka maniwala jan, di lang kasi maayos ung sarili nya dahil kasi.."- sabat ni Yoona

Binigyan ko lang sya ng 'bwisit ka, manahimik ka na' look

"Please na Yoona"-pangungulit ni IU habang hinahatak ung braso ni Yoona. Ang brutal naman ng batang 'to

"Hehehe. Deny-deny din. I'm sure it's because of Lay"- singit ni Seohyun. Ge guys pagtulungan nyo pa ko. Hayys..

Sure naman akong naririnig ni Lay ang mga pinagsasabi nila. Teka sige ibuking nyo pa ako papa-tira ko kayo ng Hapkido kay Baekhyun!

"Ohh... Clear, it's clear to me"-panang-ayon ni IU sabay ngiti kay Yoona at Seohyun ng nakakaloko

"IU, pramis di nga un totoo"-sabi ko. Napansin kong lumilingon si Lay at si Kai... pero bakit si Kai? Pshh! Hyo, tama na ang pagiging assumera ah..

Titingnan ko nga si Lay.... Ok 1,2,3 go! Slowly inikot ko ung ulo ko sa direksyon ni Lay and Omy! Nakatingin din sya!

LAY's Pov

Di ko alam kung anong naramdaman ko nung nagkatitigan kami ni Hyoyeon. Parang may parte nang puso ko na nabuo.. basta sabi nga ni Dyo at Chen "Girl, I can't explain what I feel"

Ang cute nya talaga pero ang aura nya ay boyish.. Maya-maya dumating narin si Mr.Lee. I'm sure una nyang tatawagin si Ka--

"Kai, can you please show us your dance moves"-i told you! si Kai ang una nyang tatawagin!

"Sure Sir, but can I do it with Hyoyeon"- request nya, grabe parang binagsakan ako ng langit at lupa nung narinig ko yon!

"Anything you want. Hyoyeon, may you join with Mr. Kim"- geh.. push mo yan Mr.Lee!

Napatayo na si Hyo ng bigla kong hinawakan ung kamay nya..

.
.
.
.
.
.

D_____O. Putcha Lay! Bakit mo ginawa yon? Napatingin naman si Kai at lahat samin lahat..

Binitawan ko nalang bigla ang kamay nya at pumunta na sya sa harap.

"Zhang Yixing, is there any problem?"-Tananong ni Mr.Lee. Paki-elam nya ba? Pati ba naman ung lablayp ko papake-elaman tsaka anong katapatan nyang tawagin ang buong pangalan ko?

"Nothing Coach, kinuha ko lang po ung susi nang locker ko sa kamay nya. Pinaglalaruan nya po kasi"-palusot ko. Naku patay baka magalit si Hyo sakin. Parang nababasa ko sa isip nya na 'walang hiyang Lay 'to pinalabas na ako pa may kasalanantay ka na bwiset ka' pero sana hinde

Nakipagdal-dalan nalang ako kay Chen at nagpapasulyap-sulyap sapagsayaw ni Hyo.. Grabe ang galing nya *claps FOR HYO ONLY*

"JongInaa karin Lay no! Bat mo ginawa yon nasisiraan ka naba"-panenermon sakin ni Chen

"Sorry naman, ang hirap kaya nangpinagdadaanan ko, ayoko naman na makuha sya ni JongIn sakin"-sagot ko

"Sus, lahat naman tayo may pinagdadaanan ultimo si Flappy Bird nga meron din eh"-palabirong sabi nya

"Bwiset! Wag mo na ngang isali dito ung abnormal na ibon na yon."-ako

"Bahala ka na nga, sige ka mauunahan ka ni JongIn"-advice nya. Kahit abnormal ang pagiisip ng Jongdae na to eh may bright side din naman pala..

Buti naman natapos din ang landian este sayaw nila ni Hyo! Mamatay ka na JongIn. Joke lang..

"Good Job Hyoyeon and Kai!"-sabi ni Coach at umupo na ulit sila

"Duma-The Moves ah"-narinig kong sabi ni Dyo kay kay sabay apir kay Kai

"Lay, ano buhay ka pa ba?"-tanong ni Xiumin

"Humihinga pa rin Hyung"-mahina kong sagot

"Weh? Hyung wag ka maniwala jan, konting push na ngalang mag-sui-suicide nay an eh"-pang-eepal ni Chen

Baekhyun's POV

Natural lagi dapat akong may POV kasi Basically BAEKYEON nga daw diba? Anyway..

Tinititigan ko lang si Taeyeon habang nagsasayaw si Hyo at Kai. Paki ko ba sa kanila? Taeyeon lang sapat na

Pagkatapos nun nag haharutan lang kami ni Chanyeol, wala kaming magawa eh, tinutulak nya ako kay Taeyeon pero pinipigilan ko kasi baka magalit sya pag nabangga ko sya at si Suho ang piliin nya.

(A/N: O to the A level lang Baek?)

Ok lang yan Author ikaw naman nagsususlat eh...

Nadikit naman ako ng konti sa balikat ni Taeyeon

"*insert tono ng Palmolive naturals here*Oh no! Nadikit si Baekhyun kay crush!"-pangasar ni Chanyeol tiningnan ko lang sya nang masama

"Sorry"-mahinang sabi ni Yeol Lumingon naman ako kay Taeyeon para mag-sorry

"Sorry Taeyeon"-sabi ko

"Ok lang, ok lang"-sagot nya at nginitian ako sabi nga ni Hyoyeon: OXYGEN PLEASE!... naku ang bait nya talaga

Tinuruan muna kami ng basics at bukas naraw ung iba. So ayun uwian na kami. Sabay sabay kaming EXO na umuwi sa dorm..

NEXT DAY

IU's POV (Lee Ji Eun)

Hello ^_^ buti nalang nagka POV na ako. Nasa school na ko agad kasi wala lang gusto ko lang mauna sa room.. Hinahanap ko ang bespren kong si Xiumin at E-Young pero parang si E-Young lang ang nandito.. Wala pa si Xiumin siguro sasabay sya sa EXO mag punta ng school..

Gusto nyo ba malaman ang history nang prendship naming ni Xiu? O sige basahin nyo ah..

Kaibigan ko na si Xiu simula pagka panganak sakin nang nanay
ko...Dyoke. Seryoso na, nagkita kami sa ospital nung mga siguro 7 or 8 years old kami kasi may trangkaso sya pero dinala agad sa opital, OA ahh.. ako naman may pilay sa kaliwang braso kasi nag-re-wrestling kami nang kaibigan ko.. Oo na maharot na kung maharot eh ganon ako eh..pero magaling na yun ngayon

Lagi ko syang pinupuntahan sa kwarto nya kasi mag katabi kami ng kwarto sa ospital wala daw kasi syang kalaro kaya hinahatid ko sya sa playground kahit may trangkaso sya.. natagalan kami sa ospital nay un kasi ako kailangan ng teraphy at sya naman na dengue.. grabe tong batang to..

Sabi nya may crush daw sya sa ospital na kaedad din naming. Landi netong lalaki na to. Dyoke lang.. pero di ko naman kilala, ayaw nyang sabihin eh.. basta sabi nya lang, maputi, maganda, mabait at magaling kumanta.. sus papahirapan ko pa ba ang sarili ko na alamin un?

Tapos 1 week na kaya uuwi na kami sa bahay namin kaya malungkot na kami sabi nya sana daw maging school mates kami sa Grade Three at nag katotoo nga.. from grade 3 up to now mag-kaklase kami. Di naman kami nag kakasawaan sa mukha ng isa't isa. Pero isa lang ang iniisip ko hangganga ngayon..

Sino kaya ung babaeng tinutukoy nya na crush nya sa ospital?

**

[EXOSHIDAE FF] Love is EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon